Newcomer Ryan Dungo reacts to double-X rating of Sagwan

"Sobrang daring lang talaga ang mga eksena namin dito. May eksena pa rito na na-curious ako, sumali ako sa orgy, threesome. Yung isa kong kaibigang bangkero [played by Dennis Torres], nagsalo kami sa isang baklang turista," says Ryan Dungo about their controversial film.


Hanggang ngayon ay hindi pa alam kung anong magiging kapalaran ng gay indie film na Sagwan pagkatapos itong bigyan ng double-X rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Nang ipalabas sa UP Film Institute ang uncut version ng pelikulang idinirek ni Monti Parungao, dinagsa ito ng maraming tao. May mga nagsabi pang nakakaarte naman daw ang lead star ng pelikulang si Ryan Dungo, kung ikukumpara sa ibang babanu-baong newcomers na naglipana sa digital films.

"Wala naman siguro kaming magagawa roon," sabi ni Ryan nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa XX-rating na napala ng Sagwan sa MTRCB. "Basta kami, pinaganda namin ang pelikula sa abot ng aming makakaya. Kung anuman ang hindi nila nagustuhan doon, sila na lang ang makakapagpaliwanag. Pero umaapela pa rin po ang Rocca Productions, e.

"Sana, makabawi man lang at maipalabas. Ang pagkakaalam ko, masyado raw babad ang mga love scene. Pero, baka iksian na lang nila. Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon ng manager ko [George Rocca], na siya ring producer ng pelikula."

Nakapanghihina rin daw ng loob, pero para sa isang baguhang gaya niya, masaya na siya dahil nakagawa siya ng ganitong klaseng pelikula na nagustuhan na rin ng mga nakapanood nito sa premiere night.

"Marami kaming natutunan dito, lalo na't first timer ako," sabi ni Ryan. "Kung paano humarap sa kamera, kung paano umarte, naturuan ako. Yung director namin, binibigyan kami ng ideas kung paano gumalaw sa harap ng kamera."

Dagdag niya, "Pinaghirapan namin ito. Nakapanghihinayang din na hindi maipalabas sa mas maraming sinehan. Wala na rin kaming magagawa kung yun ang magiging final decision nila sa MTRCB."

Taliwas sa reaksiyon ng marami na "exploitative" ang mga sex scene sa pelikula, balewala naman ito kay Ryan.

"May puso naman ang pelikula, may kuwento," aniya. "Opinyon nila yun kung sinasabi nilang walang kuwenta yung movie namin. Pero alam kong mas maraming nagkagusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang daring lang talaga ang mga eksena namin dito," pag-amin din ni Ryan. "May eksena pa rito na na-curious ako, sumali ako sa orgy, threesome. Yung isa kong kaibigang bangkero [played by Dennis Torres], nagsalo kami sa isang baklang turista.

"Yun ang pinakamahirap na eksena sa akin, na nakipaglaplapan ako sa kapwa ko lalaki. May blow job, ganoon. Nakakailang sa umpisa. Pero, may frontal din ako rito. Nahirapan din ako, kasi first time ko sa harap ng kamera."

Incidentally, kung maaaprubahan ng MTRCB, ang Sagwan ang magiging opening film ng Queeriosity Film Festival na mag-uumpisa sa February 11 sa Robinson's Indie Sine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN