Presidentiables get busy with BPI face-off, TRUTH covenant signing, sorties

May 2, 2016
<p>A week before the elections, Davao City Mayor Rodrigo Duterte refuses to fall into the "trap" of Senator Antonio Trillanes's hidden wealth allegation against him. Meanwhile, Mar Roxas and Vice President Jejomar Binay led the signing of TRUTH covenant a

Isang linggo bago ang May 9 election, mas humigpit ang tensiyong kinahaharap ng limang kumakandidato para sa pagka-pangulo ng Pilipinas.

FACE-OFF IN BPI. Una na rito si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nasangkot sa kontrobersiya kaugnay ng kanyang BPI account, na diumano’y naglalaman ng daan-daang milyong transaksiyon, nang hindi idinideklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Inaasahang matutuldukan ang espekulasyon hinggil dito nang magharap sa BPI Julia Vargas ang kampo nina Mayor Duterte at Senator Antonio Trillanes III ngayong Lunes, May 2.

Dumating ang legal counsel ni Duterte na si Atty. Salvador Panelo na may dalang special power of attorney (SPA), na nagbibigay ng authorization dito upang mabuksan ang bank account ng alkalde.

Tumagal ng 30 minuto sa loob ng BPI Julia Vargas sina Atty. Panelo at Trillanes, ngunit hindi natuloy buksan ang bank account ni Duterte.

Paliwanag ni Atty. Panelo, “Naghamon si Trillanes na buksan. Tinanggap ang hamon. Pero ang sabi ng bangko, pag-aaralan muna dahil may legal issues.”

Continue reading below ↓

Buwelta ni Trillanes, naging “duwag sa katotohanan” si Duterte at malinaw umanong walang plano ang alkalde na buksan ang bank account nito. 

Nanindigan naman si Duterte na pawang paninira lamang ang alegasyon ni Trillanes laban sa kanya.

Kasalukuyang nasa Pagadian City sa Zamboanga del Sur si Duterte para sa isang campaign sortie.

TRUTH COVENANT. Sa kabilang banda, dinaluhan nina Vice President Jejomar Binay at former DILG Secretary Mar Roxas ang TRUTH covenant signing sa Manila Cathedral.

Ito ay upang suportahan ang adbokasiya ng Simbahang Katoliko na magkaroon ng "Truthful, Responsible, Upright, Transparent and Honest (TRUTH)" election.

Bago ito ay nakibahagi sina Roxas at Binay sa misang pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.

Bagamat bahagyang magkalayo, namataang nagkamay ang dalawang magkatunggali sa pagka-pangulo bilang tanda ng pagpapalitan ng kapayapaan sa misa.

Tanging ang dalawang nabanggit na presidentiables ang nakarating sa naturang pagtitipon.

WOOING TARLAC VOTERS. Samantala, abala si Senator Grace Poe sa kanyang campaign sortie sa lalawigan ng Tarlac.

Continue reading below ↓

Hindi raw nakarating si Poe sa TRUTH Covenant signing dahil sa miscommunication hinggil sa petsa ng nasabing event.

FREE SHIRT PRINTING. Ang kampo naman ni Senator Miriam Defensor-Santiago ay nagtipon sa kanyang headquarters sa West Triangle, Quezon City para sa libreng imprenta ng campaign shirts.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>A week before the elections, Davao City Mayor Rodrigo Duterte refuses to fall into the "trap" of Senator Antonio Trillanes's hidden wealth allegation against him. Meanwhile, Mar Roxas and Vice President Jejomar Binay led the signing of TRUTH covenant a
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results