Angel Locsin was in black rehearsal attire last Friday night, March 20, when PEP (Philippine Entertainment Portal) bumped into her in a resto inside the ELJ Building of ABS-CBN. Still lovely sans makeup, she said that she will be in Korea next week, but boyfriend Luis Manzano can't join her.
"Hindi siya makakasama kasi nasa New York siya ngayon at nagsu-shooting sila ngayon nina John Lloyd [Cruz] at Ms. Vilma Santos. Pero tiyak na sasama 'yon sa Korea kung hindi sila nagsu-shooting ngayon.
"So far, sobrang busy sila, pero nagti-text kami at madalas kaming nagtatawagan. Kaya parang wala lang, we're just text away with each other. Tawagan lang, kaya hindi namin masyadong nami-miss ang bawat isa," sabi ni Angel.
Bukod kay Angel, pupunta rin sa Korea ang co-stars niya sa upcoming ABS-CBN series na Only You na sina Sam Milby, Diether Ocampo, Iya Villania, at Dimple Romana sa susunod na linggo. Pero hindi naman daw sila magkakasabay na aalis.
"Iba-iba ang schedule namin sa pag-aalis. Pero hindi rin namin alam kung sino ang magkakasama kasi wala pa kaming kanya-kanyang schedule ng pag-alis. Hindi pa sure pero mag-stay kami doon, lampas two weeks."
May idea ba siya kung posibleng makasama nila sa teleserye si Sandara Park, na nasa Korea na ngayon? Ang Only You ay base sa hit Koreanovela na may ganun ding pamagat.
"Hindi ko alam kasi yung Only You... Di ba, dahil... Ready na ba siya? Parang yung mga characters, buhay na talaga. I mean, konti lang talaga, parang kami lang talaga."
Hindi ba puwedeng magawan ng paraan para maisingit ang cameo role ni Sandara dahil marami na rin ang nakaka-miss sa kanyang mga tagahanga?
"Siguro ang production talaga ang dapat ... Ako, kung ako ang tatanungin ninyo, why not? Pero siyempre, nasa production pa rin ang desisyon na ganyan. Oo nga, 'no, nasa Korea nga pala siya," biglang napaisip si Angel.
ON BEA ALONZO. Sa isang interview ay natanong si Bea Alonzo tungkol sa rivalry among her colleagues sa Kapamilya network. Nabanggit sa kanya sina Angel at Anne Curtis. Maayos namang sinagot ni Bea na ang tanging kakumpitensiya niya ay ang kanyang sarili. Magkaganun man, natatanong din daw ni Bea sa kanyang sarili kung bakit yung iba ay mayroong ganun, pero siya ay wala.
Ano naman ang masasabi ni Angel sa naging pahayag ni Bea sa nasabing interview?
"Mayroon bang ganun? Ngayon ko lang narinig 'yan. Bea Alonzo is Bea Alonzo, at nandiyan na siya bago man lang ako dumating. Kaya hindi ako naniniwala na mayroon siyang ganyang pag-iisip. Mayroon naman siyang mga pelikula, teleserye at commercials, samantalang bago lang ako sa ABS-CBN. Di hamak na mas marami siyang naging mga projects. Mahirap paniwalaan," sabi ni Angel.