Jomari Yllana confirms breakup with Pops Fernandez

"First time itong nangyari sa amin, e. Yung una, cool off lang. Sandali lang yun, nagkaayos uli kami. Pero ito kasi, may usapan na," says Jomari Yllana about his breakup with girlfriend Pops Fernandez.


Hindi cool off kundi may usapang "hiwalay" na raw muna ang magkasintahang sina Jomari Yllana at Pops Fernandez.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jomari sa telepono kahapon, March 2, sinabi niyang may dalawang linggo na silang hindi nag-uusap ni Pops mula nang magdesisyon silang maghiwalay muna.

Hindi naging madali kay Jomari ang kanilang hiwalayan ni Pops dahil wala raw matibay na rason para tapusin na ang kanilang relasyon.

Ayon sa actor-concert producer, naging madalas lang ang kanilang pagtatalo na hindi nila makontrol. Sa halos magtatatlong taon na nilang magkasintahan ni Pops, nito lang daw mga nakaraang linggo naging madalas ang kanilang pagtatalo.

"Never kaming nag-away ni Pops," panimula ni Jomari. "Nagtatalo kami, pero pagkatapos nun, okey na uli. Yung pagtatalo namin, mga mababaw lang. Pero ito, iba, e."

"Irreconciliable differences" ang isa sa nakikitang rason ni Jomari sa madalas nilang pagtatalo ng Concert Queen.

Tumanggi nang magdetalye si Jomari ng nais niyang ipahawatig tungkol dito para mapangalagaan daw ang privacy nilang dalawa ni Pops. Naniniwala pa rin kasi ang aktor na posibleng makapag-usap pa sila ng Concert Queen para ayusin ang problema nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naniniwala akong mag-uusap pa rin kami. Kailangan pa rin naming mag-usap," sabi niya.

Hindi alam ni Jomari kung magkakabalikan pa sila ni Pops sa deklarason nila ng hiwalayan.

"Nag-usap na kami na hiwalay muna. Hindi ko alam kung saan papatungo ito," malungkot na sabi ng aktor.

POSSIBLE REASONS. Alam ni Jomari na may mga susulpot na isyu kaugnay sa rason ng hiwalayan nila ni Pops, gaya ng third party at kakulangan ng panahon nila para sa isa't isa. Lalo na't nagsimula na ang Concert Queen na umarte sa I Love Betty La Fea sa ABS-CBN at siya naman ay nag-taping na ng Zorro para naman sa GMA 7.

Posibleng maturo ring dahilan ng hiwalayan ang kakatapos na Missing You reunion concert ng dating mag-asawa na sina Pops at Martin Nievera noong February.

"Walang third party," diin ni Jomari. "Wala sa amin ang ganon. Hindi puwedeng third party ang maging rason.

"Yung oras para sa isa't isa, dati naman kaming walang oras, lalo na noong nagsimula yung production ng Missing You. Never naging problema sa amin ang time. Nakakapag-usap naman kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely," patuloy niya, "hindi naging issue o problema sa amin yung reunion concert. Masaya kami pareho sa outcome no'n. In fact, breaking all the records sa local [concert scene] yung Missing You, and we're happy about it. Walang immediate na plano para sa repeat, kasi nga na-break mo na yung record, e. Parang hindi maganda kung magre-repeat pa."

May lungkot man sa nangyayari ngayon sa lovelife niya, nakukuha pang magbiro ng aktor. Nang tanungin namin kung madalas ba silang mag-clash noon ni Pops, mabilis siyang tumanggi at nagsalita ng: "Ano 'yan, Clash of the Titans?" natatawang punchline ni Jomari.

FIRST TIME. Hanggang noong mga sandaling kausap namin sa telepono si Jomari, hindi pa rin niya maisip kung paano humantong sa hiwalayan ang relasyon nila ni Pops. Sabi nga namin sa kanya, baka naman cool off lang sila.

"First time itong nangyari sa amin, e. Yung una, cool off lang. Sandali lang yun, nagkaayos uli kami. Pero ito kasi, may usapan na," pagninilay-nilay ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit hindi sabihin ni Jomari ang nararamdaman, alam naming malungkot ito. Likas na ang pagiging palabiro at pagiging komedyante niya, kaya naman kahit paano ay nagagawa pa rin nitong tumawa sa gitna ng pinagdaraanang kalungkutan.

Isa pa, abala ngayon sa pagte-taping ang aktor para sa natitira pang dalawang taping days niya sa Zorro, na pagbibidahan ni Richard Gutierrez. Papel ng orihinal na Zorro ang lalabasan ni Jomari sa nasabing serye. Isasalin niya ang responsibilidad na tulungan ang mga naaapi kay Richard.

Sabi nga niya, "ngarag" siya sa sabay-sabay na acting career at concert producing. Nitong Lunes lang niya nasimulang asikasuhin ang pagdadala rito sa bansa ng American Idol 2008 winner na si David Cook at runner-up nitong si David Archuleta para sa back-to-back concert nila. May concert date na ito—May 16, 2009. Planong sa SM Mall of Asia concert grounds ito gawin.

Sa pagitan nito, inaasikaso rin ni Jomari ang series of concert tours ng Missing You sa iba't ibang key cities dito sa Pilipinas. Kaya nga inaasahan ni Jomari na makakapag-usap at magkikita pa rin sila ni Pops, hindi lang para sa tour nito kundi para ayusin ang problema sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN