PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla denies marriage arrangement between daughter Queenie and Nur Misuari's son

Robin is very proud of his movie "Sundo."
by Rose Garcia
Published Mar 20, 2009
"Hindi naman personal choice. Nagkataon lang na nagpunta ako ng Davao. Inaayos namin yung...may inaayos kami sa Jolo. Kinausap ako ng pamunuan ng MNLF at gusto nilang hingin ang kamay ng anak ko. So, sinabi ko naman in Islamic way and Filipino way at universal way na ang magdedesisyon lang niyan, yung bata, hindi ako," says Robin Padilla when asked about his earlier interviews on his daughter Queenie and former Moro National Liberation Front chairman Nur Misuari.

Sa premiere night ng Sundo (na palabas na ngayon), nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang bida sa pelikula na si Robin Padilla.

Malapit daw talaga kay Robin ang pelikulang ito. "Sundo kasi, kultura ito ng Filipino. Kapag sinabi kong kultura, nabuhay ng matagal na panahon ang mga Pinoy na naniniwalang may 'sundo' sila. Kaya ako, ano ko, e, yung pagka-sundo niya sa akin, sabik ko siyang ginawa. Bata pa 'ko naririnig ko na 'yan."

Sa pelikula kasi, bawat tao raw ay may nakalaang "sundo" na maghahatid sa kanila sa kabilang-buhay.

Naantala nang bahagya ang showing ng Sundo. Pinagbuti raw kasi nila nang husto ang special effects at sounds nito.

"Yung sound namin, galing pa sa ibang bansa," pagmamalaki ni Binoe. Marami naman ang na-impress at pumuri sa ganda ng sound quality ng pelikula nang ipalabas na nga ito nung premiere night.

QUEENIE'S CHOICE, NOT ANYONE'S. Samantala, nabanggit din sa panayam ng PEP kay Robin ang tungkol sa sinasabi ng ilan na tila pakikipagsundo ni Robin sa anak na si Queenie sa anak na binata naman ng dating Moro National Liberation Front (MNLF) leader na si Nur Misuari. Agad namang nilinaw ni Robin ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, ano 'yan, e, sinabi ko na 'yan na ang palaging may desisyon, yung anak ko."

Kilala raw kasi nila ang anak ni Misuari dahil lumaki raw ito sa kanila. Pero ang tanong ngayon ay kung saan nanggaling yung usaping ipinagkasundo na niya si Queenie sa binata?

"Hindi naman personal choice. Nagkataon lang na nagpunta ako ng Davao . Inaayos namin yung...may inaayos kami sa Jolo. Kinausap ako ng pamunuan ng MNLF at gusto nilang hingin ang kamay ng anak ko. So, sinabi ko naman in Islamic way and Filipino way at universal way na ang magdedesisyon lang niyan, yung bata, hindi ako."

Wala pa naman daw ligawang nangyayari sa pagitan ng binata ng dating MNLF chairman at sa anak niya.

"Ah, hindi! Sa mga magulang pa lang!" natatawang sabi ni Robin. Mas matanda rin daw kay Queenie ang lalaki. Eighteen lang daw ang dalaga ni Robin habang 29 naman ang binata ni Nur Misuari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala rin naman daw problema si Queenie tungkol dito at hindi naman daw siya kino-confront ng anak tungkol sa mga pahayag niya.

"Bakit niya 'ko iko-confront, e, hindi naman ako gagawa ng isang bagay na ikapapahamak ng mga anak ko. Naniniwala ako na mabuting pamilya ang mga Misuari at isa silang angkan na may pinaglalaban at may tinatayuang prinsipyo at isang karangalan na mapabilang sila sa pamilya namin.

"Kaya lang ang usapin dito, kung gusto ba ng anak ko yung anak niya. Hindi yun usapin na gusto namin ni Chairman ang isa't isa."

Hindi pa nga raw nagmi-meet ang mga anak nila.

"Well, sabi ko, ganito... 'Manligaw 'yang anak mo sa anak ko. Hindi naman pupuwede yung kami lang. Kailangang magpakilala yung anak mo sa anak ko.'

"Siguro pinag-uusapan pa nila, alam mo naman ang mga Muslim."

Paano nga ba ang ganyang mga usapin kapag mga Muslim?

"Napaka-delicate... Hindi ito pabigla-bigla. Pinag-uusapang mabuti. At talagang ganoon sila, yung traditional Filipino na umaakyat muna ang pamilya bago ang anak."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa edad na 18 ni Queenie, paano kaya kung magkita't magkagustuhan na talaga sila ng anak ni Misuari, at bigla na lang, yayain na itong magpakasal, payag ba si Binoe?

"Oo naman! Alam n'yo, ako'y hindi kailanman magiging hadlang sa mga anak ko!"

Kahit 18 years old pa lang si Queenie, payag na siyang pakasal ito?

" Aba, matanda na yun! Matanda na... si Rommel Padilla, ilang taon nang mag-asawa. Si Liezl, ilang taon nang mapangasawa ko? Wala yun...depende sa kaligayahan ng tao. Hindi ako naniniwala sa edad-edad, bakit naman patatagalin pa kung talagang nagmamahalan sila. Ang importante run, panindigan nila yun."

Paano kung di pa mature si Queenie para sa ganoong bagay?

"O, di mag-mature sila nang sabay!" sagot agad ni Binoe.

WEDDING FIRST. Pero mariin naman sa pahayag niya si Robin na bago pa maganap ang kahit na ano pa mang intimate sa pagitan nina Queenie at sa binata ni Misuari, dapat daw ay pakasal muna ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat kasal! Kung isa man ay Kristiyano or anuman siya, dapat ay kasal muna. At siyempre, Muslim wedding."

Dugtong pa ni Robin, "Walang compromise 'yan, kasi Muslim kami. Hindi mangyayari siguro yun at hindi ko ipagdarasal na mangyari yun sapagkat hindi nawawalan ng kasama ang anak ko. Palagi siyang may kasama at 24 hours na may kasama ang mga batang 'yan at hindi naman sila nagrereklamo.

"At napakahirap na maisip yun at matanggap yun. Hindi lamang yun pagka-Muslim or pagka-Kristiyano kundi ang pakiusap ko sa mga anak ko, sa kanilang edad, maging halimbawa sila ng dalagang Filipina at sana'y yun din ang maging dasal nating lahat, na may mga batang mag-umpisang umarte na mga dalagang Filipina."

Contrary naman daw sa puwedeng isipin ng iba na Muslim lang ang puwedeng manligaw sa mga anak niya, hindi raw totoo 'yun.

"Wala akong inaano diyan. Basta kung sino ang magugustuhan ng mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi naman personal choice. Nagkataon lang na nagpunta ako ng Davao. Inaayos namin yung...may inaayos kami sa Jolo. Kinausap ako ng pamunuan ng MNLF at gusto nilang hingin ang kamay ng anak ko. So, sinabi ko naman in Islamic way and Filipino way at universal way na ang magdedesisyon lang niyan, yung bata, hindi ako," says Robin Padilla when asked about his earlier interviews on his daughter Queenie and former Moro National Liberation Front chairman Nur Misuari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results