Regine Velasquez takes boxing lessons for her role in Totoy Bato

"Yung very, very first day na nag-box ako, after that, right after na mag-box ako, nag-swimming ako para hindi magulat... Alam mo yun, para hindi masyadong magulat yung katawan ko," relates Regine Velasquez about taking up boxing lessons.


Bilang bahagi ng paghahanda sa bago niyang role sa upcoming GMA-7 primetime series na Totoy Bato ay nag-aral ng boxing ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Bagamat singer ang role ni Regine sa third team-up nila ni Robin Padilla, meron din siyang action scenes.

Hindi naman daw sumakit ang katawan ni Regine sa pagbo-boxing.

"Hindi, kasi hindi ako...hindi naman ako nasaktan. Yun nga yung weird, e. To think that I'm not really athletic, pero I was able to do it na hindi naman sumakit yung katawan ko.

"Actually kasi, yung very, very first day na nag-box ako, after that, right after na mag-box ako, nag-swimming ako para hindi magulat... Alam mo yun, para hindi masyadong magulat yung katawan ko," kuwento ni Regine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bukod sa pagboboksing sa Fight Club, nakatulong din daw para pumayat ang Asia's Songbird si Dra. Vicki Belo.

"Belo also helped me, si Dra. Vicki Belo. Kasi madami siyang machine ngayon na pinaplantsa-plantsa lang ang mga jubisey [taba], nawawala, natutunaw. Ang liit kaya ng arms ko ngayon, lumiit siya nang bonggang-bongga!" natatawang pahayag ni Regine.

Kumusta naman ang abs ni Robin? Ngayon kasi, mas lalong in tip-top shape si Robin at naging very hunky ang katawan.

"Sabi ng abs niya, hello daw! Nag-hello," pabirong reaksyon ni Regine.

Ang ganda na kasi ng katawan ngayon ni Robin.

"Oo, pero I've seen him like this before na, e. So, hindi naman ako masyadong nagugulat dahil alam ko namang... Kung medyo lumaki yung tiyan niya, medyo magugulat ako. Pero sexy naman talaga siya, e."

STILL A SINGER. Sa kabisihan ni Regine sa Totoy Bato—to be aired weeknights on GMA-7 starting February 23—paano na ang commitments niya as a singer?

"I'd still do it naman, e. Magtu-tour nga ako, e. So 'pag meron akong tour, kailangan lang nilang mag-advance. So, baka everyday na ang taping namin for Totoy Bato, or siguro mga five times a week."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

March and April kasi ay may Divas 4 Divas U.S. tour si Regine with Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, and Pops Fernandez.

BIRTHDAY GIRL. Malapit na ang birthday ni Regine, April 22. Ano ang mga plano niya para sa kaarawan niya.

"Actually, hindi lang... May mga ginagawa talaga ako tuwing birthday ko, e, hindi ko lang pinapaaalam."

May mga charity work ang Songbird, pero hindi niya ito ipinapasulat.

"Oo, so yun lang."

May mga fans na nagre-request na magkaroon siya ng birthday TV special. Ang sisipag ngang mag-email ng mga fans ni Regine sa ilang press people suggesting concepts para sa TV special ni Regine.

"Well, yung TV special, baka maganda nga kung makakakuha ako ng mga suggestion from the people. Kasi that would be nice, to know what they want to see or hear from me," saad ng Asia's Songbird.

Ano ang birthday wish ni Regine?

"Wala na, hindi na ako makakapag-wish," sagot niya. "Parang more pa-thank you na lang siguro, kasi nga God has blessed me talaga ng sobra-sobra, more than I could ask for. So, thank you na lang ang puwede kong gawin, hindi na wish."

MOVIE ACTRESS. May balak ba siyang gumawa ng pelikula this year?

"Si Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer], he wants me to do a movie this year and he wants to show it this year. Yun ang balak niya."

Ang boyfriend niya bang si Ogie Alcasid ang makakasama niya rito?

"Hindi ko pa alam, e, but they're already planning it. They're already writing the story, si Tita Mel del Rosario will do it, siya ang writer. So, 'yon ang pinaplano nila for me, and hopefully a concert before the end of the year."

Ano na ang nangyari sa movie sana nila ni Ogie sa GMA Films? Tuluyan na ba itong naisantabi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa naman," sabi ni Regine. "Kaya lang hindi matuluy-tuloy, siguro it's not meant yet. It will happen at the right time, at the right moment. Di ba ganun naman, pine-prepare ka? He [Ogie] said that he still wants to do that, pero after na nito [Totoy Bato], kasi he's also going to do a movie, di ba, and he's doing two, e."

Ang isa sa mga gagawin ni Ogie ay ang movie niya with Judy Ann Santos, tentatively titled My Girl, para sa Regal Entertainment, Inc. Ang konsepto ng movie ay ginawa nina Ogie at Regine mismo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN