Baptism of Manny and Jinkee Pacquiao's daughter cost less than a million pesos

"Yung nagastos naman, mas mababa dun sa one million. E, kasi dito naman sa probinsiya, alam n'yo naman, kapag GenSan, mura lang kapag may mga party-party," says Jinkee Pacquiao about the money they spent for the baptism of her daughter with husband Manny Pacquiao.


Kahapon, February 22, ay ginanap ang binyag ng ika-apat na anak nina Manny at Jinkee Pacquiao sa mismong bayan ng boxing champ sa General Santos City.

Kahapon din ay live na nakausap ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central si Jinkee via phone patch. Napag-uspaan nila ang tungkol sa naganap na engrandeng binyagan ng bunsong anak nila na si Queen Elizabeth Pacquiao.

Mga prominenteng personalidad mula sa showbiz at pulitika ang um-attend ng binyag ni Queen Elizabeth. Ilan din sa kanila ang tumayong ninong at ninang ng kanilang bunso. Unang tanong ni Raymond kay Jinkee ay kung gaano katotoo na umabot sa isang milyong piso ang nagastos nila sa binyag.

"Actually, yun lang ang budget ko," pag-amin ni Jinkee. "Pero yung nagastos naman, mas mababa dun sa one million. E, kasi dito naman sa probinsiya, alam n'yo naman, kapag GenSan, mura lang kapag may mga party-party."

More or less, ilan ba ang guests na dumating sa binyag ni Queen Elizabeth?

"Yung mga ninong at ninang, mga tatlo lang siguro ang hindi nakapunta. Forty-eight sila, lahat na sila. Mga tatlo lang ang hindi nakarating. Siyempre, ang dami rin taong nag-witness kasi. Alam mo naman dito sa GenSan, kahit hindi invited, talagang gusto nilang ma-witness yung baptism kaya maraming pumupunta rin," lahad ni Jinkee.

Raymond asked Jinkee kung nandoon din ang mga magulang niya na sina Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

"Oo, nandito, present sila."

Nandoon din daw sa binyag ni Queen Elizabeth sina Vice President Noli de Castro at mga senador na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla, at Loren Legarda.

Totoo ba na ang presence ng maraming pulitiko sa binyag ni Queen Elizabeth ay paghahanda ni Manny sa kanyang pagtakbong muli sa 2010?

"Hindi naman," sagot ni Jinkee. "Yung mga ninong at ninang, talagang plinano namin. Kami ang nag-decide. Siyempre nandiyan sila palagi na sumusuporta kay Manny at mga kaibigan din namin sila. So, ini-invite na rin namin sila. Pero yung tatakbo si Manny sa 2010, wala pang final yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang wish niya para kay Queen Elizabeth?

"Ang wish ko para sa kanya ay sana maging masunurin siyang bata. Maging mabait, God-fearing, at sana maging successful pa siya kung anuman ang gusto niyang marating sa buhay niya."

Gusto pa ba nilang sundan ni Manny si Queen Elizabeth?

"Naku, stop na!" bulalas niya. "May two boys and two girls na ako. So, okey na yun."

Next week ay babalik na sa U.S. si Manny para sa training niya sa kanyang laban kay Ricky Hatton. Sasama ba silang pamilya kay Manny?

"Dito muna kami. Si Manny muna ang aalis. Kasi, may tour pa siya. Marami pa siyang gagawin, may presscon pa. Susunod na lang siguro kami kapag malapit na ang fight at bakasyon na ng mga bata," saad ni Jinkee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN