"Babalik ba si Amor Powers?" tanong ng isang reporter kay Eula Valdes nang magpaunlak na ito ng interview sa press conference para sa All About Eve, ang bagong teleseryeng kinasasalihan ng aktres.
"Diyos ko, matagal nang 'patay' si Amor Powers! Nauna pa kesa kay Rustom [Padilla]," birong-sagot ni Eula, with reference sa statement noon ni BB Gandanghari tungkol sa "pagkamatay" ng dating katauhan nito na si Rustom Padilla.
Pero ani Eula, hindi na niya gaganapan pa si Amor Powers dahil matagal nang tapos ang show na pinaggamitan ng karakter na ito.
Nag-concentrate na lang si Eula sa pagpapakilala tungkol sa bagong character niya sa All About Eve na si Alma, ang best friend ng karakter naman ni Jean Garcia na si Katrina, at pangalawang asawa naman ng karakter ni Richard Gomez na si Frederico.
"Ako kasi yung tipo ng friend na masyadong...paano, e...anong tawag dito..? Kailangan hindi ka immoral, yung parang 'mali yung ginagawa mo.' Ako yung tipo ng gano'n. So parang nagkaroon ng lamat yung friendship namin dahil ayaw niyang tumigil na pumatol sa may-asawa, then eventually, nakulong siya, napagbintangan nga...So parang nagkaroon ng wall ang friendship namin.
"Ako yung naging shoulder to cry on nung namatay ang asawa ni Goma [played by Ina Raymundo] and nung nakulong si Katrina. Parang ako ang natira ro'n. Ako kasi ang secretary niya ro'n, e," pagpapakilala ni Eula sa kanyang character.
Naging interesado ang PEP (Philippine Entertainment Portal) nang ibida ni Eula ang kanyang hilig sa sports lalo na sa extreme sports.
"Ever since kasi, mahilig talaga ako sa sports. Actually, nung college, nagka-injury pa nga ako dahil sa isang sports activity na ginawa ko. Nagka-torn ligament ako. Hindi ko lang ininda, pero as the years went by, siyempre, with age na rin, nararamdaman ko na siya talaga.
"It came a time na nga nung ginagawa ko yung Zsa Zsa Zaturrnah [the play, in 2006] muntik nang hindi matuloy yung show kasi nga, I have to move around for that play. E, masakit na talaga. So tiniis ko na lang. We pushed through with the show. Then, after that, I finally had my operation. I have titanium plates in my knee."
Ipinakita nga ni Eula ang tuhod nya na aniya'y may turnilyo na nga.
Pero sa kabila nito, tuloy pa rin sa sports niya si Eula.
"I do skydiving, snowboarding...I do those kasi life is too short and ang age...age lang yan, e. I don't believe na dahil 40 ka na you should act your age. Marami ka pang puwedeng gawin."
