SOP's You've Got Male goes up against the boys of ASAP

You've Got Male is composed of (clockwise) Jan Nieto, Bryan Termulo, Gian Magdangal, and Harry Santos. The singing quartet of SOP will stage their very first major concert on February 20 at Music Museum.


Nabuo ang grupong You've Got Male nina Jan Nieto, Harry Santos, Bryan Termulo, at Gian Magdangal sa Sunday concert party TV ng GMA-7 na SOP Rules. Managed differently—taga-GMA Artist Center sina Harry at Bryan, kay Leo Dominguez si Jan, at kay Sandra Chavez naman si Gian pagkatapos nitong tumiwalag sa STAGES—kinagat ng audience ang apat na solo singers turned singing quartet kung kaya't binigyan na rin sila ng kanilang sariling segment sa SOP.

Galing sa Philippine Idol sina Jan at Gian na parehong 27 years old. Mula naman sa Pinoy Pop Superstar sina Harry at Bryan na parehong 20 years old at kasalukuyang nag-aaral pa. Wala sa kanila ang nanalo ng grand prize sa sinalihan nilang contest, ngunit masaya na rin sila ngayon dahil kahit paano'y may pangalan na rin sila dahil sa kanilang grupo.

Sinubok sa isang small show sa Taboo Bar sa Ortigas ang You've Got Male. Dahil sa magandang response ng audience, susugalan sila ng Dream Concert Asia Entertainment Production sa kanilang first major concert this February 20. Titled Four...The First Time, gaganapin ito sa Music Museum. Sina Pops Fernandez at Lovi Poe ang magiging guests nila.

Bukod sa kanilang group singing, bibigyan din sila ng pagkakataon na ipakita ang kanilang galing sa pagkanta bilang solo singers.

OPM ang kakantahin ni Jan dahil dito raw siya talaga nakilala. Si Gian na akala namin ay kakanta ng stage songs ay mag-o-original, as in mga kantang kinompose niya ang kakantahin niya. Pop classic si Harry pero kakanta pa rin siya ng isang Josh Groban dahil tiyak na hihilingin daw ito. Si Bryan naman ay magpa-fast songs with matching dance number.

Dahil concert season ang Pebrero, actual na makakatapat ng first major concert ng You've Got Male ang repeat ng Gary V Live@25 na gaganapin sa Araneta Coliseum. Kinabukasan naman, Feb. 21, sa Araneta pa rin ang unang concert din ng Pop Icons na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Erik Santos, Christian Bautista, at Mark Bautista. Ang anim na singers ay mainstays ng ASAP '09 ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba natatakot ang You've Got Male sa mangyayaring tapatan?

"Mas may pressure sa kanila kasi sila 15,000 seats ang pupunuin nila, kami 700 or so lang!' pagbibiro ni Gian. "Pero seriously, iba naman kami sa kanila. Mga sikat na sila, kami nagsisimula pa lang."

Ano ang magiging panlaban nila sa dalawang katapat na major concerts ng mga ASAP stars?

"Si Bryan, magpapa-sexy!"' patawa ni Jan.

"Hindi pa ako handa, pero kung kinakailangan!" sakay naman ni Bryan.

May isa pa kaming napansin na pagkakapareho ng You've Got Male at Pop Icons—ang pagiging single nila.

Single sina Piolo, Sam, Mark, Erik, at Christian pati na rin sina Harry, Jan at Bryan.

"Si Gian, may anak na [kay Sheree], hindi kami lahat single," sabi naman ni Jan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN