PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former sexy star Klaudia Koronel receives luxury car as engagement gift

Klaudia talks about meeting her future sister-in-law in Atlanta.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 12, 2009
'90s sexy star Klaudia Koronel poses beside her two-door Mercedes Benz SKL320 convertible sports car, which was given to her by Chinese-American boyfriend, Andy Zhang.

Uuwi na sa Pilipinas sa March 17 ang dating sexy star na si Klaudia Koronel matapos ang halos isang buwang pagbabakasyon sa U.S. Bukod sa pagbabakasyon, dinalaw rin ni Klaudia ang boyfriend niyang si Andy Zhang na roon na naka-base.

Sa pagdalaw ni Klaudia, isang kotse ang iniregalo sa kanya ng kanyang future husband. Isang mamahaling two-door Mercedes Benz SKL320 convertible sports car ang nagsilbing engagement gift ni Andy sa kanyang future wife.

"Kasi dito sa U.S., mahirap ang walang car. Sabi pa niya, 'Dahil pakakasalan kita, may gift ako sa 'yo,'" kuwento ni Klaudia nang naka-chat siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook kahapon, March 11.

February 26 pumunta ng Atlanta, Georgia, si Klaudia para rin ma-meet ang kanyang future sister-in-law at ang pamilya nito.

"Mix ang magiging family ko sa Atlanta, Chinese, then mga Americans. Tapos, hahalo na ako sa family nila, na isang Pinay. I am having a great time with my pamangkins-to-be, dalawa sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa dating sexy star, napamahal agad sa kanya ang mga bata sa sandaling pamamalagi niya sa Atlanta.

"Sad ang mga bata nung umalis ako sa Atlanta. Laging sinasabi sa akin ng fiancé ko na sabi ng mga anak ng sister niya na they like me, na 'She's great!' daw."

"Nararamdaman ko naman na gusto ako ng future sister-in-law ko. Kasi naman nakisama ako nang mabuti. Walang maid sa U.S., so super-laba ako ng damit ng mga anak niya. E, dyusko, dito naman sa U.S., 'pag inilagay mo ang mga damit sa washing machine, hindi mo na gagalawin hanggang matuyo! Ayun na lahat, hindi pa gusot. Nakikita nga ako ng future sister-in law-ko na nagkukusot ng sarili kong damit! Ha! Ha! Ha!

"Sabi niya, isama ko na lang sa mga damit nila at siya na raw ang maglalaba. Pero pasimple at patago pa din akong nagkukusot at naglalaba na kamay ang gamit ko. E, yun ang nakasanayan ko, e, ang magkusot ng mga labada! Ha! Ha! Ha! I want to prove na hindi nagkamali ang kuya niya," kuwento ni Klaudia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Klaudia na very close kay Andy ang younger sister nito. Kaya naman naging close rin siya sa sister ni Andy.

"Tinanggap naman ako ng family ng fiancé ko. Pinakikisamahan nila ako nang mabuti. Lagi nila akong pinagluluto. Bago ako pumuntang Atlanta, kinausap ako ng fiancé ko. Kasi kabado ako at nag-aalala. Kasi first time ko humarap sa kapatid niya at close sa kanya at very protective ang kapatid niya na babae. Sabi sa akin ng fiancé ko, 'Pag hindi ka nila pinakisamahan at tinanggap, I will give them a hard time!' Sabi pa niya, 'Be confident, 'wag kang mahiya o matakot.'

"Binibigyan ako ng kung anu-ano ng kapatid niya bago ako umalis sa Atlanta, mga lipstick, pabango, at mga lotion. Ipinapakilala ako sa mga kaibigan niya. Ang daming kaibigan na gusto akong makita, kung ano daw ang hitsura ko, kasi daw maselang mamili ng babae ang kuya nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"First time ko na makita ang sister niya pero madalas na ako pumunta ng U.S. Last year pa, pangatlo ko na 'to. Pero first time ko ma-meet ang pamilya ng kapatid niya, na ang asawa ay Amerikano. Kaya basta ang ginawa ko lang ay makisama, makihalubilo, hindi ako nag-inarte o nagtatamad-tamad. Kasi hindi uso ang tamad dito. Kaya kung naghuhugas sila ng pinggan, naghuhugas din ako.

"Nung wala pa yung kotseng bigay ni Andy, 'pag gusto kong mamasyal, pinapahiram ako ng kotse ng sister niya. Kaso minsan, gusto ko mag-train para maging familiar ako sa city ng Atlanta. Ang lakas nga daw ng loob ko. Ganito naman ako 'pag nagta-travel. Magba-bus ako at magte-train. Kasi hindi ko ito nagagawa sa Pinas."

Ang parents naman ni Andy ay nasa China.

"Pero darating ang mom niya sa Atlanta," banggit ni Klaudia. "Pero hindi na kami mag-aabot kasi April pa siya darating. Pero na-meet ko na ang mom niya noong February of 2006 at natutuwa naman ako dahil tanggap niya ako. Sabi pa nga niya, maganda daw ang kilay at mata ko. Na-meet ko na rin ang father niya, three times na rin tulad ng mom niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses na ring pumunta sa China si Klaudia para bisitahin ang parents ni Andy.

Tulad ng ama nito, mahusay raw magluto si Andy.

"Kaya nga I love my fiancé kasi lagi akong busog!" banggit ni Klaudia.

Nasa Arizona na si Klaudia habang ka-chat namin siya kahapon. Sa Arizona kasi naka-base ang kanyang boyfriend.

"May bahay ang fiancé ko dito, pero ini-rent niya ako ng sarili kong apartment. Kasi hindi pa kami puwedeng magsama at yun ang gusto ko. Mag-isa ako sa apartment. Nasa New York ang fiancé ko, may mga projects kasi siya dun ngayon. Then, palipat-lipat siya, minsan nasa Utah siya."

Sanay na naman si Klaudia sa sitwasyon nila ng kanyang kasintahan.

"Noon pa naman ito, na ang situation ko, ganito, na lagi kaming magkahiwalay. Pero nasanay na din. Yun kasi ang work niya as an IT [Information Technology] consultant. Tanggap at nauunawaan ko naman na lagi siyang paiba-iba ng lugar. Masipag ang fiancé ko at hindi ko na maaalis yun. Chinese siya, e, talagang masikap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala naman akong problema sa kanya kasi hindi naman siya mabisyo, hindi magimik, hindi umuuwi ng late. Nauuna pa ngang umuwi sa akin 'yan sa hotel niya. Masyadong madisiplina. Hindi ko na kailangang i-check kasi kusa na siyang nagre-report."

Kapag hindi raw sila magkasama, ine-enjoy ni Klaudia ang pagmamaneho ng kanyang bagong kotse.

"Ngayon, I'm enjoying mag-drive sa cute kong kotse habang di pa ako umuuwi. Iniikot ko muna ang car ko kung saan-saan. Akala ko nga, ring ang ibibigay niya sa akin, excited pa naman ako.

"Napasok ko ang CNN sa Atlanta, na noon dream ko lang. Now, napasok ko ang Coke company, sa Atlanta pala nagmula ang Coke. Dyusko, noong bata ako, akala ko sa Pilipinas nagmula ang Coke! Ha! Ha! Ha!"

Read Next
Read More Stories About
Klaudia Koronel, Andy Zhang
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'90s sexy star Klaudia Koronel poses beside her two-door Mercedes Benz SKL320 convertible sports car, which was given to her by Chinese-American boyfriend, Andy Zhang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results