Boyet Fajardo to face probable legal action by Duty Free Philippines employees


"Humihingi ako ng paumanhin kung anuman ang mga naging pangyayari. Nahusgahan na ako at hindi ko alam kung ang mga sasabihin ko ay paniniwalaan pa," pleads fashion designer Boyet Fajardo regarding his "tantrum" in a Duty Free store.


"Hindi namin ito titigilan saan man makarating ito."

Ito ang pahayag ng presidente ng Duty Free Philippines Employees' Association na si Dennis Mallari—sa kabila ng paghingi ng paumanhin ng fashion designer na si Boyet Fajardo hinggil sa lumabas na video ng pangmamaliit diumano niya sa ilang empleyado ng Duty Free kamakailan. (Click here to read related article.)

Sa nasabing video, makikita na isang empleyado ng Duty Free, na pinangalanang si Marvin Fernandez, ang lumuhod sa harapan ni Fajardo. Bunsod umano ito ng matinding galit ng fashion designer na taliwas sa mga naunang report ay hindi raw tinanggap ni Fernandez ang credit card ni Fajardo kahit na nagpakita na ito ng pasaporte at ID mula sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board).

Ayon sa panayam ng ABS-CBN News, handa raw ang unyon ng Duty Free na dalhin ang reklamo laban kay Fajardo sa Commision on Human Rights.

"Hindi sinsero ang ganyang pahayag. Bakit ngayon lang? Sana noon pa," reaksiyon ni Mallari sa nauna nang paghingi ng paumanhin ni Fajardo sa TV Patrol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa panayam ng ABS-CBN reporter na si Alex Santos, napaluha ang fashion designer habang ibinibigay niya ang kanyang panig ukol sa isyu. Aminado siya na nagkamali siya sa biglaang pag-init ng kanyang ulo. Ngunit itinanggi niya na dinuro niya at minura ang cashier na si Marvin Fernandez.

Paliwanag ni Fajardo, "Wala po akong natatandaan sa mga sinabi ko dahil at that point, galing po ako sa isang mahabang biyahe, from long overhauled flight. Alam naman po natin siguro kung gaano kahirap ang lumabas galing sa airport. And add into that, hindi pa po ako kumakain nang oras na iyon and I had a fever at that time."

Kasunod nito, humingi na rin siya ng tawad mismo kay Fernandez para sa kanyang pagkakamaling nagawa.

"Humihingi ako ng paumanhin kay Marvin Fernandez dahil katulad po niya, pareho kaming biktima," pahayag ni Fajardo.

Sinubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang panig ng pamunuan ng Duty Free sa pamamagitan ng legal department nito ngunit wala pa raw opisyal na pahayag ang kanilang kumpanya ukol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa report ng ABS-CBN News, pinag-aaralan pa ng pamunuan ng Duty Free ang kasong maaaring isampa laban kay Fajardo.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN