PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maja Salvador confirms that Carlo Aquino is courting her again

Maja reacts to Geoff Eigenmann's reported transfer to GMA-7.
by Rose Garcia
Published Mar 3, 2009
"Mas naging ma-effort, mas naging sweet pati sa family ko. Kumbaga, nagpupursige talaga. So, siguro, tingnan nga natin ngayong 2009. Hindi ko naman sinasabi na hindi, wala, yung ganoon po," says Maja Salvador about suitor Carlo Aquino.

Hindi na naitanggi ni Maja Salvador na totoong nanliligaw muli sa kanya si Carlo Aquino nang sabihin namin sa young actress na mismong si Carlo na ang umamin tungkol dito. (Click here to read related story.)

Sinegundahan na rin ito ni Maja nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Star Magic mall show sa Market, Market noong Biyernes ng gabi, February 28.

"Hayun, sinabi na po niya, ano pa ang sasabihin ko?" natatawa niyang sabi.

Ano na ang lagay ni Carlo sa kanya ngayon?

"Hayun, ganoon pa rin, parang tulad ng dati, parang nagsisimula ulit. Ganoon lang. Kasi, matagal yun, eight months."

This time, posible ba na sagutin na niya si Carlo?

"Tingnan natin," sagot ni Maja. "Tingnan natin ngayong 2009. Hindi ko naman sinasabing wala, mababasted ulit. Tingnan natin."

Natuwa ba siya nang sa kabila ng nangyari sa kanila ay binalikan pa rin siya ni Carlo at siya pa rin ang gustong ligawan nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, kapag may bumabalik, pakiramdam mo, sobrang espesyal ka sa kanya. Kahit naman hindi nanliligaw. Kahit yung mga kaibigan mo, kamag-anak mo na nag-ibang bansa, tapos bumalik," pahayag ni Maja.

Ayon kay Maja, may mga bagay na ipinapakita at ginagawa si Carlo ngayon na kakaiba noong una siyang ligawan ng binata.

"Mas naging ma-effort, mas naging sweet pati sa family ko. Kumbaga, nagpupursige talaga. So, siguro, tingnan nga natin ngayong 2009. Hindi ko naman sinasabi na hindi, wala, yung ganoon po," ulit niya.

ON GEOFF EIGENMANN. Sa kasalukuyan, may ginagawang pelikula si Maja para sa Star Cinema, kung saan kasama niya sina Jake Cuenca, Shaina Magdayao, at Geoff Eigenmann.

Speaking of Geoff, na leading man din ni Maja sa seryeng Moon River, maingay ang balitang lilipat na raw ang young actor sa GMA-7. Ano ang masasabi ni Maja rito?

"Sa Obra lang naman po yata," sagot niya.

Napag-usapan ba nila ito ni Geoff?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dati po, dati pa, noong magsimula kami ng taping ng Moon River. Dapat lilipat siya, e, nag-start na kami. Parang ganoon po. Siguro baka gagawin nga lang niya yung Obra. Kasi, di po ba, yung manager kasi niya, taga-GMA naman," saad ni Maja, na ang tinutukoy ay si Perry Lansigan, na siya ring manager ni Dingdong Dantes at ng pinsan ni Geoff na si Gabby Eigenmann.

Malulungkot din ba siya kung tuluyan na ngang lilipat si Geoff, lalo pa't sinusubukan din ng ABS-CBN na ipareha silang dalawa?

"Opo naman!" mabilis niyang sagot.

Malungkot din ba siya dahil hindi pa sila nagre-resume ng taping para sa Moon River at hindi pa rin ito nagsisimulang umere?

"Pero yun nga, maghintay ng tamang oras kung itutuloy nga ba ang soap. Ang importante naman po, yung may trabaho, di ba? Marami-rami na rin po kasi kaming na-tape, nakaka-two months na rin po. Pero hindi pa naman po namin nako-close yung week one.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi naman po, end of this year daw. So, tingnan na lang po natin. Hindi naman po ako pinapabayaan ng ABS, kasi may iba pa naman pong soap. After ng May Bukas Pa, may bago, pero secret muna," pagtatapos ni Maja.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas naging ma-effort, mas naging sweet pati sa family ko. Kumbaga, nagpupursige talaga. So, siguro, tingnan nga natin ngayong 2009. Hindi ko naman sinasabi na hindi, wala, yung ganoon po," says Maja Salvador about suitor Carlo Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results