Botong-boto pala si Camille Prats kay Shaina Magdayao, na girlfriend ngayon ng kanyang kuya na si John Prats. Parang magkapatid na nga raw talaga ang turingan nila ni Shaina.
"You know, si Shaina naman lumaki siya na kasama ko, e. So, talagang kilalang-kilala ko na yung ugali niya maliit pa lang siya," pag-amin ni Camille nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ano ang mga "sister bonding" nila ni Shaina?
"Naku, madami! Unang-una yung videoke, yung salon."
Kasama ba nila si John?
"Minsan, kaming dalawa lang. Minsan mga movies, mahilig kasi siya sa movies. Nagdi-DVD marathon kami minsan. Yung mga kakikayan na fashion, ganyan."
Sa tingin niya, gaano kamahal ni John si Shaina?
"Alam n'yo po kasi sa lahat ng naging girlfriends ni Kuya, ngayon ko lang siya nakita na he really wants to save for his future. Because he wanted Shaina to be that person na, you know, eventually he will grow old with," sabi ni Camille.
So, nag-mature na ba si John when it comes to a relationship?
"Oo. Kasi Kuya ko pa naman napaka-playful. Kung ano lang ang nandiyan, go lang siya nang go. Pero ngayon, nakikitaan mo na siya na may direksyon na. Alam mo yun, na ito ang gusto ko, ganun."
Gaano katanggap ng Prats family si Shaina?
"Ay, sobrang tanggap na tanggap!" bulalas ni Camille. "Parang hinihila na nga namin yung panahon para maikasal sila. Kasi nga, gusto nga namin na mag-end up sila together. Pero it's still gonna be a long way kasi si Shaina is still very young. Tapos si Kuya naman, bata pa rin si Kuya. At saka marami pa rin silang gustong gawin sa buhay nila. Wini-wish lang namin na sana ganun ka-strong yung love nila for each other para makatagal sila and eventually get married."
BABY NATHAN. Inaanak sa binyag ni Shaina ang baby ni Camille na si Nathan. Speaking of Nathan, kinumusta na rin ng PEP kay Camille ang kanyang anak.
"He's one year and one month. Sobrang daldal na! Ang dami-dami niyang sinasabi. Si Jollibee ang kanyang kinalolokohan ngayon. Binili nga namin siya ng DVD na si Jollibee kumakanta at sumasayaw, naloloka talaga siya!"
Hindi naman daw naging problema ang pagbabalik showbiz niya lalo na ang paggawa niya sa pelikulang T2 under Star Cinema, kung ang pag-uusapan ay ang pag-aalaga niya kay Nathan.
"Yung mga time na wala ako sa bahay, yun ang mga oras na tulog siya. Hindi naman niya nararamdaman na nakakaalis na ako."
Sino ang nag-aalaga kay Nathan kapag wala siya sa bahay?
"My mom. Actually, my mom is really very helpful kaya nga nakakapagtrabaho ako ulit dahil sa kanya. Kasi alam kong may mapag-iiwanan ako ng anak ko pag magtatrabaho ako."
PUBLICITY-SHY HUBBY. Okay rin daw sila ng asawa niyang si Anthony Linsangan nang mapadako ang usapan tungkol sa mister niya.
Kasal na sila ni Anthony sa civil rites. Kailan naman kaya magaganap ang kanilang church wedding?
"Actually, gusto po namin sanang magpakasal by next year. But then... E, kasi po ewan ko, ang dami rin kasi naming ginagawa kaya hindi kami makahanap ng simbahan. Tapos yung date na gusto namin... Ang dami po kasing nagpapakasal ngayon, grabe, fully booked talaga lahat ng simbahan, nakakaloka! Gusto kasi namin kasabay ng civil wedding namin para isang celebration na lang."
Hindi kaya mauna nang masundan ang anak nila bago sila makasal ni Anthony sa simbahan?
"Huwag naman po sana," sambit ni Camille. "Pero ako kasi, gusto ko maraming anak po talaga. Kasi we're a big family. We're five children. Masarap yung madami kasi. Kaya lang, ayaw niya [Anthony], siya yung may ayaw. Sabi niya, 'Okay na yung isa.' Sabi ko, 'Hindi puwede, gusto ko mga four.'"
Dahil sa pagbabalik-showbiz ni Camille, hindi ba siya nagkukulang ng time sa asawa niya?
"Hindi naman. Kasi we always make it a point na we have time for each other. Nung last year nga, noong ginawa ko yung Gaano Kadalas ang Minsan? sa GMA, nanibago talaga ako. Kasi for how many months, I wasn't doing anything.
"Pero na-miss ko rin kasi yung napupuyat ka. Yung halos hindi ka na natutulog sa kakatrabaho. So, nung nangyari yun sa akin last year, parang ang sarap. But then, kasi pag dalaga ka, wala ka naman iniisip na may uuwian, e. Ngayon, meron na. So, parang doon lang ako nai-stress na parang umaga na, hindi na ako nakakasama ng anak ko. Hindi na ako nakikilala ng anak ko, puro 'Dada' lang ang tinatawag."
Binigyan ba siya ng limitations ng asawa niya pagdating sa mga roles na tatanggapin niya?
"Wala. My husband is very supportive about my work. You know, when I have new work, I tell him. And he is really excited to hear them. Sabi niya nga, 'O, ano na ang gagawin mo?' Sabi ko, 'Ngayon, wala pa, e.'
"Tapos minsan binibiro niya ako, 'Hmp, baka marami ka na namang kissing scenes, marami ka na namang bed scenes?! Sabi ko sa kanya, 'Ano ka ba naman, kung kailan ako nag-asawa at saka ba ako mag-iinarte na ayokong magpahalik?' Sabi ko sa kanya, 'When I do things like that, I will make sure it's done tastefully naman. Hindi ko naman gagawin yun na wala lang, di ba?'"
Paano tinatanggap ni Anthony ang mga intriga sa showbiz?
"Ngayon sanay na siya. Before kasi, he's really very mahiyain na sabi nga niya, nahihiya siyang lumabas sa TV o sa pictorial kasi daw baka nilalait siya ng mga tao. Sabi ko sa kanya, 'You know, it's really gonna be like that. Huwag mo na lang pansinin.'
"Kasi, siyempre, alam mo naman ang mga tao kapag mag-comment minsan, medyo masakit na. Pero sa kanya, hindi lang siya sanay na ganun pala yun. Kasi bilang asawa ko, parang mas napapansin siya kesa sa akin. Kasi people are curious, 'Ano ba ang hitsura ng asawa ni Camille?' Siya naman, he always tries to look good, to dress up well whenever we go out. Kasi naku-conscious nga siya, kasi tinitingnan talaga siya."