Iwa Moto's father passes away

The father of young actress Iwa Moto, Mr. Hiroaki Iwamoto, passed away after a long battle with liver cancer.


Kagabi, March 8, nagbago ang status ni Iwa Moto sa kanyang Facebook account: "Will miss Mr. Hiroaki Iwamoto. I love you papa... R.I.P."

Isang sad emoticon lang ang status ni Iwa bago ito. Nabalitaan niya lang din sa mga kamag-anak niya sa Japan na sumakabilang-buhay na nga ang kanyang ama, pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban sa sakit na liver cancer, kaya nagpalit siya ng status.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iwa sa Facebook kung dadalhin dito sa Pilipinas ang mga labi ng kanyang ama. Sumagot ang StarStruck 3 First Princess na hindi raw. Naghabol kami ng pangalawang tanong kung pupunta ba siya sa Japan, ngunit nag-offline na siya.

Dagsa rin ang nag-condolence message mula sa mga kaibigan niya, kasama na si Gardo Versoza na nakasama niya sa Magdusa Ka noon.

Kakaiba rin ang kanyang profile picture. Tinatakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang palad niya na parang umiiyak.

Mahirap mahanap ang Facebook account ni Iwa dahil tulad ng karamihan ng mga artista, gamit niya ang tunay niyang pangalan. Kung kailan niya lang din ito iniba dahil nang una naming nabasa ang kanyang account, may pangalawang apelyido siya—ang apelyido ng kanyang boyfriend na si Michael Ablan.

Bagama't inalis na niya ang apelyido ng kanyang boyfriend sa listed name niya sa Facebook, nanatiling "married to" pa rin ang kanyang status.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN