Ehra Madrigal talks about lovelife, staying sexy and working with Robin Padilla

For Ehra Madrigal, the path to marriage is still a long and winding road. The Kapuso actress lists her specific goals: (1) focus on showbiz career (2) venture into restaurant business (3) build her own house.


Five years na rin sina Ehra Madrigal at ang kanyang boyfriend na si DJ Myke Solomon, vocal percussionist at beat boxer ng grupong Akafellas, pero wala pa raw silang planong magpakasal.

"Kasi pareho kami na may mga plans pa, eh. Siya meron pa siyang mga gustong gawin, ako rin. So, sobrang medyo malayo pa sa isip namin to settle down," simulang pahayag ni Ehra sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi pa rin naman daw nagyayaya si Myke, dahil "alam niya na marami pa akong plans pa, parang twenty-three pa lang naman ako, matagal pa."

Balak ng Kapuso actress na mag-focus muna sa showbiz. Aniya, "Gusto ko munang gawin lahat, gusto kong magka-business..."

Naniniwala siyang darating din ang panahon para sa kasal.

"Yung mga dreams ko, siyempre, gusto kong matupad munang lahat before kami magpakasal," saad pa ni Ehra na isa sa mga stars ng upcoming TV series sa GMA-7, ang Totoy Bato.

Speaking of wishes, nabanggit nga niya na gusto niya "sana kahit small restaurant lang." 'Pag naging successful ang business venture, bahay ang kanyang susunod na target, "kasi ngayon, I'm renting lang, eh."

Mukha nga yatang wala pa sa bokabularyo ng panganay sa Madrigal sisters ang mag-asawa. Kung sabagay, ito ang nakikitang trend sa showbiz. Hangga't may proyekto, huwag munang magpapahinga; kapag pinalampas ang pagkakaton, baka tuluyan nang matengga ang artista.

'Ika nga ni Ehra, "Sayang naman ang mga opportunities ngayon, na nabibigyan ako ng work... Matagal pa, puwede namang maghintay ang love."

LOVE STORY. Napag-usapan tuloy ang love story nila ni Myke.

Nagsimula raw ito noong nasa college pa sila.

"Napanood ko sila, front act sila sa isang concert, sa Stephen Speaks. Naikuwento ko sa friend ko na ang galing-galing nila, tapos naikuwento sa 'kin nung friend ko na classmate pala siya sa La Salle.

"That time I had a BF, meron din siyang GF, so acquaintance lang kami. For some time, never kami exclusive na nag-date, more of naging friends kami, labas-labas, hanggang sa naging MU, hanggang sa naging kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang sikreto ng kanilang relasyon? Matatandaang napabalita dati na hiwalay na sila, and obviously ay nagkabalikan sila.

"Hindi ko alam," ang mabilis niyang sagot. "Siguro pareho lang kaming nagkakaintindihan, suwerte ko din, kasi naiintindihan niya yung work ko. Yung ibang mga guys nagseselos."

TOPS ON FHM. Si Ehra ay kabilang sa sexiest Pinays ng FHM magazine for two years now. At hindi naman maikakaila na maraming lalaki ang humahanga sa kanyang kaseksihan.

Sa taong ito, nag-a-aspire ba si Ehra na mag-number one sa FHM Sexiest list?

"Well, hindi naman aspiring kasi parang...well, maganda talaga yun, di ba? Flattering, kasi based on votes yun, so parang more of yung mga tao yung mga bumoto sa 'yo, na sa tingin nila na sexy ka, ganito-ganyan...

"Kaya yung mapabilang man lang ako sa Top Ten for two consecutive years, parang ano na yun, malaking karangalan na'yun for me kasi first ever na ma-nominate ako, pang-ano ako, thirty-plus yata, eh.

"Tapos biglang nag-jump sa number five or four, so maganda na yun. At least, napapansin pa rin ako. So ngayon, okay na sa akin, siyempre, yung mapasama ka sa Top Five. Karangalan yun, di ba?"

Staying sexy is not easy, especially for Ehra with her vital statistics 36-27-36.

"Hay naku, mahirap kasi tabain talaga ako ever since," sabi ng dalaga. "Big-boned na 'ko, 'tapos every time nagkaka-monthly period ako, talagang nag-ge-gain ako ng weight, so kailangan talagang bantayan ko yung kinakain ko, and once in a while, workout talaga."

Napag-usapan na rin lang ang kanyang well-endowed figure, ano ang naging advantage nito sa kanya?

"Nabigyan ako ng opportunity to pose for a sexy magazine, at hindi ko na kailangang magparetoke. Hahaha!"

Disadvantage?

"Mahirap, kasi may sakit ako sa likod. Nung bata ako, ako yung pinakamatangkad sa magkakaklase at magkakalaro, kaya parang nahihiya ako na may boobs na ako agad. So, hindi ako palaging naka-straight body.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya ngayon kuba na 'ko, 'tsaka madalas na sumasakit ang likod ko, feeling ko dahil na din sa boobs.

"Ayoko namang magpabawas kasi feeling ko, asset ko ito, ipapabawas ko pa? Dapat nga may back therapy, kaso di 'ko masyado natuunan ng pansin kasi walang time.

"Pero sa pagwu-work out sa gym naman makukuha siya. Hindi naman kailangan ng surgery."

KONTRABIDA ROLE. Going back to Totoy Bato, na napapanood weeknights sa primetime block ng GMA-7, gaano ka-daring dito si Ehra?

"Hindi pa kasi ako nagte-taping pero siyempre sa description ng character ko, GRO, so expected mo na medyo daring nang konti, ganyan...Sexy ang mga outfits."

Siya ang dancer na magkakagusto at hahabol kay Totoy.

Kumbaga, ka-love triangle siya nina Robin Padilla at Regine Velasquez.

Hindi naman lingid sa karamihan na madalas ma-link si Robin sa kanyang mga leading ladies. Ready na ba si Ehra na ma-link sa action star?

"Naku, hindi ko po alam! Kasi, I respect Mr. Robin Padilla, 'tapos parang...it's also a dream of mine na makatrabaho siya. And parang given naman yata yun na lahat nali-link pero siyempre, di ba, para mas more of mapo-focus talaga sa love team nila ni Miss Regine, so parang yung sa amin, ako yung kontrabida. Kay Ms. Regine siya mas mali-link, hindi sa akin," pagtatapos ni Ehra.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN