Richard Gutierrez says he does not compete with Piolo Pascual for KC Concepcion's attention

"Sana maging close din sila. I'm happy for KC dahil she's doing her own teleserye sa ABS-CBN. I warned her that it's gonna be hard. It's gonna be tough. But I'm happy for KC and whatever makes KC happy sa work niya, I'll be happy for her. Sana alagaan lang siya ni Piolo," says Richard Gutierrez about the team-up of KC Concepcion and Piolo Pascual.


Aminado si Richard Gutierrez na mami-miss niya talaga si KC Concepcion dahil pagkatapos ng kanilang certified blockbuster movie na When I Met U under GMA Films and Regal Entertainment ay magkakanya-kanya muna sila ng projects na gagawin.

"Actually, nami-miss ko na agad si KC ngayon pa lang, e. Kasi after ng promo namin ng When I Met U, I started working for Zorro ng GMA. Si KC naman is starting her new project sa ABS-CBN. So, pareho kaming naging busy agad at hindi na kami nakakalabas at nagkikita nang madalas," pahayag ni Richard sa thanksgiving party for the press para sa box-office success ng When I Met U. Umabot na ito sa P80 million this week at maaari pang umabot ng P100 million until next week's showing. Ginanap ang party kagabi, February 26, sa Gazebo Royale, Visayas Ave., Quezon City.

Ano ba ang mami-miss niya kay KC?

"Everything about her, mami-miss ko," sabi ni Richard. "We had a lot of good times and good memories while doing When I Met U. Yung mga pinagsamahan naman namin ni KC will remain in us forever. Kung anuman yung mga pinagdaanan namin, yung mga memories na na-share namin with each other, we're gonna cherish that for a long time."

Dahil sa back-to-back success ng dalawang pelikula nilang For The First Time (under Star Cinema) at When I Met U, hindi na ba talaga masusundan ito?

"Sana masundan kaagad. We're still hoping. Depende pa rin sa pag-uusap ng mother film companies namin. Kasi mahabang proseso ulit 'yan. Sa amin naman ni KC, wala namang problema. We are very willing na gumawa pa ng another movie," saad ng young actor.

Dahil magiging busy na sila sa mga project na magkahiwalay sila at maipapareha na sila sa iba, hindi kaya maapektuhan yung closeness nila?

"I don't think so," nakangiting sagot ni Richard. "Well, as of now, we're just going with the flow. Gaya nga ng sabi ko kanina, panghahawakan naman namin ni KC yung mga memories na pinagdaanan namin together. So, in the future, if we're gonna be super busy, pag nagkita kami, pag nagkatrabaho kami ulit, may mga memories kaming sobrang saya na mababalikan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO PASCUAL. Lumabas na rin ang balita na si Piolo Pascual ang bagong makakatambal ni KC para sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na Lovers in Paris sa ABS-CBN, habang si Rhian Ramos naman ang makakasama ulit ni Richard sa Zorro sa GMA-7.

Aware daw si Richard sa tila love triangle sa pagitan nilang tatlo nina KC at Piolo base sa mga istoryang lumalabas sa mga showbiz talk shows at maging sa mga diyaryo. Inamin na rin ni Piolo na sinasabi niyang may intensiyon siyang ligawan si KC.

Sa part ni Richard, hindi ba siya nagseselos kay Piolo?

"Hindi. Walang selos at hindi naman kailangang magselos," confident na sagot ni Richard.

Kinuha naman ng PEP ang reaksiyon ni Richard sa mga binitiwang pahayag ni Piolo sa interview sa kanya about KC and Richard, na nauna nang nailathala dito sa PEP noon. (Click here to read related story.)

Unang statement ni Piolo ay sinabi niyang close sina KC at Richard ngayon dahil sila ang magkatrabaho sa movie, pero siya naman daw ang magiging kapareha ni KC sa mga gagawin nitong projects sa ABS-CBN. Ano ang comment ni Richard dito?

"Sana maging close din sila. I'm happy for KC dahil she's doing her own teleserye sa ABS-CBN. I warned her that it's gonna be hard. It's gonna be tough. But I'm happy for KC and whatever makes KC happy sa work niya, I'll be happy for her. Sana alagaan lang siya ni Piolo," wika ni Richard.

Tinanong din ng PEP kay Piolo noon kung dapat ba siyang kabahan kay Richard. Ang sagot ni Piolo ay hindi naman daw siya nakikipag-compete kay Richard. Ano ang masasabi ni Richard dito?

"Ako din naman, e, I'm not competing with him. Wala, no competition for me."

Ayon kay Piolo, magkakilala naman silang dalawa ni Richard.

"Yeah, I've met him a couple of times. He visited us once sa set ng For The First Time before. He's nice," sagot naman ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkaibigan ba sila?

"We're not close. You know, we've met, but we're not close."

Noong malaman niya na posibleng ligawan ni Piolo si KC, napag-usapan ba nila ni KC yun?

"Hindi, kasi wala naman kaming chance na mapag-usapan pa yun. You know, we're busy. After ng movie, I have to jump sa Zorro, and si KC meron na rin siyang ginagawa."

May extra effort ba sa part niya para hindi mawala ang closeness nila ni KC?

"Right now, I just tell KC how I feel about everything. My main concern is KC, not anyone else."

ZORRO. Excited na si Richard sa next teleserye niya sa GMA-7, ang Zorro. Marami-rami na rin daw silang na-shoot na madalas ay sa Bataan sila nagte-taping. Happy rin daw si Richard na si Rhian ulit ang leading lady niya sa Zorro. Nagtambal na sila noon sa Captain Barbell at Lupin.

"We're very happy," sambit ni Richard. "I'm happy for Rhian na she was able to establish herself well as a solo actress [in Lalola]. She even won an award as an actress. So, I'm very proud of her. I'm happy that we're gonna be together again sa Zorro."

Gaano kaiba ang pagsasama nila sa Zorro compared sa mga nauna na nilang teleserye?

"Well, our characters are different. It's totally different kasi this is a period piece, so iba yung asal ng Pinoy, iba yung tindig, iba yung pananamit. So, kami ni Rhian nag-a-adjust lang kami."

Sa ilang taping na nilang nagawa for Zorro, nasasabi ba niyang nag-mature na si Rhian bilang aktres?

"Yes, definitely. Even our directors are proud of her," sabi ni Richard.

Malaking pressure ba na ang role niya as Zorro ay isang icon na kilala ng lahat?

"There's always pressure naman every time na you're launching a teleserye. Pero siyempre Zorro is such a big project. As always, I will do my best. Of course dito sa Zorro, extra effort pa. Kung ano yung ibinibigay mo sa last project mo, kailangan i-improve mo nang i-improve ang sarili mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang training ni Richard sa horseback riding at fencing na kailangan sa mga maaaksiyong eksena ng Zorro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN