Kris Bernal cries during love scene with Aljur Abrenica in Dapat Ka Bang Mahalin?

"May eksena kami rito na binubuksan yung damit ko. Hay, naiiyak ako! I was really crying kasi hindi ko alam kung kaya ko. So habang nagte-take kami, sabi sa akin, 'Please, tama na, huwag ka nang umiyak, wipe your tears,'" narrates Kris Bernal about her love scene with screen partner Aljur Abrenica in Dapat Ka Bang Mahalin?.


Hindi nakaligtas sa paningin ng PEP (Philippine Entrtainment Portal) at iba pang entertainment press ang pag-iyak ni Kris Bernal bago magsimula ang presscon ng pinagbibidahan nila ni Aljur Abrenica, ang bagong Sine Novela ng GMA-7 na Dapat Ka Bang Mahalin? directed by Maryo J. delos Reyes. Ginanap ang presscon kahapon, February 26, sa Annabel's restaurant, T. Morato Ave., Quezon City.

Bakit nga ba napaiyak si Kris?

"Kasi po overwhelmed lang po talaga ako. Matagal na po naming dream ni Aljur na maging bida sa sarili naming soap at ngayon nga po ay natupad na ito. Very thankful po kami sa GMA sa pagtitiwala at suportang ibinibigay po sa amin ni Aljur," paliwanag ni Kris sa PEP.

Aminado rin si Kris na malaki ang pressure sa love team nila ni Aljur ng kauna-unahang pagbibida nila sa Dapat Ka Bang Mahalin?.

"Siyempre po may pressure kasi first time nga po naming magiging bida sa sarili naming soap. Tapos ang original pa po na gumanap sa movie version nito ay sina Ms. Sharon Cuneta at Mr. Gabby Concepcion. Kinakabahan po kami siyempre dahil ito po yung make-or-break namin. Ako, hindi ko alam kung maghihiwalay kami ni Aljur after ng project na ito. Pero ako, takot akong mahiwalay kay Aljur kasi naging malapit na ako sa kanya at naging komportable na ako sa kanya," pag-amin ng StarStruck 4 winner.

Ano naman ang ginagawa nila para mapatunayang kaya na nga nilang magbida?

"Siyempre po pinag-aaralan po namin ang roles namin. Ang totoo, noong ibigay po sa akin itong project na ito, ni-research ko na po agad sa Internet para malaman ko kung ano yung plot, ano yung story, sino-sino ang mga characters at mga artistang nagsiganap. Tapos, yun nga po, nag-undergo po kami ng workshops. Nagko-consult din po ako sa acting coach namin. Pinanood ko rin po yung original movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko po mahirap po para sa akin na mapantayan si Ms. Sharon Cuneta, kasi Ms. Sharon Cuneta is Ms. Sharon Cuneta. Ang sa akin lang ginagawa ko po talaga yung best ko para mapaganda po namin itong show na ito."

ALJUR IS SPECIAL, ALDRED IS NOT. Nakikita ng lahat na sweet na sweet sila sa isa't isa ni Aljur. Paano niya ide-describe ang relationship nila ngayon ni Aljur?

"Magkaibigan kami, pero may something special dun sa pagkakaibigan na yun," pag-amin ni Kris. "Hindi lang basta friends o close kami, there is something special na nagiging natural na sa amin yung pagiging sweet namin sa isa't isa."

Totoo ba na hindi puwedeng maging sila ni Aljur dahil meron daw ibang nanliligaw sa kanya na taga-ABS-CBN, na naka-date niya raw sa Rihanna concert kamakailan?

"Si Aldred [Gatchalian, Pinoy Big Brother teen housemate]? Ano ba, kaibigan ko lang yun. Kaibigan kasi siya ng kapatid ko kaya nakilala ko rin siya.," paliwanag ni Kris.

Hindi ba nanliligaw si Aldred sa kanya?

"Hindi po talaga!" tanggi ng dalaga. "Magkasama lang kami noon sa Rihanna concert dahil barkada sila ng ate ko. Ang totoo po, hindi ko po siya masyadong kilala pa."

LOVE SCENE WITH ALJUR. Young couple ang ginagampanan nina Kris at Aljur sa Dapat Ka Bang Mahalin? kaya hindi maiiwasan ang kissing scenes at maging love scenes nila bilang mag-asawa. Nakunan na raw ang ilang kissing at love scenes nila. Kumusta naman ang mga eksenang ito? Totoo bang umiyak si Kris?

"Opo, kasi first time namin na magkaroon ng kissing scene at love scene kasi nga mag-asawa kami dito. May eksena kami rito na binubuksan yung damit ko. Hay, naiiyak ako! I was really crying kasi hindi ko alam kung kaya ko. So habang nagte-take kami, sabi sa akin, 'Please, tama na, huwag ka nang umiyak, wipe your tears,'" lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon daw sila ng maselang eksena rito na kailangan may touching talaga ng skin?

"Meron po, pero hindi naman bastos. May mga ginawa pong shots si Direk Maryo."

Iningatan ba naman siya ni Aljur?

"Oo naman. Pero first time akong mahawakan ni Aljur nang ganun. Okay naman, ginayd niya ako. 'Sige, ganito lang ang gagawin natin. Hanggang dito lang,' ganun."

HEART-TO-HEART TALK. For the record, inamin ni Kris na naging sila talaga ni Aljur during the time of StarStruck. Kaya lang, dahil na-partner daw siya kay Mart Escudero, nagkalabuan sila ni Aljur noon.

"Yung kay Aljur, during StarStruck. Yung kay Mart, after StarStruck na yun, nang manalo kami as Ultimate Love Team. Parang nagkaroon kami ng love triangle noon," paliwanag ni Kris.

Iyon kaya ang reason kaya kahit mahal siya ni Aljur ay ayaw pa niyang ituloy ang panliligaw ulit sa kanya, dahil parang nawalan siya ng tiwala sa kanya?

"Hindi naman sa nawalan ng tiwala. Siguro hindi lang naging maayos ang lahat para sa amin noon," sagot ni Kris.

Pero napag-usapan na ba nila ni Aljur ang relationship problem nila noon sa StarStruck?

"Opo, nagkapaliwanagan na po kami," aniya. "Sa taping po ng Dapat Ba Kitang Mahalin?, napag-usapan po namin 'yan. Actually, kagabi lang [February 25], after ng wedding scene namin, nagkausap kami while hindi pa kami kinukunan ulit."

Inamin nga ni Kris na pagkatapos nilang manalo sa StarStruck ay never nilang napag-usapan ni Aljur yung nangyaring gusot sa kanila noon. At during the taping lang ng kanilang Sine Novela sila nakapag-open up sa isa't isa at nagkaroon ng heart-to-heart talk. So, anong naramdaman niya nang mapag-usapan na yung problema nila dati?

"Ngayon lang ako naniwala na talagang minahal at mahal ako ni Aljur," sabi ni Kris. "Kasi lagi niya 'yong sinasabi, e, sa StarStruck pa lang. Pero hindi ako naniniwala. It was only yesterday na naniwala ako na minahal ako nito. Nung ikinukuwento niya kasi, nakita ko how sincere he was sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, totoo palang iniyakan ka raw niya talaga?

"Oo, at naramdaman ko na totoo ang sinasabi niya sa akin kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso at ka-sincere. Doon niya inamin na talagang nagselos siya kay Mart, nagselos siya sa mga lumalapit sa akin. Pero hindi niya lang daw pinaparamdam, ganyan-ganyan."

Noong makapag-open up sa kanya si Aljur, ano ang naramdaman niya?

"Parang nakonsensiya ako. Kasi hindi ko siya sineryoso noon. Parang feeling ko noon, wala lang yung nararamdaman niya."

So, after ng pag-uusap nila, sila na ba?

"Hindi po!" tanggi niya.

Pero nagpaparamdam ba ulit si Aljur?

"Hindi ko kasi alam. Kasi yung pagpaparamdam niya, yung pagka-sweet niya, natural na sa ugali niya 'yon, e. Hindi ko alam kung bibigyan ko ng malisya kung nanliligaw nga ba siya. Malambing siya sa akin na parang girlfriend yung trato niya. So, medyo magulo."

Hindi ba yun kasama sa napag-usapan nila?

"Hindi, e. Hindi naman siya nagsabi sa akin ng intensyon na manliligaw siya. Kaya nalilito rin ako. Pangit naman sa babae na magtanong kung nanliligaw ang isang boy, di ba? Dapat yung boy mismo ang magsabi sa girl na gusto niyang manligaw. Like for example, tinatawag niya akong Bebs. Hindi ko alam kung ano talaga. Parang yun na tuloy ang nakasanayan naming tawagan namin."

Pero kung sakali bang totohanin at sabihin na ni Aljur na manliligaw siya, sasagutin mo ba siya?

"Siyempre po pag-iisipan ko pa rin. Pero right now, nag-usap naman po kaming dalawa na career muna ang focus namin. Dahil nabigyan kami ng mas mabigat na trabaho, ayoko munang isipin yung lovelife. Saka na po yung lovelife," sagot ni Kris.

Kasama nina Kris at Aljur sa Dapat Ka Bang Mahalin? sina Lloyd Samartino, Juan Rodrigo, Maritoni Fernandez, Mariz Ricketts, Carlo Aquino, Mike Tan, Paulo Avelino, Maybelyn dela Cruz, Matutina, Jana Roxas, Rhea Nakpil, Krystal Reyes, Lawrence Gutierrez, Kiko Junio, at Jhake Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood ang Dapat Ka Bang Mahalin? simula sa March 2 sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN