Dahil sa malaking tagumpay sa takilya ng A Very Special Love at ang sequel nitong You Changed My Life, hindi maiiwasang magkaroon ng opinyon ang iba na ang tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang nagpapahina sa John Lloyd-Bea Alonzo tandem.
Kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon dito ni Bea nang makausap namin siya sa ASAP '09 last Sunday, March 8.
"I don't think so," sabi ni Bea. "Yun naman kasi ang nasa original plan before pa, na ipu-push din naman kami [ni John Lloyd] as individual actor and actress. And pagdating sa career na tinatahak ni John Lloyd, I'm happy for him. Kung ano ang success niya, feeling ko success ko na rin. Ang tagal at ang lalim ng pinagsamahan naming dalawa, parang napakalapit niya sa puso ko para I think magkaroon ng issues. Saka we're still together naman in I Love Betty, so I don't see any problem."
Speaking of I Love Betty La Fea, ipinarating ni Bea ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa pinagbibidahang teleserye at sa magagandang komento na natatanggap nila.
May nakalinya na ba ulit silang proyekto ni John Lloyd bukod sa I Love Betty La Fea?
"Well, wala pa akong mapa-promise. But as of now, ginagawa pa namin yung Betty La Fea. Pero dun sa mga future shows or future projects namin ni John Lloyd, wala pa talaga akong alam. Wala pa akong masasabi. As of now, I'm doing a movie with Sam Milby under Star Cinema."
Kumusta naman ang shooting ng pelikula nila ni Sam? How does it feel working with him again after Close To You and Maging Sino Ka Man?
"It's doing very well," sagot ni Bea. "Refreshing sa akin lahat ng ideas and concepts ni Direk Rory [Quintos], kasi hindi siya gumawa ng movie for five years, and si Sam also. Itong genre na ginagawa namin is very refreshing for me. I worked with Sam before, pero dito lang talaga yung full-length na kaming dalawa, na love interest ko siya.
"Si Sam, from the moment na lumabas siya ng Bahay ni Kuya [in Pinoy Big Brother], clueless pa rin siya sa fame niya at sa lahat ng mga taong nagkakagusto sa kanya. And I think maganda yun kasi hindi lumalaki ang ulo niya."
