Say Alonzo on Sam Milby's controversial Lalola visit: "He knows I'm upset."

"I've been a very good friend to him. He knows that. I don't want to elaborate anymore, basta alam niya yun. Is he the same to me? Maybe you should ask him that," says Say Alonzo about Sam Milby.


Sa naging pagdalaw ng Kapamilya star na si Sam Milby sa taping ng Lalola ng GMA-7, nadiin ang pangalan ni Say Alonzo na diumano'y nag-imbita kay Sam na dalawin siya ng aktor sa taping nila. Kasama si Say sa naturang primetime series na magtatapos na mamayang gabi, February 6.

Nasulat nga na sumama ang loob ni Say sa pangyayaring yun. Maging ang isa pa nilang kaibigan from Pinoy Big Brother na si Uma Khouny came to Say's defense na lumabas din dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal). (Click here to read related article.)

Ayaw na sanang magbigay ng anumang pahayag ni Say dahil katwiran niya, para huwag na lang din daw lumaki. Obvious din sa ikli lang ng pagsagot ni Say sa mga tanong sa kanya. Pero bakit nga ba lumalabas na siya ang nagyaya kay Sam na dumalaw sa kanya?

"He said he wanted to visit, so I didn't see anything wrong with that since we're friends," paliwanag ni Say sa PEP.

Hindi naman itinanggi ni Say na sumama talaga ang loob niya na kabaligtaran sa totoong nangyari ang mga lumabas na isyu pagkatapos ng pagbisita sa kanya ni Sam.

Aniya, "Sam knows that I'm really upset. He knows that, he knows the truth."

Ngiti lang ang isinagot ni Say at hindi na nagbigay ng anumang reaksiyon sa tanong kung totoo nga bang even in the past, palaging napapasama ni Sam ang loob niya, tulad ng sinabi ni Uma sa press.

Ano naman ang masasabi niya sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Uma?

"Thankful ako na may maaasahan akong friend na ipinagtatanggol ako at pinahahalagahan ang pagkakaibigan namin," sagot ni Say.

Nilinaw rin ni Say na hindi totoong galit si Uma kay Sam dahil sa nangyari kundi nainis lang daw ito.

Somehow, alam daw ni Sam kung gaano ka-supportive si Say bilang kaibigan. Ganoon din ba si Sam sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've been a very good friend to him," ani Say. "He knows that. I don't want to elaborate anymore, basta alam niya yun. Is he the same to me? Maybe you should ask him that."

Close friends lang daw sila ni Sam na nagsimula PBB days pa lang at wala silang romantic involvement. Sanay na rin daw siya na kahit during PBB days pa lang, may nagsasabing baka ginagamit niya lang si Sam.

So, ano ang message niya sa nagsasabing ginagamit or baka ginagamit niya lang si Sam?

"That's always their defense. Since PBB days pa lang, 'yan na ang sinasabi nila sa akin. In fact, lahat na yata ng kung ano-ano, naibintang na nila sa akin pagdating kay Sam. Siguro, I just learned to brush it off na lang," saad ni Say.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN