Actress-politician Alma Moreno weds mayor from Mindanao

Actress turned public servant Alma Moreno admitted to a PEP source that she married a mayor from Mindanao through a simple civil rites. The couple are now planning a grand wedding.


Nagpakasal na muli ang actress-politician na si Alma Moreno.

Isa na namang mayor ang kanyang pinakasalan. This time, taga-Mindanao naman ang punong-bayan na mister ni Alma.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nagpakasal si Alma. Una niyang pinakasalan ang comedian na naging mayor ng ParaƱaque na si Joey Marquez. May apat silang anak.

Pero bago pa man pinakasalan ni Alma si Joey ay naging live-in partner niya ang yumaong aktor na si Rudy Fernandez at ang Comedy King na si Dolphy. Parehong may anak si Alma kina Rudy at Dolphy; sina Mark Anthony Fernandez at Vandolph, respectively.

Pagkatapos makipaghiwalay ni Alma kay Joey ay nagkaroon din siya ng relasyon sa aktor na si Gerald Madrid.

Kinumpirma ni Alma sa isang source ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagpakasal na siya sa mayor ng isang bayan sa Mindanao sa simpleng civil rites. Tumangging magbigay ng iba pang detalye si Alma, kahit pangalan ng kanyang napangasawa, bagamat sinabi niya na may plano sila ng mayor na magkaroon ng malaking kasalan.

Nagsisimula na ngayong magplano si Alma at ang mayor sa magaganap na engrandeng kasalan nila next month o bandang April. Posible raw na gawin ang kasalan sa bayan ng mayor sa Mindanao.

Ayon pa sa aming source, huli na nang malaman ng mga anak ni Alma na nagpakasal na ulit siya. In fact, sa naganap na Valentine concert ni Alma sa The Library noong February 12, doon lamang niya isiniwalat sa kanyang anak kay Joey na si Wyn-Wyn na nag-asawa na siya ulit. Nandun din that night ang bagong mister ni Alma at saka niya ipinakilala sa kanyang mga anak.

Ang mayor ang isa sa mga dahilan ng madalas na pagpunta ni Alma sa Mindano, bukod pa sa posisyon niya bilang National Secretary ng Councilor's League of the Philippines. Posibleng sa pag-ikot-ikot daw ni Alma, na konsehala sa lungsod ng ParaƱaque, sa ibang lalawigan bilang secretary ng organisasyon niya nakilala ang naturang mayor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng source ng PEP, posible raw na naganap ang civil wedding ni Alma at ng mayor last week ng January or first week ng February. Wala pa raw sanang balak si Alma na magpakasal kundi sa isang insidente na nag-trigger para magkaroon ng isang malaking desisyon ulit sa buhay ang actress-politician.

Diumano, nabalitaan ng ex-husband ni Alma na si Joey ang tungkol sa bago niyang boyfriend. Kasunod nito ang pagbawi raw ni Joey ng kotseng ginagamit ni Alma. Nang malaman daw ito ng mayor sa Mindanao ay agad-agad niyang binigyan ng pera si Alma para bumili ng sarili niyang sasakyan. Ang siste, hindi lang isa kundi dalawang bagong sasakyan ang binili ni Alma nang cash.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN