Bing Loyzaga almost had heart attack following hypertension last year

"My blood pressure shot up so high na umabot siya ng 200! Walang akong nararamdaman na sakit sa katawan ko or pagkahilo. Yun daw ang masama kasi wala akong nararamdaman. I can have a heart attack anytime pala at hindi ko alam," says Bing Loyzaga.


Marami ang naka-miss sa pagiging kontrabida ni Bing Loyzaga, kaya sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Sine Novela Presents Paano Ba Ang Mangarap? ay nagbabalik siya sa kinasanayan na ng maraming televiwers na role niya. Ginagampanan ni Bing ang papel na Doña Francia, na unang ginampanan ni Armida Siguion-Reyna sa 1983 film na ito nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Ayon kay Bing, mabait siya sa last two soap dramas na ginawa niya, Marimar sa GMA-7 at My Girl sa ABS-CBN. Kaya naman nagugulat siya na bigla siyang nilalapitan ng mga tao at nagpapa-picture sa kanya.

"Hindi ako sanay na natutuwa sa akin ang mga fans. Before, takot sa akin ang mga 'yan. Ngayon, natutuwa sila sa akin!" natatawang sabi ni Bing sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"When I did both Marimar and My Girl, matino ako doon. Hindi ako nagtataray at mabait ako sa mga bida na sina Marian Rivera and Kim Chiu. Aba, biglang may mga nagpapalitrato na sa akin na mga tao! E, noon kapag maldita ang role ko sa TV, nahahawi ko ang mga tao nang walang effort. As in, sila na ang umiiwas sa akin at baka raw matarayan ko sila!

"Pero ngayon, I am back sa pagtataray on TV. Naku, ewan ko na lang kung may magpa-picture pa sa akin kapag napanood na nila ang mga pang-aaping ginawa ko kay Jennylyn [Mercado] dito! As in maloloka na naman sila sa akin!" patuloy na pagtawa ni Bing.


HEALTH PROBLEM. Pero kahit bumalik na sa pagiging kontrabida si Bing, kailangan din na maghinay-hinay siya sa mga matitinding eksena dahil iniiwasan na niyang tumaas ang presyon ng kanyang dugo.

Last year ay muntik nang atakihin sa puso si Bing dahil sa sobrang taas ng kanyang blood pressure. Ayon kay Bing, dahil sa sobrang stress kaya nangyari 'yon. Masyado raw kasi siyang nag-worry sa naging kalagayan ng kanyang amang si Caloy Loyzaga nang magkasakit ito sa Australia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "My dad had to undergo an operation in Australia last October 2008, kaya lahat kami lumipad papuntang Gold Coast. Masyado kaming taranta kasi nga fifty-fifty ang kalagayan ni Daddy. Hindi namin alam if the operation will do him good or it would make him a lot worse.

"So we were all praying and trying to go through it normally. Suddenly, si Mommy naman, she had an accident sa bahay namin doon. She slipped sa garage floor and hit her head. So we had to rush her to the hospital and had her checked for any damage sa skull niya, kasi baka nag-blood clot or na-trauma.

"When she was out of danger na, so medyo nabawasan ang stress. So we had her checked thoroughly by the doctor. Since nandoon na rin lang kami sa hospital, nagpa-check up na rin kaming lahat. Then it turned out na ako pala ang may sakit.

"My blood pressure shot up so high na umabot siya ng 200! Walang akong nararamdaman na sakit sa katawan ko or pagkahilo. Yun daw ang masama kasi wala akong nararamdaman. I can have a heart attack anytime pala at hindi ko alam.

"So ang ending, ako ang inasikaso ng mga kapatid ko. Sabi ko, I will be okay. Just give me the proper medicines and I will be able to take care of myself. Pinapaiwas na lang nila akong ma-stress. Mas important kasi na sila Mommy at Daddy ang maasikaso nila.

"It's a good thing na rin because naging okay na si Daddy and he recovered very well sa kanyang operation. Si Mommy naman, okey din siya at wala siyang naging problema. So, ako na lang talaga ang naging problema nila. But I am doing okay now. Kailangan lang ng regular na pag-inom ng medicine at hindi masyadong ma-stress."

THE SCARE. Inamin ni Bing na natakot din siya para sa kanyang kalusugan. Una nga raw niyang naisip ang kanyang dalawang anak na sina Alyssa at Gaby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Any mother would get scared kasi muntik-muntikan na pala ako," sabi ni Bing. "Hindi biro 'yong nangyari sa akin. Something could have happened to me. Paano na ang mga anak ko, di ba?

"So I'd like to thank my family for really assuring me na if ever something happens, sila ang bahala sa pamilya ko. But I am thankful to God because walang nangyari sa akin na grabe. Malakas pa raw ako kaya nandito pa ako at nagtatrabaho. Pero I am taking things slowly para walang masyadong stress.

"Marami na akong iniba sa lifestyle ko because of what happened. I stopped smoking, I have a diet plan now and umiiwas na ako sa puyat. It's a good thing na si Direk Joel Lamangan ang direktor namin sa soap drama, kasi maaga kaming nakakauwi. Hindi kami inaabot ng madaling-araw sa set."

Dahil sa naging sakit ni Bing, iniiwasan na raw ng kanyang mister na si Janno Gibbs na mabigyan siya ng matinding sakit ng ulo.

"Janno is trying his best not to give me any headaches at stress. He's been very attentive to me and the kids. In fairness, tumino na siya, hindi ko lang alam hanggang kailan 'yan!" sabay tawa ni Bing.

Dagdag niya, "Hindi na kasi ako masyadong nakikialam sa mga ginagawa ni Janno ngayon. Unlike before na nate-tense ako sa kakatanong sa kanya. Ngayon, dedma na lang ako. Ayoko kasing matensyon na ng dahil lang sa kanya.

"I can say na nag-iba na ang cycle naming dalawa since we got separated and got back together again. It's more relaxed now and we're more concerned sa mga anak namin than with each other. Kaya mas okey ang samahan namin and Janno promised naman na hindi na niya ako bibigyan ng problema."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN