Isa si Cesar Montano sa mga artistang tumatakbong muli sa darating na eleksiyon ngayong May 9, sa pamamagitan ng kanyang party-list na Aangat Tayo.
Ayon kay Cesar, “Ang advocacy nun, nasa health and education.
“Actually, ang acronym niya ay sinama rin sa acronym na healer.
“Health, Education advocacy for youth, senior citizens, and women. And L is for livelihood and and E is for environment and R is for religious freedom.
“Multi-secular ang kanyang approach.”
Kumusta naman ang pangangampanya at awareness ng tao sa party-list niya?
“Nakakaikot naman ako, okey naman.
“Kasi, ang nag-founder nito, Seventh Day Adventist.
“Seventh Day Adventist ang mom ko, e.
"E, ang Adventist, 1.8 million na sila.
“Kung magyu-unite na sila, pasok na pasok na talaga.”
UNDAUNTED. Maraming taon na rin ang ginugol ni Cesar sa kanyang hangaring makapagsilbi bilang public servant.
Noong 2007, inambisyon niyang umupo sa senado sa ilalim ng TEAM Unity coalition.
Noong 2010 naman ay tumakbo siya bilang gobernador ng Bohol, ang kanyang home province.
Hindi nga lang siya pinalad sa parehong pagkakataon.
Hindi ba niya talaga maiwan ang pulitika?
Pag-amin niya, “Oo, e. Konektado kasi.
“Nandun yung passion ko sa mga outreach programs ko like feeding, pagpunta, pagtulong sa mga kabataan.
“Meron nga kaming advocacy para sa mga batang may cancer, mga kababaihan dito sa East Avenue na may cancer.
“Every Christmas yun, kapag may golf tournament, sila ang beneficiary.”
DUTERTE ALL THE WAY. Sa mga tumatakbong Presidente naman, tahasang sinasabi ni Cesar na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang sinusuportahan niya.
Aniya, “Duterte all the way to the max.
“Wala na akong nakikitang mapipiling iba.
“Siya lang ang nakikita kong may sinseridad, may makikita tayong pag-asa.
“Yung iba—ewan ko ba.
“Eto nga, nakakahiyang dinadaya yung eleksiyon na nangyayari sa abroad.
“Iba ang lumalabas.”
TRILLANES EXPOSÉ. Hiningan din namin si Cesar ng kanyang reaksiyon sa ginawang exposé ni Senator Antonio Trillanes tungkol sa hindi pagdedeklara ni Duterte ng diumano'y mahigit dalawang-daang milyon sa kanyang BPI account.
Ayon kay Cesar, “Alam niyo si Trillanes, naiintindihan ko siya.
“Naiintindihan ko siya kung kailangan niyang magbayad ng bills niya every month, kaya niya ginagawa ‘yan para pagkakitaan.
“Wala namang mawawala sa kanya dahil wala naman na, hindi naman siya...
“Ano ba siya, as Vice President? Ano ba ang rating niya, wala na, e.
“Pinapakinabangan na lang siya ng administrasyon.”
Hindi siya naniniwala sa expose ni Trillanes tungkol sa hidden wealth daw ni Duterte?
“Hindi ako naniniwala sa kanya at dapat manahimik na lang siya.”
Dugtong pa niya, “Hindi naman dapat paniwalaan si Trillanes.
“Unang-una, noong una, inutusan siya ng administrasyon na siraan si Binay.
“Yun, naging successful, pero si Binay, on the other hand, talaga namang may katotohanan ang paninira niya.
“Pero hindi naman puwedeng gawin na lang, 'Tutal talo na naman ako, manira na lang ako.'”
GETTING TO THE ROOT OF CORRUPTION. Si Cesar ay isa sa mga kilalang Christian celebrities sa larangan ng local showbiz.
Sa point of view ng isang Kristiyano, naniniwala ba siyang na kay Duterte ang mga katangian ng isang karapat-dapat na maging presidente ng bansa?
“Okey, dito kasi ang pinag-uusapan dito, it’s not about religion.
“It’s not about... well, konektado rin ‘yan, but ang pinag-uusapan natin dito, bayan.
“Ang root of all ng paghihirap natin is corruption and ‘eto si Duterte, siya ang hahamon dito, siya ang may balls para ihinto ito, e.”
Sabi rin ni Cesar, “Well, gusto ko rin sana si Poe [Senator Grace].
“Pero si Poe, lalamunin siyang buung-buo ng mga nasa paligid niyang mga kaalyado, lulunukin siya.
“Lulunukin siya nang buung-buo.
“Actually ngayon lang, she sounds like Chiz Escudero already.”
Dugtong pa niya, “Pero alam niyo, hindi makakapagsinungaling ang bandila ng bayan.
“Ang bandila ay ang tinig ng bayan. Sinisigaw na. Puso sa puso na.”
Bukas ang website na ito sa reaksiyon ni vice presidential candidate Antonio Trillanes IV at ng administrasyon tungkol sa mga pahayag ni Cesar.