Contrary to a blind item, singing couple Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado are still very much together.
Kahapon, March 23, ay may lumabas na blind item na magkahiwalay na raw ang isang singing couple. May clue sa blind item: nagkaroon ng show ang lalaki at ang ex-girlfriend nito kamakailan ngunit hindi naman daw naging third party ang ex-girlfriend dahil may malalim na dahilan. Pagpapatuloy ng blind item, matigas raw ang babae na hindi ito makikipagbalikan sa asawang singer.
Matatandaang nagkaroon ng post-Valentine show sina Dingdong at Rachelle Alejandro na Music and Lyrics.
Sabay at iisa ang tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kina Dingdong at Jessa: "Is it true?"
Magkasunod na sumagot ang dalawa. Si Dingdong, "What is?' na ibig sabihin ay hindi niya alam na may balitang kumakalat na magkahiwalay na raw sila ng asawa. Diretso naman ang naging sagot ni Jessa: "Not true."
Inusisa namin si Jessa kung bakit may ganitong balita.
"Hindi ko rin alam. Kaka-8th year wedding anniversary lang namin nung March 18," dagdag ng Phenomenal Diva.
Ayon kay Jessa, tinanong na rin siya ng Startalk ng GMA-7 at The Buzz ng ABS-CBN kung may katotohanan ito at parehong "not true" din ang naging sagot niya.
Dagdag ni Jessa sa text niya: "Di mawawala ang di pagkakaintindihan minsan ng mag-asawa, normal lang yun, di ba? Pero di kami hiwalay. We are very much together. Mahal na mahal namin ang isa't isa lalo na't may Jayda [daughter nila] kami and God is the center of our lives."
Samantala, nakatakdang bumalik sa States ang pamilya Avanzado sa March 31. Mag-aaral na si Jayda at may concert ang mag-asawa sa Abril. Huling linggo na ng Abril ang balik nila ngunit didiretso sila sa Guam.
Sa Guam isu-shoot ang MTV ng ilang kanta ni Jessa para sa kanyang comeback album. Nakatakda sana itong i-shoot nitong March 26 ngunit nagkaroon ng problema ang passport at visa ng ilang sasama roon kaya rescheduled na lang ng first week ng May.
Sina Dingdong at Jessa ang dalawa sa mga partners na nangangasiwa ng Guam Visitors' Bureau (GVB) sa Pilipinas.