PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes still waiting for her next project with ABS-CBN

The young actress also denies rumors that she and Dennis are back together.
by Allan Anthony Altera
Published Mar 4, 2009
Cristine Reyes does not understand why the issue linking her name to "ex-boyfriend" Dennis Trillo keeps on erupting. "Sino kaya'ng nagkakalat," she asked.

Noong nakaraang Huwebes, February 27, ay nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) upang makapanayam ang Kapamilya star na si Cristine Reyes, na kasama ang ilang kaibigan nito sa isang bar sa Katipunan, Quezon City.

Una naming kinumusta ang kanyang lovelife.

May mga kumakalat kasing balita na "nagkabalikan" daw sila ulit ng dati nitong boyfriend na si Dennis Trillo.

Ang sagot ng kapatid ni Ara Mina, "Tahimik na kami with our own lives and with our own careers. Matagal nang patay ang issue na 'yan pero marami nga akong naririnig na ganyan issue sa ilang press na nakakusap ko. Hindi ko nga alam kung kanino or sino ang nagkakalat niyan..."

Tinanong din namin kung madalas ba siyang lumalabas kasama ang mga kaibigan nito, "Hindi!" ang mabilis na sabi ng gumanap na Eva Fonda sa telebisyon.

Sa pagpapatuloy niya, "Ngayon nga lang ako ulit lumabas for the longest time, naging sobrang busy ako with Eva Fonda and Banana Split!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Viva artist, ay hindi naman siya mahilig lumabas. Mas gusto raw niyang manatili sa bahay kapag wala siyang schedule ng taping.

Pagkatapos ng kanyang primetime debut noong December 1, ano nga ba ang susunod na project ni Cristine?

"As of now, I'm happy doing Banana Split, na sobrang nag-e-enjoy ako. Excited ako lalo na this coming April kasi magkakaroon kami ng summer special na kukunan pa sa Boracay," banggit niya.

Dagdag pa niya, "Nagkaroon sila ng offer sa 'kin, yung Bandidas, which is alam kong papalit yata sa Pieta, kaso hindi din yata tinanggap ng Viva kasi sa hapon siya. Mas gusto nila yung primetime show for me. Alam ko meron mga naka-line up sila pero wala pang details na ibinibigay sila sa akin."

Nagkaroon din ng usap-usapan dati na nilapitan si Cristine para tumayong kontrabida sa upcoming TV series ni Angel Locsin. Subalit tinanggihan daw ng dalaga ang project. Sa ngayon, Banana Split ang kanyang pinagkakaabalahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, "Naghihintay lang ako sa kung ano ang ibibigay nila sa akin. Ang sabi ko naman sa Viva, wala namang problema...Kahit ano, basta maganda yung project."

Meron daw siyang upcoming movie under Viva Films?

"Ang sabi nila sa akin, I will be doing a horror film this year daw pero wala pang definite date ang shooting. Excited na nga ako kasi alam ko kakaibang horror movie siya," pagkumpirma ng StarStruck alumna.

Very relaxed ang aura ng dalaga, at talaga namang masaya siyang kakuwentuhan. Isa sa mga naging topics pa namin ay ang pinagdadaanang issue ngayon nang dating batchmate niya sa StarStruck na si Katrina Halili.

Matatandaang bago lumipat sa Channel 2 ang young actress ay si Katrina ang isa sa mga naging malapit nitong kaibigan. Aniya, "Nung nasa GMA pa ako, madalas kaming magkasama ni Kat since identified kami doing sexy roles. Kaya madami kaming mga project na pinagsamahan kaya naging close talaga kami. And until now, nagtatawagan kami at text pag may mga problema at advice kami na gustong sabihin sa isa't-isa..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago nagkaroon ng live interview si Katrina with Startalk, kung saan una niyang inamin ang relasyon nila ni Dr. Hayden Kho, si Cristine daw ang huling taong nakausap nito.

"Kausap ko siya right before siya magsalita sa Startalk. Tinanong niya ako kung iyon na daw ba ang tamang oras para sagutin yung mga issues sa kanya. Ang sabi ko lang sa kanya, basta magsabi siya ng totoo, kasi kahit anong mangyari madami naman kaming susuporta sa kanya," kuwento ni Cristine.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes does not understand why the issue linking her name to "ex-boyfriend" Dennis Trillo keeps on erupting. "Sino kaya'ng nagkakalat," she asked.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results