Nanay na nanay na talaga ang image ngayon ng dating sexy actress na si Patricia Javier, malayung-malayo sa mga huling araw nito sa Pilipinas bago makasal kay Dr. Robert Douglas C. Walcher III. Nang makita nga siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa The Buzz kahapon, March 15, ay karga-karga nito ang kanyang two-year-old son na si Robert Douglas C. Walcher IV.
The last time na dumalaw ng bansa si Geneses, Patricia's real name, ay noong Pasko. Ngayon ay nasa Pilipinas siya uli dahil nami-miss daw ng kanyang ama at mga kapatid niya ang kanyang anak. Nataong nasabay rin ito sa debut ng kanyang isang kapatid. In short, ang kanyang pag-uwi ngayon ay isang family affair.
Bagamat two years old na si Robert IV ay wala pa raw plano sina Patricia at Robert III na sundan pa ng isang baby ang kanilang panganay.
"Mayroon naman akong plano. Kaso po, gusto ko munang lumaki-laki siya para... Mahirap naman kasi mag-alaga ng bata sa Amerika. So, gusto ko, medyo lumaki muna siya para mas maalagaan ko siya," saad ni Patricia.
ASIAN DOLLS. Nagpunta sa The Buzz si Patricia para i-promote ang kanyang grupo na madalas nakukumbida sa mga event sa Los Angeles, ang Asian Dolls.
"Puro kami mga half," banggit niya. "Mayroon po kaming British-Malaysian, mayroon kaming Chinese-Filipina, Vietnamese-Filipina, yung mga ganun po. Five po kami, each girl represents an Asian country."
What made her decide to form a group in the U.S.?
"Sa Amerika kasi, ano po, parating may mga functions, mga parties, naghahanap sila ng talents. Minsan, nahihirapan pa silang kumuha ng performers. Yung vision kasi ng producer namin ay hindi lang po sa Filipino community, pati po sa iba pa po," paliwanag ni Patricia.
Ang Asian Dolls ba ang pantapat sa Pussycat Dolls, na ang isang miyembro ay may dugo ring Pinoy—si Nicole?
"How I wish na kami na nga 'yong Pussycat Dolls!" sambit ni Patricia. "Sobrang love na love namin yung Pussycat Dolls, pero ang difference, we do traditional to modern music. Parang cultural dance group, di ba? Ang choreographer namin ay si Carol, siya yung dating VIP dancer ni Vilma Santos."
May approval ba ng kanyang mister ang pagiging Asian Doll niya?
"Opo, pinayagan naman ako," sagot niya. "Okay naman po. Parang sinabi niya sa akin, naaalala niya na performer ako, artist ako. Sabi niya, as long as there's a limitation sa mga ginagawa ko."
Totoo ba ang balitang tinanggihan sila na maging front act sa concert nina Sarah Geronimo at Charlie Green sa April sa San Diego?
"Inisip nila na yung grupo po namin masyadong [sexy]... Yung magpe-perform kasi mga bata, although yung mga manonood ay matatanda rin naman. Naano lang, medyo na-misinterpret yung image namin. Siyempre sad, kaya kailangan patunayan ng Asian Dolls."
Hindi man natuloy ang front act ng Asian Dolls ay magkakaroon pa rin sila ng show on April 18 sa Catchy Creek, isa sa pinakamalaking casino sa Sacramento, San Francisco. Makakasama nila rito si Leonardo Obal.
COMEBACK FOR GOOD? Sa pagbisita ngayon ni Patricia ay wala pa siyang project na gagawin dahil hindi naman siya magtatagal sa kanyang pagbabakasyon. Pero sa kanyang pagbalik ay umaasa siyang may gagawin siyang proyekto.
"Pero siguro sa pagbalik ko, mag-uusap kaming mag-asawa. Kung maganda po 'yong project, tapos... Let's see na lang muna.
"Pero mayroon na po akong nagawang short film sa America, pang-film festival po 'yon sa America. Yung Angel Face na gawa ni Direk Cecille Forwardsky, a Pinay-American. Ang kapareha ko rito ay si Joseph Will, isang Hollywood actor. Happy ako dahil nakagawa ako ng movie na kasama ko foreigner, and this is my first English-speaking movie."
How does she see herself in five years?
"Sana naka-take off na yung Asian Dolls. Sana mayroon na akong isang baby again. Sana makagawa ako ng isang movie na talagang masasabi kong maipagyayabang mo ba na makakakuha ka ng award dahil nakita nila yung talent mo na mayroon ka palang talent sa acting."
Sa ngayon, gusto niyang bumalik sa Pilipinas at dito na manirahan dahil pinapayagan naman siya ng kanyang asawang doktor.
"So, ang kailangan ko lang naman kasi ay makakakuha ng magandang project talaga na papayag siya," pagtatapos ni Patricia.