PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Diether Ocampo says non-showbiz girlfriend is his answered prayer

Diether happy for Kristine Hermosa but distances himself.
by Alex Datu
Published Mar 26, 2009
"She puts a lot of sense, like mga importanteng bagay sa akin. She has good values, she's God-fearing, has a great sense of responsibility, ganun. Siya ang pang-balanse. It's hard to describe it. But if you can put it into words, the best is she's the person who can bring out the real, genuine happiness in all the things that I'm doing right now," says Diether Ocampo about his non-showbiz girlfriend Rema Ostwani.


Si Diether Ocampo ay larawan ng "man in love" nang namataan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng Bench Body para sa bagong endorser nito na si Katrina Halili sa Manila Peninsula. Kasama ni Diether ang kanyang bagong non-showbiz girlfriend na si Rema Ostwani.

Kitang-kita sa mga salita't pagkilos ng aktor na nakapag-move on na siya pagkatapos ng relasyon kanila ni Kristine Hermosa. Katunayan, masaya ang dating couple dahil kapwa na sila single and happy.

Mas open na ngayon si Diether na pag-usapan ang kanyang relasyon kay Rema. Kasabay dito ang pahayag ni Diether na ang pinagsamahan at pinagdaanan nila ni Kristine ay bahagi na lamang ng nakaraan. Ngunit malaki ang pasasalamat ng aktor dahil maganda ang naging closure ng relasyon nila. Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan ang dalawa at in touch pa rin sila.

Para kay Diet, maaga pa para pag-usapan ang kasal sa ngayon. Pero naniniwala siyang sagrado ang kasal kaya gusto pa rin nitong magpakasal. Kung mangyayari man 'yon ay gagawin nitong engrande at hindi na niya ito itatago sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Not anytime soon, but definitely, we will get there. When everyone's ready and everything's prepared, then I guess it's the right time," sabi ni Diether sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

BEING CONNECTED. Masayang sinabi ni Diet na "going great" sila ni Rema at magkasundung-magkasundo sila sa halos lahat ng bagay.

"She's a very private person. Kasi, as much I wanted to share a lot of things about us, parang hayaan muna naming enjoyin yung privacy namin together.

"Of course, I just want to share with you yung mga magandang nangyayari sa amin. Like, you know, ngayon mas balanse na ang buhay ko and I'm at peace. I found the kind of peace that I was searching all along and, you know, with her, there's possibility.

"She puts a lot of sense, like mga importanteng bagay sa akin. She has good values, she's God-fearing, has a great sense of responsibility, ganun. Siya ang pang-balanse. It's hard to describe it. But if you can put it into words, the best is she's the person who can bring out the real, genuine happiness in all the things that I'm doing right now," pahayag ni Diether.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa sa aktor, hiningi niya sa Panginoon si Rema—isang babaeng magpapatibok uli ng kanyang puso at makakatulong sa kanya para maramdaman niya uli ang pag-ibig.

"E, ang ibinigay naman sa akin ng Diyos ay sobra-sobra!" bulalas ni Diether. "So I guess, dapat lang na mahalin ko siya nang lubusan. I'm really proud of her. Hindi dapat itinatago yung ganyan, e. You know, bakit mo itatago ang isang bagay na nakakapagsaya sa 'yo?"

Hindi pa matagal ang pagkakakikila nina Diet at Rema. Pero kailangan bang magkarelasyon ang dalawang nagmamahalan para makilala nila ang isa't isa nang lubusan?

"Hindi naman sa tagal 'yan, e," sagot niya. "Believe me, hindi sa tagal 'yan. I've been with someone na matagal, pero it didn't work out. So, I guess hindi sa tagal 'yan. What's important is you get connected, lalo na kung mayroon kayong connection sa isa't isa. For me, it's a positive energy that you share to each other. "

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KEEPING DISTANCE. Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Kristine sa Entertainment Live na hindi siya naniniwala na ang girlfriend ngayon ni Diether ang siyang ihahatid nito sa altar?

"Para lang klaro, anything to do with Kristine, wala na ako doon," sabi ni Diether. "Mayroon na akong girlfriend sa buhay ko, iba na ngayon. Ayaw ko nang ma-involve sa anumang pahayag mayroon siya regarding me.

"I'd rather not say anything kasi I'm very happy now with what I'm doing and totally, a new chapter. So, I think, hindi na ako dapat magbigay ng komento diyan."

Pero sinabi ng aktor na masaya naman siya sa nangyayari ngayon kay Kristine. Kung magiging masaya ang dating karelasyon sa kanyang present love ay wala na siyang pakialam dahil buhay na ng aktres ang tinatahanak nito. Para kay Diether, may sarili na rin siyang buhay at nasa bagong kabanata ng kanyang pag-ibig.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"She puts a lot of sense, like mga importanteng bagay sa akin. She has good values, she's God-fearing, has a great sense of responsibility, ganun. Siya ang pang-balanse. It's hard to describe it. But if you can put it into words, the best is she's the person who can bring out the real, genuine happiness in all the things that I'm doing right now," says Diether Ocampo about his non-showbiz girlfriend Rema Ostwani.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results