'90s sexy actor Toffee Calma returns to movies by playing a cross-dresser

Toffee Calma plays a drag queen in the indie film "Showboyz."

"Ang masasabi ko lang, hindi ko idedepensa ang sarili ko sa kung anu-anong akusasyon. Not for anything else, pero bahala na ang mga taong maghusga kung ano ang pagkatao ko, kung sino ako, at kung yun ba ang mahalaga sa kanila," says Toffee Calma about persistent gay rumors.


Nagbabalik ang dating sexy actor na si Toffee Calma sa eksena sa pamamagitan ng indie film na Showboyz. Ito ay mula sa Sinehan Digitales, ang producer ng mga digital films na Duda, Bathhouse, Bilog, Pitong Dalagita, Quicktrip, at iba pa. Marami siyempre ang nagulat sa pagre-resurface ni Toffee at sa isang gay film pa man din, kung saan gumaganap siya bilang isang dating macho dancer turned drag queen.

"Naisip ko kasi na challenging offer pa rin ito," sabi ni Toffee sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Ang huling nagawa kong pelikula ay yung My Boy Lollipop na nalimutan na ng mga tao dahil 2001 pa yun ipinalabas. After that, nagkaroon ako ng chance for a modeling career sa Thailand. For a while, naka-base ako sa Bangkok.

"Mas naengganyo akong pumasok sa maliliit na negosyo. Mga tiangge, benta-benta ng kung anu-anong products like home-made soaps and candles, at iba pang mapapagkakitaan. Hanggang ngayon, I'm into selling different items, at may tindahan ako sa may ParaƱaque," lahad niya.

OUT OF THE CLOSET? Sinasabing ang pagganap niya bilang cross-dresser sa Showboyz ay hudyat na ng kanyang paglaladlad. Matagal na kasing bulungan sa showbiz na isa itong si Toffee sa closet cases sa showbiz, tipong mga pa-mhin na nagtatago pa rin sa dilim.

"Ang masasabi ko lang, hindi ko idedepensa ang sarili ko sa kung anu-anong akusasyon," sabi ni Toffee. "Not for anything else, pero bahala na ang mga taong maghusga kung ano ang pagkatao ko, kung sino ako, at kung yun ba ang mahalaga sa kanila.

"Ang sa akin lang, acting is really my passion. This time, I'm not getting any younger. Hindi naman habambuhay, gaganap ako ng roles na kailangang ipakita ko lang ang katawan ko. Kailangang may acting involved na rito, and if possible, kung may character roles na maglalabas talaga sa naiibang Toffee Calma, well, why not?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumbaga, umiiwas pa rin ba siya sa mga gay issue?

"Hindi ko naman maiiwasan 'yan, but ever since, marami na ang naghusga sa pagkatao ko na ganito ako o ganyan. Pinabayaan ko na lang sila. Do you think may maganda ring ibubunga kung magsasalita pa ako ng kung anu-ano at lumabas na defensive? At saka ang naiisip ko riyan, it has nothing to do sa pag-aartista ko. Kailangan ko ng acting jobs, at hindi yung pagpipistahan lang ako dahil kontrobersiyal o napapaglaruan ang pagkatao o personalidad ko," pahayag ni Toffee.

COMEBACK MOVIE. Bilang si Jemenai sa Showboyz, bukod sa pagma-manage ng isang gay bar, suma-sideline din siya bilang impersonator sa pelikula, hanggang mapuwersa siyang sagipin ang club niya sa pagbabalik bilang macho dancer.

"It's a kind of role na sa palagay ko, okey na maging comeback movie," ani Toffee. "Kasi, hindi naman kailangang maghubad lang ako rito. I'm playing a different character. Kaya naman ako huminto sa paghuhubad noon sa mga pelikula, hindi na ako natsa-challenge sa mga offer. Yun at yun na lang, and eventually, hindi ba't nawala rin ang ganoong klaseng movies?

"Nang mauso ang digital films, naiba ang tingin sa ganitong klaseng mga pelikula. Most of the films na lumalabas, may katuturan, nagpapakita ng reyalidad, which is what I like. Doon nabuo ang kagustuhan kong makabalik, given a very good role. Nabigyan naman ako ng chance ni Direk Cris Pablo, and I grabbed it," paliwanag ni Toffee.

Magkakaroon ng premiere ang Showboyz sa UP Film Institute (Cine Adarna) sa February 11, Wednesday, 7 p.m. Kinakabahan, at the same time, excited si Toffee sa magiging reaksiyon ng publiko sa kanyang "pagbabagong-bihis."

"Wala naman talagang problema sa akin, ke gumanap akong bakla sa movie. Pelikula lang 'yan. Basta, kung ano ang Toffee Calma ngayon, yun na lang yun, tanggapin na lang ng mga tao at hindi siguro kailangang may rason pang mabigat. Masaya naman ako sa ganito, kaya hayaan na lang sana ng mga tao na maging masaya ako sa pagpapatuloy ng acting career ko," pakiusap ni Toffee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RIVALRY WITH BB GANDANGHARI? Lumalabas na parang kinukumpetensiya pa niya si Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari sa mga kadramahan nito. Totoo ba?

"Wala akong kinukumpitensiya," sabi ni Toffee. "Hindi porke nagdadamit-babae ako sa pelikula, ganoon na rin ang drama ko. Wala akong masasabing masama sa ginagawa ni Rustom, or BB, kasi, kung doon siya masaya, okey lang. Dapat na maging masaya tayo para sa kanya.

"Huwag na lang tayong magkumpara ng mga paniniwala. The same way na kung sa ganito ako masaya, na magpatuloy ako sa pag-aartista ko, at hindi lang naman gay roles siguro ang maibibigay sa akin, sana maging masaya rin sila sa akin.

"Kung para sa kanya, patay na si Rustom Padilla at buhay na buhay si BB, paniniwala niya yun, at kasama niya akong nagluluksa. Pero kung masaya siya bilang BB, aba, e, masaya rin ako para sa kanya," nangingiting pahayag ni Toffee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN