Queenie and Kylie Padilla miss Tito Rustom who's now BB Gandanghari

Sisters Queenie (inset, top) and Kylie Padilla (inset, bottom) recall their fondest memories with their Tito Rustom Padilla, who is now known as BB Gandanghari (main photo).


Kahit hindi naging masyadong close ang mga anak ni Robin Padilla na sina Queenie at Kylie sa kanilang uncle na si Rustom Padilla, na mas kilala ngayon bilang si BB Gandanghari, mami-miss daw nila ito at mahal na mahal daw nila ito kahit ano pa raw ang pagkatao nito.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dalawang anak ni Binoe sa bagong GMA-7 primetime series na Totoy Bato, kung saan kasama si Queenie, pareho nilang sinabi na hindi sila naging masyadong naging close sa kanilang Tito Rustom dahil bihira raw kasi nila itong makita noon sa kanilang bahay.

Ayon kay Queenie, nakikita lang nila ang kanilang Tito Rustom tuwing special occasions lang tulad ng Pasko, Bagong Taon, at kung sinuman ang mag-birthday sa pamilya nila.

"Even if I wasn't very close to Tito Rustom, I'm always excited to see him and my respect for him is always there," sabi ni Queenie. "He would visit us only when there is a family occasion. The last time I saw him was a year ago. Sa TV ko na lang siya nakikita ngayon."

Ayon naman kay Kylie, tuwing bibisita naman ang kanilang Tito Rustom ay nakikipagkuwentuhan naman daw ito sa kanila. Kinukumusta naman daw nito ang mga ginagawa nila sa school at sa bahay.

"Tito Rustom might not always be there. Pero when he comes to visit us, he always reminds us to be good and have good grades in school. And to have fun in the things that we do," sabi niya.

Kahit hindi pa raw nila nakikita ulit nang personal ang Tito Rustom bilang si BB Gandanghari, alam nila na proud ito na mga artista na rin sila. Kahit ano pa raw ang pagkatao niya, hindi nila ikahihiya dahil mahal na mahal nila ito.

Ito ang mensahe ni Queenie para kay Tita BB:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just want to say to Tita BB that we all love him and whatever he is going through right now, we are behind him and nothing will change. He is still the Tito Rustom that we grew to love and we know that he's happy with his life now. Sana magkita-kita kami ulit because we really miss him so much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN