PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon on Willie Revillame: "Wala 'yan...huwag na nating pansinin. Yung mga ganyan, walanghiya mga ganyan."

More from Joey: "Hindi ko na pinapansin. Kapag walang kuwentang tao, huwag mo na lang pansinin."
by Rose Garcia
Published Mar 1, 2009
"Siguro, marami silang hinaharap na problema ngayon. Di ba, nababasa ko sa dyaryo, yung mga premyong pabahay, et cetera, et cetera? Siguro, para malihis yung atensiyon sa kanila ng publiko," said Joey de Leon on his phone-patch interview with Startalk regarding his latest issue with Willie Revillame.

Wala sa Startalk ang host na si Joey de Leon noong Sabado dahil kasalukuyan itong nasa Dubai. Pero nagawa pa rin itong i-phone-patch interview dahil kahit wala raw ang host sa bansa ay hindi pa rin siya nawawalan ng isyu.

Hirit naman ni Joey, "Ako ang may isyu or ibang tao ang nagsimula ng isyu?"

Sagot naman ni Butch Francisco, "Dawit ka!" Ito ay may kaugnayan nga raw sa bagong patutsada ni Willie Revillame against Eat Bulaga at gusto raw nilang malaman kung ano ang reaction ni Joey rito.

"Alam mo, nag-react na 'ko diyan sa isang story conference noong Quirky [Joey's Quirky World]. Magsisimula bukas [today] every Saturday, Sunday 'yan. Bukas magsisimula before SOP.

"Wala, e...palagay ko, hindi na dapat pinapansin 'yang taong 'yan. Nagpapapansin para mapansin sila ulit. Kasi, hindi na sila pinapansin. Parang ganoon, e."

"Tama ka, tama ka diyan!" sang-ayon naman ni Lolit Solis kay Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy pa ni Joey, "E, ang husay-husay, ang nasa headlines, sina Vicki Belo at Boy Abunda, gusto pang sumapaw! Hindi...wala 'yan. Hindi ko na pinapansin. Kapag walang kuwentang tao, huwag mo na lang pansinin."

Puro, "Tama ka, tama ka," naman ang pagsegunda ni Lolit kay Joey.

Sumunod ngang tanong ni Butch, hindi raw kaya mauwi na naman ito sa mas malalang away?

"Aba! Yun ang malinaw, hindi kami ang nagsimula. Di ba, nagbati na kami last year? So, ano ang ibig sabihin nun? So, hindi na kami ang may kasalanan."

Dugtong pa niya, "Siguro, marami silang hinaharap na problema ngayon. Di ba, nababasa ko sa dyaryo, yung mga premyong pabahay, et cetera, et cetera? Siguro, para malihis yung atensiyon sa kanila ng publiko.

"Aba , biro mo may sakit na tao, naninira pa! So, anong klaseng tao yun, di ba?"

Tanong ni Butch, yun daw bang pagkakabati nila last year, sa puso raw ba niya ay sincere siya? Biglang si Lolit ang sumagot nang, "Oo naman, 'no! Sincere naman si Joey palagi, 'no!"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Baling naman ni Butch kay Lolit, "Si Joey ang tinatanong ko."

"May spokesperson ako. Kasi, pagkatapos naman noon, wala ka nang narinig sa akin, kahit biro, off-air. Ayoko nang pag-usapan dahil ang corny, e...nababaduyan ako, actually. Ma-mention lang ang name niya, nababakyaan ako.

"Ano na, e, walang-kuwenta. Patapos na, biglang tumira noong isang araw, may sakit pa. So, paano 'ko maniniwala na may sakit 'yan o wala. Wala akong pakialam dun. Pero sumagot lang ako. Bakit ganoon? Wala 'yan...huwag na nating pansinin. Yung mga ganyan, walanghiya mga ganyan."

"Baka naman kino-kombulsiyon, di kaya?" tanong nina Lolit at Butch.

"E, hindi ko alam....hindi natin malaman. Nagulat ako. Ayoko namang pangunahan na mula nang dumating yung mga problema nila,. biglang nagkasakit. Nangyayari 'yan sa mga tao, di ba?"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro, marami silang hinaharap na problema ngayon. Di ba, nababasa ko sa dyaryo, yung mga premyong pabahay, et cetera, et cetera? Siguro, para malihis yung atensiyon sa kanila ng publiko," said Joey de Leon on his phone-patch interview with Startalk regarding his latest issue with Willie Revillame.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results