Teen actress Empress Shuck reprises Maricel Soriano's role in Underage

Sixteen-year-old actress Empress Shuck is busy with movie and TV projects. One of these is the TV remake of the Regal movie Underage where she will play the role of Maricel Soriano.


Nagdiwang ng kanyang 16th birthday ang teen actress na si Empress Shuck noong February 19. Mamaya, February 22, sa ASAP '09 ay isi-celebrate ang kanyang kaarawan. May tatlo siyang production numbers para ma-showcase na rin ang kanyang galing sa pagsasayaw.

Maganda ang naging pasok ng 2009 para sa Star Magic talent na co-managed ni Becky Aguila. Lumalabas ngayon sa Parekoy, nag-story conference na rin ang ikalawa niyang indie movie na Pasang Krus, kung saan isa siya sa limang anak ni Rosanna Roces sa isang family drama. Si Empress lang ang babaeng anak ni Rosanna at ang apat pa ay sina Ketchup Eusebio, Joross Gamboa, at dalawang bagong talent, Christian Burke at BJ Morales.

May nauna na siyang nagawang indie para sa taong ito, ang Hilot, kasama sina Melissa Mendez.

Ipinahayag na rin ng ABS-CBN ang serialization ng '80s movie ng Regal Films na Underage, na pinagbidahan noon nina Dina Bonnevie, Snooky Serna, at Maricel Soriano bilang magkakapatid kasama sina Jimi Melendez, Gabby Concepcion, at Mark Gil.

Natoka kay Empress ang papel ni Maricel na si Cecilia, ang bunso sa tatlo na umibig sa isang guro na ginampanan noon ni Mark, na ngayon ay si Rafael Rosell ang gaganap.

Ito ang pang-March episode ng Your Song.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung handa na ba si Empress para sa papel niyang si Cecilia na umibig sa mas matanda sa kanya at may attempted rape scene sa tiyuhin. Oo naman daw, huwag lang sanang may kissing scene dahil bata pa siya.

Sa ngayon, hindi pa puwedeng ligawan si Empress pero may nagpapalipad-hangin na rin.

May plano rin yata ang ABS-CBN na i-push na si Empress dahil bukod sa Underage, nasa cast din siya sa pagbabalik-tambalan nina Jericho Rosale at Kristine Hermosa, kung saan sila ni Enchong Dee ang second lead.

Pinayagan din si Empress na gumawa ng isang TV5 soap kung saan siya at ang partner niyang si Ryan Julio, ang binata sa commercial ng Nescafe na may ka-date na alien, at lumabas ding kapatid niya sa Magkaibigan ang bida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN