JC de Vera's fate in GMA-7 still hangs in the balance

Young actor JC de Vera has yet to speak up about his fate as a Kapuso star in the midst of his manager's new tussle with GMA-7.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, February 26, ang talent manager na si Annabelle Rama sa victory party ng When I Met U—ang pelikula ng anak niyang si Richard Gutierrez, kasama si KC Concepcion—sa Gazebo Royale, Visayas Ave., Quezon City. Ang mga isyu na kinasasangkutan niya ang itinanong sa kanya ng PEP.

Sinabi ni Annabelle na alam nito ang pagpunta ng mga magulang ng alaga niyang si Heart Evangelista sa opisina ni Atty. Felipe Gozon, ang President, Chairman at CEO ng GMA-7, noong Miyerkules, February 25. Pero itinanggi niya ang balitang nag-apologize ang mag-asawa sa big boss ng Kapuso network. (Click here to read related article.)

Nang kumustahin naman namin ang kalagayan ng isa pa niyang talent na si JC de Vera, nagsalita si Annabelle na awang-awa siya sa batang aktor dahil apektado raw ito ng mga nangyayari sa kanyang career.

Binanggit din ni Annabelle na nakatanggap na siya ng sulat mula kay Atty. Dick Perez, ang Vice President for Legal Affairs ng GMA 7. Tungkol sa kontrata ni JC sa network ang nilalaman ng sulat na ipinadala sa kanya noong February 23.

Ito ang kabuuan ng sulat:

"This pertains to your refusal to have your talent JC de Vera appear in the program Obra which was assigned to him by GMA. We are informed that you refused the program on the ground that you do not want Mr. de Vera to work with Marvin Agustin.

"It is the obligation of your talent under his Agreement with GMA ("Agreement ") to "attend" the production of the program/s assigned by GMA for the duration of the "Agreement" (Agreement, Clause 2.2 ). Your refusal of the Obra role for Mr. de Vera is a violation of said provision. It is GMA's right to assign programs to Mr. de Vera and to determine the programs to be assigned to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The Agreement, furthermore, does not give the talent or his manager the right to choose his co-star or co-stars. The right exclusively belongs to GMA as producer of the program.

"We hereby give notice that we fully reserve our right to avail appropriate remedies under the Agreement."

Iginiit ni Annabelle na handa siyang harapin ang magiging consequence ng kanyang aksiyon bilang manager ni JC dahil sanay siya sa mga demanda. Ipinabasa raw niya sa mga kakilalang judge at justice ang kontrata at sulat ng management ng Kapuso network. Ayon sa kanila, one-sided ang kontrata.

Samantala, nag-aalala ang mga kaibigan ni JC dahil hindi ito nakikipag-usap sa kanila mula nang magkaroon siya ng problema. Tila masyadong dinidibdib ni JC ang nagbabadyang paglilipat sa kanya ni Annabelle sa ABS-CBN.

Matatandaang plano sanang "ipahiram" ni Annabelle si JC sa ABS-CBN para maging isa sa leading men ni Judy Ann Santos sa Nurserye nito na Habang May Buhay. Dahil dito ay nagkaroon ng sigalot sa pagitan ni Annabelle at sa ilang executives ng GMA-7, partikular na ang SVP for Entertainment TV na si Ms. Wilma Galvante. (Click here to read related article.)

Umaasa ang mga nagmamalasakit kay JC na magkakaroon ng happy ending ang kanyang problema, tulad ng nangyari sa kaso ni Heart. (Click here to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN