Sunshine Dizon excited about moving to her new home this month

"Excited na akong magkaroon ng sariling bahay na ako ang magpapatakbo. Natagalan lang dahil gusto ko namang bago ang mga gamit at inayos talaga ang kitchen, na aside from my bedroom, the most important part of my house. 'Pag wala akong ginagawa, gusto kong nagluluto ako. I'm so excited na!" says Sunshine Dizon about her new townhouse unit.


Hindi lang ang kanyang Starex van ang bago kay Sunshine Dizon. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na may nabiling townhouse ang aktres sa isang subdivision sa Pasig City na malapit na niyang lipatan.

"Baka this month, makalipat na ako at matatapos na ang pagpapa-interior [design] ko," sabi ni Sunshine sa PEP. "Excited na akong magkaroon ng sariling bahay na ako ang magpapatakbo. Natagalan lang dahil gusto ko namang bago ang mga gamit at inayos talaga ang kitchen, na aside from my bedroom, the most important part of my house. 'Pag wala akong ginagawa, gusto kong nagluluto ako. I'm so excited na!"

Nag-quote kami ng amount na worth ng townhouse ni Sunshine, pero ayaw nitong kumpirmahin. May kamahalan ang townhouse na ayaw nang ipasulat ng aktres kung magkano niya binili.

SLIMMER SUNSHINE. Kapansin-pansin din ang pagpayat ni Sunshine na bumagay sa kanyang height. Hindi lang nito alam kung ano ang exact weight niya. Ayaw raw niyang magtimbang para hindi siya ma-disappoint.

Sa damit daw niya tinitingnan kung tumaba siya. Kapag hindi na nagkasya ang mga damit niya, ibig sabihin nito ay mataba na siya. Basta maingat daw siya sa kinakain niya ngayon.

Sana raw ay hindi na siya tumaba uli dahil ayaw niya munang bumalik sa Calayan Surgicenter ni Dr. Manny Calayan para magpa-liposuction.

CASTING COUP. Ibinalita ni Sunshine na tapos na ang storycon nila ng All About Eve,na scheduled for airing sa March 7.

Hindi pa tiyak ni Sunshine kung sa San Francisco nga sila magsu-shoot ng ilang eksena ng Pinoy adaptation ng Koreanovela. Sabi ng isang involved sa project, kung hindi puwede sa Sanfo ay baka sa isang Asian city sila mag-taping.

"Excited na ako to work again. Almost a year na rin akong walang regular TV show. Ang last ko sa Obra. Gumawa rin ako ng movie, pero last year pa natapos. Hopefully, maipalabas na sa March ang Sundo. I'm back with a vengeance!" pahayag ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinatutuwa rin ni Sunshine na muling makatrabaho sina Iza Calzado, Jean Garcia, Mark Anthony Fernandez, at si Direk Gil Tejada. First time naman niyang makakatrabaho sina Eula Valdes at Richard Gomez.

"Ako si Erika sa All About Eve na bagong kaiinisan ng viewers. The bitch is back!" natatawang sabi ni Sunshine tungkol sa kanyang character.

"Hindi ako pinamili kung anong role ang gusto ko, sinabi lang sa akin na ako si Erika. Maganda ang story niya, mabigat ang paghuhugutan. Ayokong panoorin ang original Koreanovela para may sarili akong interpretation sa character niya. Alam ko kaiinisan at magagalit sa akin ang viewers dahil sa mga gagawin ni Erika and, promise, gagawin ko ang lahat para mabigyan ng tamang timpla ang role ni Erika," pangako ng aktres.

Binanggit namin kay Sunshine na mahaba ang buhok ng gumanap na Erika sa original na All About Eve, samantalang maiksi ang buhok ng aktres ngayon. Wala raw problema dahil kung kailangan niyang magpa-hair extension ay kanyang gagawin.

ALLERGIC TO KISSING SCENES. Alam din ng PEP na hindi comfortable si Sunshine doing kissing scenes. Naalala namin na sa kissing scene nila ni Jomari Yllana sa dating soap opera na Kung Mawawala Ka, kinagalitan at sinigawan siya ni Direk Joel Lamangan dahil hindi niya makuha nang tama. Nang ma-perfect naman niya ang eksena, nanginig siya at nagsuka dahil sa tension.

Mula noon, iniwasan na nitong magkaroon ng kissing scene sa mga project niya. Kapag hindi maiwasan ang kissing scene, sa cheek lang o kaya'y daya ang mga eksena.

Paano ngayon na may kissing scene siya kina Alfred Vargas, na gaganap sa role ni Warren, at kay Mark Anthony sa All About Eve?

"Ang wish ko lang, magawa ko siya nang tama at hindi ako manginig. Nakakahiya kay Mark, kay direk Gil, at sa co-stars namin kung matitigil ang taping dahil sa akin," wika ni Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SOP. Madalas mapanood si Sunshine sa Sunday musical-variety show na SOP. Regular na ba siya rito?

"Medyo!" bulalas niya. "Magwa-one month na yata ako sa show at gusto ko ang ginagawa ko. Gusto kong kumanta, sumayaw, at mag-host. Gusto ko lang magpa-cute 'pag Sunday at nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko at sana magtuluy-tuloy ako sa SOP."

LOVELESS THIS VALENTINE. Dahil walang boyfriend, ang inang si Dorothy Laforteza at ilang kaibigan ang kasama ni Sunshine sa Valentine's day. Lahat daw ng loveless ay ide-date niya para sama-sama silang mag-senti.

"Hindi ko nga alam kung bakit three years na 'pag Valentine's, loveless ako. Naalala ko, yung first year na loveless ako, magkakasama kami ni Diana [Zubiri]. The next year, kami naman ni Iza [Calzado] ang magkasama. This year, mukhang kami pa rin ni Iza ang magkasama.

"May isang lugar akong laging pinupuntahan every Valentine's Day na may sumpa yata! Kaya this year, sa ibang place na lang yata kami pupunta para maalis ang sumpa!" natatawang sabi ni Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN