Galing mismo kay Maja Salvador ang mga katagang naiingit siya sa 60 students from selected public high schools in Greater Manila Area that have been selected as Sisters Achievers for the Academic Year 2008-2009.
Ang mga estudyante ay nakatanggap ng cash at medals mula sa Mega Soft Hygienic Products, Inc., ang gumagawa ng Sisters Sanitary Napkins. Tatlo ang pipiliin sa nasabing mga achievers na tatawaging Sisters Achievers na tatanggap ng mga tropeo, laptop and cash prizes as their individual rewards for their outstanding and exemplary achievements and their schools shall also receive one laptop each.
Hanggang high school lamang ang natapos ni Maja Salvador nang pasukin nito ang mundo ng pag-aartista. Pero kung siya talaga ang masusunod, gusto niyang ipagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa college para makapagtapos ng kurso na puwedeng maging daan sa kanya para maging isang flight stewardess.
"In fairness naman, tinapos ko talaga ang high school. Kahapon lang, graduation ng mga classmates ko sa college. Tapos na sila, kaya ang nasabi ko sa kanila, ang suwerte ninyo, tapos na kayo.
"So, nangangarap pa rin po ako na makapagtapos ng kurso kaya lang, siyempre, hindi ko rin po mapagsabay. Siguro po balang araw, gusto ko rin tapusin talaga kasi hindi natin alam kung ano po ang mangyayari," nawika ni Maja sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ani Maja mahirap daw talaga pagsabayin para sa kanya ang pag-aaral at pag-aartista. Oras para mag-aral at maghanda sa mga exams ang pag-aalala niya.
"Puwede naman siguro po kaya lang, baka bumagsak ako sa mga exams. Siyempre, parang ang pangit naman kung papasok lang ako pag exams na. Parang wala rin akong maisasagot. So, balang araw na lang po siguro."
How was Maja as a student?
"Ahhh, ako po? Best in dance club, he-he-he..! Okey naman po. Average student lang sa school. Natuwa nga ako doon sa mga estudyanteng piniling mga Sisters Achievers. Karapat-dapat naman po kasi grabe silang magsumikap mag-aral, kaya dapat lang po. Kasi di ba may mga kabataan ngayon, nag-aaral 'tapos nagtatrabaho? Kaya dapat lang po na parangalan sila."
Bukod sa pagiging flight attendant, wala na ba siyang ibang kursong gustong kunin?
"Gusto ko kasing maging flight stewardess, so, baka tourism...ganun po. 'Yon po. Kahit kulang ako sa height, naka-high heels naman ako, eh. He-he-he. Gagamitin ko lang ang charm ko."
Pero sa kabila ng hindi niya pagkakaroon ng oras para makapag-aral, nagpapasalamat naman si Maja sa mga proyektong dumarating sa kanya.
"Sobra, sobra po. Kumbaga, yung dapat lang hilingin ng isang dalaga, ng isang 'Sister' ay nabibigay naman po."
HOLY WEEK GETAWAY. Imbes na pumunta sa beach o sa kahit saan mang lugar para makapagpapresko sa mainit na panahon ng summer sa darating na Holy Week, ibinalita ni Maja na mangingibang bansa sila ng kanyang pamilya.
"Magbabakasyon po kami ng family ko sa States. First time ng brother ko. So, yun po, nabigyan ako ng pagkakataon na ipasyal ko yung family ko...dahil nga sa Sisters, he-he-he."
Si Maja nga kasi ang celebrity endorser ng Sisters Sanitary Napkin na nagkaroon recognition day sa Ever Gotesco-Commonweatlh nung March 27, kung saan din naganap ang interview na ito. Ang recognition day ng Sisters ay para nga sa mga katangi-tanging babaeng estudyante who excelled in their schools.
Kasama ni Maja sa selebrasyong ito, dubbed as Sisters Achievement Day, sina PJ Valerio, Edgar Allan Guzman at ang baguhang si Enz Guazon. Pormal ding ini-launch sa event na yun ang "Move Up" campaign ni Maja with Sisters Sanitary Napkins.