Martin and Pops "Missing You" concert brings memories and tears


Nagsimula sa isang "love medley" ang much-anticipated reunion concert ng dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, Missing You, sa Araneta Coliseum kagabi, February 6.

Bago mag-alas-nuebe ng gabi ay sinimulan na ang concert. Pero bago magsimula ang concert ay ipinapakita muna sa big screen ang ilang movie clips ng mga pelikulang pinagsamahan nina Martin at Pops; pati na ang TV shows nila, gaya ng Penthouse Live, at iba pang live appearances.

"We miss you! Do you miss us?" ang isa sa mga unang spiels ni Pops Fernandez sa libu-libong manonood na nasa Big Dome kagabi.

Umpisa pa lang, nandoon na rin ang palitan ng jokes nina Martin and Pops. Like, when Martin told the audience na marami nang nagbago. Pops added, "Your shoes is bigger now!"

Ang next number ng dating mag-asawa ay ang mga kantang "Love The One You're With," "If I Were A Boy," '70s love songs medley, na tila medyo boring ang dating dahil wala pang masyadong reaction ang mga tao sa Araneta noong umpisa.

Pero kung may kapansin-pansin man, ito ay ang very tight and sexy opening outfit and short wig ni Pops

Pero bumawi na sila agad sa solo numbers nila with Martin singing Chicago medley and Pops giving her rendition of "Single Ladies."

Mas sexy si Pops sa ikalawa niyang outfit na black tube and very short shorts na fit na fit sa kanya. She used the Bench slogan na "Single is sexy" at saka sunod-sunod na kinanta ang ilan sa mga kanta nina Beyonce at Rihanna.

Ayon kay Pops, "Being single is great. Gaya nga ng sabi ni Maritn, one day, after umiyak ka, pagkatapos nun, okey ka. Matagal pala ang proseso. And what's worst is when you go through the process of trying to heal yourself. Ang daming questions in your mind. Paano na, may magmamahal ba sa akin? At kung meron man, sino ang susunod na magmamahal sa akin? Kasi hindi tayo sure at ang dami nating question on our mind."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After that, Hotlegs helped Pops change her outfit into a white gown na very elegant ang dating. Biro nga niya, "What's a concert with me if I don't dress on stage?"

Pagkatapos nito ay kinanta niya ang "Someday."

SEX MEDLEY. After Martin sang "Narito," sinundan ito ng "sex medley" nila ni Pops. In fairness, ang cute ng naisip nilang concept. Definitely, hindi malaswa, as others may think, dahil sa pamamagitan ng kanta at comic acts nila ito naitawid.

Siguradong hindi pa rin nawawala ang kilig ng Martin-Pops tandem. Sa spiel pa lang ni Martin na kung sakali at wala raw siguro ang mga tao sa Araneta ng gabing yun kundi sila lang ni Pops, what could his temptation be?

After their "sex medley," Martin asked Pops if she has a fantasy like that.

Natatawang sinagot naman ito ni Pops na, "If I have, then I won't tell it!"

Tawanan naman ang mga tao nang biglang may picture sa big screen na lumabas showing their pictorial na kunwaring galit si Jomari Yllana at pinipigilan ang paghalik ni Martin kay Pops.

Jomari is the producer of the concert, of course, and the present boyfriend of Pops.

Cute din ang paraan ng pagbanggit at pasasalamat nila sa kanilang mga sponsors through the song "Always." Both GMA-7 and ABS-CBN were acknowledged in the concert. Sa GMA-7 ang airing ng concert, pero ang naging promotion ng dalawa ay sa ABS-CBN.

Click sa audience and people from both the Kapamilya and Kapuso networks who willingly obliged to Martin and Pops when they asked the Kapamilyas to cover their ears when they thanked GMA-7. Same with the Kapusos who were present at the concert.

WE ARE FAMILY. Pero palakpakan ang mga tao at tila nagbalik-tanaw rin nang ipakita ang pictures nina Pops and Martin as a family when they first had Robin and Ram, their happy moments together, trips abroad, the issue of separation, and Pops's tell-all interview in YES! magazine, where she spoke about her marriage with Martin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos nito ay kinanta nina Martin at Pops ang "Throw It All Away" and "Sorry Seems To Be The Hardest Word" na umani ng malakas na palakpakan.

Bago ang concert ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang direktor ng Missing You na si Rowell Santiago. Nabanggit niya sa amin na rehearsal pa lang daw nila a day before the concert ay umiiyak na si Martin dahil sa isang production number na hindi nito ine-expect na magaganap.

Ito ay ang production number nila ng buong pamilya—Martin, Pops, and their two boys, Robin and Ram, na special guests nila. Their first number was a rock-band medley with Robin playing the guitar. Kasabay nito ang pagpa-flash sa screen ng mga animation drawing ni Ram. Well-applauded ang number na ito.

Biniro ni Martin si Pops dahil sa ginawang anime ni Ram, tila bitin daw ang audience dahil ano raw ang susunod na mangyayari sa dalawang characters, the hero and the lady. Pagkatapos nito, another drawing appeared on screen showing the hero and the lady kissing.

Dito humirit si Martin ng, "For the record, our producer [Jomari] told us to kiss and Pops confirmed... Actually, it was his idea."

Then, Pops and their two boys greeted Martin a "happy birthday" dahil birthday ng Concert King noong February 5. Hindi na napigilan nina Pops at Martin ang mapaluha nang mag-perform sila kasama ng kanilang mga anak ng theme song ng Tarzan na "You'll Be In My Heart."

Pagkatapos nga ng number nilang magpamilya, hinarana naman ni Martin ang audience with his hit songs: "Ikaw Lang Ang Mamahalin," "Ikaw Ang Lahat Sa Akin," Ikaw Ang Pangarap," and "Be My Lady."


GARY'S "SURPRISE" NUMBER. Hindi naman in-expect ni Martin nang tanungin niya ang isang lalaki sa audience kung anong song niya ang gusto nitong i-request at kakantahin niya on the spot. Ang sinabi ng lalaki ay "Sana Maulit Muli" na kanta ng karibal at kaibigan ni Martin na si Gary Valenciano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

But instead of Martin singing it, he asked Gary V, na nasa audience, to sing it. Pumayag naman ang Mr. Pure Energy. Kapanin-pansin din na all throughout the concert at kung ilang beses in-acknowledge ni Martin ang presence ni Gary.

Gary, in return, told the audience, "It's so great to see them together again!"

NOW VOWS. After their "balik-Penthouse medley," dito na talaga tumodo ang pagiging emotional nina Martin and Pops. Ito ay sa "Now Vows" portion, kung saan on the spot lang nila maririnig ang personal vows na ginawa nila sa isa't isa.

Pero nakuha pang magbiro ni Pops bago basahin ni Martin ang kanyang inihandang vow. Ani Pops, "Oh my God! Sabi ko na nga ba... Well, I always have less to say," dahil sa nakitang mahabang vow ni Martin samantalang sa kanya ay maikli lang. Yet Pops started to cry as Martin read his vow. Si Martin, na tila mas lalong naging emotional sa reunion concert, ay umiiyak na rin while reading his vow.

Martin ended his vow by saying, "My now vows today is to love you, forever."

Pops, on the other hand, ended her vows with: "No matter what, I will always care for you. I love you."

Kung hindi napigilan nina Martin at Pops ang maging emotional at maiyak at magyakap nang matagal, makikita rin halos karamihan sa audience na nagpapahid ng luha.

After ng kanilang "Now Vows" ay nag-duet sila ng kantang "Promises" at "Broken Vow," na nagsilbing finale nila.

Kahit past 11 na ng gabi, tila walang pagkasawa at antok sa mga manonood as they kept on shouting 'more!" Sa encore number nina Martin and Pops, they sang "Kahit Isang Saglit," '80s disco medley with Robin and Ram, and ended it with a duet of their signature song, "Always and Forever."

No doubt that Martin and Pops are still the singing tandem to beat. Kahit sabihin pang may sarili na silang buhay and respective partners in life, ramdam na ramdam pa rin ang kilig sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Indeed, Martin and Pops are still the undisputed Concert King and Concert Queen!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN