Lara Fabregas comments on marriage of ex-husband Raymond Bagatsing with 60-year-old woman

"Of course, my initial reaction was, you're surprised. But we all are different, we're all special. So, I'm not surprised! Raymond can do anything. All the best na lang to him. Maybe they're soulmates, so all the best na lang to him," says Lara Fabregas (left) about the wedding of ex-husband Raymond Bagatsing (right) to a 60-year-old woman.


Nakapanayam ng Showbiz Central ang dating aktres na si Lara Fabregas tungkol sa pagpapakasal ng kanyang dating asawa na si Raymond Bagatsing sa 60-year-old columnist na si Cora Pastrano. (Click here to read related story.)

Matatandaang ikinasal sina Lara at Raymond sa isang Ananda Marga rite noong July 28, 2001. Two years later ay naghiwalay sila.

Last November 21, 2008 naman ay nagulat ang lahat sa balitang nagpakasal muli si Raymond, 37. This time, sa isang 60-year-old columnist na naka-base sa U.S.

Ayon kay Lara, maging siya ay nasorpresa rin nang una niyang nabalitaan ang pagpapakasal muli ni Raymond.

"Of course, my initial reaction was, you're surprised. But we all are different, we're all special. So, I'm not surprised! Raymond can do anything. All the best na lang to him. Maybe they're soulmates, so all the best na lang to him," pahayag ni Lara, anak ng character actor na si Jaime Fabregas.

Hindi man nauwi sa happy ending ang kasal nina Lara at Raymond, nanatili naman daw silang magkaibigan.

"Minsan e-mails," banggit ni Lara. "Nag-i-email siya every now and then. So, hindi naman sa hindi kami nagko-communicate. So, meron din. Every now and then, 'Where are you?' Pero hindi naman kami best friend, 'no! Kaya lang siyempre, nag-i-email, minsan nangangamusta."

Kung si Raymond ay kasal na ngayon sa isang older woman, si Lara naman ay kasal na rin sa Scottish businessman na nagngangalang Phillip.

"Three years na kaming kasal. Meron kaming two years old, si Dexter; and then, Milo, he's seven months old. Dalawang lalaki. I was living in London. Ngayon, nasa Dubai na kami," kuwento ni Lara.

Nasa Pilipinas lang daw si Lara ngayon with her two kids for a vacation. Pero aminado si Lara na kung minsan ay naiisip pa rin daw niya ang mundo ng showbiz na dating kinabilangan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan siyempre. But for now kasi, my focus is for my children. So, I'd like to spend time with them. I'm a pure, pure housewife," pagtatapos ni Lara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN