Jolo Revilla and Lovi Poe spend Valentine's with his family

"May taping din kasi, busy, so wala nang chance na lumabas or something. So, ang ginawa ko, nagluto na lang ako sa bahay ng steak, salad, at saka pasta. Na-appreciate naman niya at ng buong family. Masarap naman akong magluto!" says Jolo Revilla on how he spent Valentine's with Lovi Poe and his family.


Sa bahay lang daw nila sa Alabang nag-celebrate ng Valentine's Day ang young actor na si Jolo Revilla. Kasama niya ang kanyang pamilya at hindi rin niya itinanggi na nandoon at kasama rin nilang nag-celebrate ng V-day ang girlfriend niyang si Lovi Poe. Yun na rin daw ang naging celebration nila ni Lovi.

"May taping din kasi, busy, so wala nang chance na lumabas or something. So, ang ginawa ko, nagluto na lang ako sa bahay ng steak, salad, at saka pasta. Na-appreciate naman niya at ng buong family. Masarap naman akong magluto!" natatawang sabi ni Jolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Totoy Bato kagabi, February 15, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Siyempre, may Valentine's gift sila sa isa't isa. Pero unlike before na mas open si Jolo, this time ay nakiusap itong kung puwede sa kanilang dalawa na lang yun.

"Yung gift ko sa kanya, pagmamahal!" natatawang biro pa niya.

Bukod dito, iniiwasan na rin ni Jolo na pag-usapan ang anumang tungkol sa ina ni Lovi na si Rowena Moran.

"Hangga't maari, ayoko na lang sana na yun ang pag-usapan. Kasi, private person naman siya at mas maganda kung hindi na lang natin isasama sa usapan," iwas niya.

Kahit hindi nito masagot nang diretso kung welcome na ba siya ngayon sa bahay nina Lovi tulad ng pag-welcome ng pamilya niya sa young actress, nasabi na lang niya na lahat naman daw ay gagawin niya para sa mommy ng actress.

MOTHER OF JOLO'S SON. "Civil" kung ilarawan naman ni Jolo ang relationship nila ni Grace Adriano, ang ina ng anak niyang si Gab at anak ng aktres na si Rosanna Roces. Kapag tungkol sa anak nila ay nagti-text naman daw sila at regular niyang nahihiram ang anak, lalo na tuwing weekend.

"Okey naman kami," sabi ni Jolo. "I think, mas okey na rin yung ganito. Basta tungkol kay Gab, maayos naman ang communication namin. Kapag weekend, lalo na kapag walang taping, nahihiram ko yung anak ko. Kapag weekdays naman kasi, may pasok din yung bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DAD AND POLITICS. Hindi pa raw iniisip ni Jolo yung tungkol sa posibleng pagtakbo ng kanyang ama na si Sen. Bong Revilla bilang presidente ng bansa.

"Matagal pa naman yun, hindi ko pa masyadong iniisip. Marami pang puwedeng mangyari. Mas iba at malaking reposibility na kasi yun. Pero kami naman sa pamilya, kung ano ang maging desisyon ng papa ko, nandito lang kaming lahat para sumuporta."

Nangiti at napailing naman si Jolo nang tanungin ng PEP kung nai-imagine na ba niya ang sarili bilang President's son.

"Huwag muna...wala pa naman. Ayoko pang isipin," aniya.

TOTOY BATO. Ang Totoy Bato naman ang comeback show ni Jolo sa GMA-7 pagkatapos ng Kaputol ng Isang Awit, his afternoon soap with Lovi, Glaiza de Castro, and the late Marky Cielo.Natuwa raw siya nang mapasama siya sa cast, especially in being able to work with Robin Padilla.

"Alam naman natin na si Robin Padilla ang isa sa magagaling nating actors. First time ko pa lang siyang nakasama sa isang project kaya masaya ako na nabigyan ako ng chance na makatrabaho siya."

Nakikita ba niya ang papa niya kay Binoe, lalo pa't parehong action stars ang mga ito?

"Well, para kasi sa akin, pareho silang magaling," sabi niya.

Maging ang ama raw niya ay masaya para sa kanya nang malaman nitong nakasama siya sa Totoy Bato.

"Sabi nga ni Papa, 'Ayos 'yan!' Siyempre, kilala rin naman niya si Robin at masaya siya na nakasama ko sa ganitong kagandang project," ani Jolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN