Will Devaughn undergoes knee surgery

Model turned actor Will Deveaugh went under the knife last February 11 for the injury on his right knee.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tawag mula sa manager ni Will Devaughn na si Paula Punla. Inoperahan daw sa kanyang right knee ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition housemate last Wednesday, February 11, sa St. Luke's Medical Center.

Naalala namin na noong i-launch sina Marian Rivera at Will as image models ng Jag jeans, idinadaing na ni Will ang kanyang right knee, na nasaktan daw sa paglalaro niya ng basketball. Sumasakit daw ito lagi. Dapat nga raw ay mag-a-undergo siya ng knee surgery, pero sunud-sunod naman ang trabaho niya kaya hindi niya ito mabigyan ng panahon.

Kinumusta namin si Will kay Paula.

"Out-patient naman siya," sabi ng talent manager. "Ipinasok siya sa operating room ng 7:30 a.m. at inoperahan for 45 minutes ang torn ligament sa right knee niya ni Dr. George Canlas. Pagkatapos ng operation, nag-rest lang siya at umuwi na rin sa bahay niya.

"Kailangan niyang mag-rest for a month habang nagte-therapy siya. Kaya pahinga muna siya sa ASAP at stop din muna ang recording niya ng album. After a month pa rin siya puwedeng mag-taping ng teleserye niya with Judy Ann Santos [Habang May Buhay]."

Saan gumagawa ng recording album si Will?

"Wala pa naman kaming nakukuhang recording company, inaayos muna namin," sabi ni Paula. "Kapag natapos na niya, saka kami makikipag-negotiate sa mapipili naming recording company.

"Actually, kababalik lang ni Will from a two-week vacation in the States. Four years na ring hindi niya nabibisita ang mommy niya who's based in Kentucky at ang brother niya, sa New York. Na-homesick din siya agad doon kaya bumalik na rin siya rito. Hindi na raw siya sanay sa buhay doon, mas gusto raw niya ang buhay niya rito.

"Pagbalik nga niya, in pain na siya, namamaga na ang tuhod at paa niya kaya hindi na siya nakatanggi nang sabihan ni Dr. Canlas na kailangan nang maoperahan ang right knee niya. Ngayon, okey na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biniro namin si Paula na baka may binalikan si Will dito kaya na-homesick agad while in the States. Si Riza Santos ba 'yon na kasama rin ni Will sa PBB?

"Ang alam ko, nasa stage sila ng ligawan noon, kaya lang umalis nga si Riza at bumalik ng Canada. May communication pa rin sila, nag-uusap naman sila. Kaya lang, hindi alam ni Will kung kailan siya babalik dito," kuwento ng manager ni Will.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN