Heart Evangelista explains why she backed out of Muling Buksan ang Puso

"May mga rason kung bakit hindi namin tinanggap ang project. Gusto namin si Dennis, ayaw lang sa hapon na timeslot. Sabi ni Tita Annabelle [Rama, Heart's manager], maghintay na lang ng primetime and right project. Bawal din sa kontrata ko as endorser ang role na ipu-portray ko, manganganak ako at magiging nanay. Hindi puwede yun," says Heart Evangelista about backing out of the Sine Novela Muling Buksan ang Puso.


Ramdam namin ang lungkot ni Dennis Trillo sa nabalitaang hindi na matutuloy ang tambalan nila ni Heart Evangelista sa TV remake ng Muling Buksan Ang Puso. Pero naiintindihan daw niya ang desisyon ng aktres at umaasa pa ring magkakasama sila ulit sa trabaho pagkatapos ng pagsasama nila sa Dear Friend last year.

Nagkataon namang na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa last presscon ng Luna Mystika. Ang aktres mismo ang nagbalita na hindi na nga matutuloy ang tambalan nila ni Dennis.

"May mga rason kung bakit hindi namin tinanggap ang project. Gusto namin si Dennis, ayaw lang sa hapon na timeslot. Sabi ni Tita Annabelle [Rama, Heart's manager], maghintay na lang ng primetime and right project. Bawal din sa kontrata ko as endorser ang role na ipu-portray ko, manganganak ako at magiging nanay. Hindi puwede yun," paliwanag ni Heart.

Si Heart ang bida sa primetime series na Luna Mystika. Ang Muling Buksan ang Puso ay ang upcoming Sine Novela ng GMA-7 na may pang-hapong timeslot.

Binanggit kay Heart na excited pa naman si Dennis na makapareha siya dahil bitin ito sa Dear Friend na wakasan ang istorya.

"Excited din naman ako na makatrabaho siya ng mas matagal dahil mabait siya nang una kaming magkasama," sabi ng aktres. "Napaka-professional pa at ang bilis magbihis. Pero marami pa namang pagkakataon, ang dami pang shows na naka-line up ang network, magkakatrabaho rin kami ni Dennis."

Kundi sila puwede sa telebisyon, sa pelikula kaya'y posible silang magsama ni Dennis? Balita kasing may pinaplanong pelikula ang Regal Entertainment para sa kanila.

"May gagawin dapat akong pelikula, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Kung ano lang ang isalang sa akin at 'pag nagustuhan ko, kahit si Dennis ang kasama, bakit hindi?" sabi ni Heart.

Okey ba sa kanya kung pagtambalin sila ni Dingdong Dantes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Posible rin, hindi natin masabi," sagot ni Heart. "Kaya lang, baka magalit sa akin ang fans nila ni Marian [Rivera]. Ako naman, kahit sino ang ipareha sa akin basta maganda ang project, gagawin ko. Walang personalan, trabaho lang. At the end of the day, it's just a job."

BIRTHDAY GIRL. Habang kausap namin si Heart, napansin namin ang diamond-studded bracelet na suot nito. Binili raw niya as birthday gift sa sarili. Bukas, February 14, ang mismong birthday ni Heart.

Suot din niya ang isa pang mamahaling bracelet, na mukhang heirloom, na bigay naman ng kanyang mommy.

"Ang dad ko, two-month-old German Labrador ang regalo sa akin," banggit ni Heart. "Next Sunday ko pa makukuha, kaya wala pa akong maisip na pangalan. Black-brown ang kulay niya, bantay ko raw.

May ilang taping days pa ang Luna Msytika. Hindi pa yata nakukunan ang love scene nina Heart at Mark Anthony Fernandez, na isa sa highlight ng fantaserye at handog ng series sa sumusubaybay sa series at sa fans ng dalawa. Ngayon pa lang, nami-miss na ni Heart ang staff at co-stars na naging close sa kanya.

"Mami-miss ko rin si Celestina [her other role]. Pero nag-enjoy akong i-portray siya kahit mahirap, lalo ngayon na pareho nang tao ang kambal. Lagay at baklas ng makeup ang ginagawa ko, pagod na pagod kami. Pero ang sarap-sarap ng feeling na nagawa mo ang isang mahirap na eksena lalo na 'pag nagustuhan ng viewers," pagtatapos ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN