PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlo Guevara enjoys challenge of gay roles

Carlo enjoys being actor.
by Archie de Calma
Published Mar 29, 2009
Carlo Guevara says he has no inhibitions playing off-beat roles. In Desperadas 2, he even had a kissing scene with Ogie Alcasid, and in TV5's Lipgloss he plays a closet gay. "Challenging gumanap na gay. Sa Lipgloss nga, ini-enjoy ko na lang," says Carlo.

Carlo Guevara, at 19, is still very young, and yet, marami na ring nangyayari sa career niya mula nang maging grand winner siya sa Be Bench modeling competition two years ago. Ini-enjoy na lang niya ang acting career niya na ang buong akala niya'y mas magko-concentrate siya sa pagiging model.

"Sunud-sunod din ang naibibigay na assignments sa akin," sabi pa ng guwapitong si Carlo. "After na mapansin ang mga ginawa ko sa Desperadas 2 na nakakatawa talaga, balik ako sa TV, through Kambal sa Uma.

"Enjoy ako sa role ko bilang taga-perya. Rumaraket ako sa karera ng daga, minsan nagpapanggap na taong gagamba, taong syokoy. Kung anu-ano," at natawa si Carlo.

Mahalaga rin ang role ni Carlo rito dahil siya ang magliligtas kay Ella (Melissa Ricks) sa mapanggamit na si Leon (Jordan Herrera).

"Itatago ko si Ella at patitirahin ko sa bahay. Ganoon yung takbo ng istorya namin.

"Nag-e-enjoy ako, kasi, gusto ko yung ginagawa ko, itong pag-aartista," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil modelo siya, mukhang hindi siya nalalayo sa sexy roles sa hinaharap.

"Okey lang naman sa akin," sabi niya. "Huwag lang yung grabe, medyo tama lang. Yung bagay naman sa packaging sa akin. Pa-wholesome pa rin naman ako."

Career at family ang inuuna niya. Pero, sabi rin niya, nariyan din lang ang lovelife.

"Inspiration lang, pero dapat talaga, naka-focus sa career. Sa ngayon, trabaho lang naman ang dapat kong unahin," aniya.

WHAT HAPPENED TO HIS "RIVAL"? Ano na ang nangyari sa sinasabing rivalry nila ng Be Bench competitor niyang si John James Uy?

"Magkaibigan kami nun. Sinakyan lang namin yung mga intriga sa amin, pero alam ng mga malalapit sa amin, never kaming nag-away. We had fun when we joined Be Bench, kasama na roon ang biruan na kunwari, nagkakaasaran kami. But that was nothing," sabi niya.

Close pa rin daw sila ni Ron Morales. Pare-pareho rin silang binibigyan ng kanya-kanyang assignments as contract stars ng Star Magic at Bench. Wala naman daw samaan ng loob talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Noong una nga, akala ko, modeling lang," natatawa si Carlo. "'Tapos, may mga intrigahan nang ganyan, kaya alam kong part na 'yan ng showbiz. Iba kasi pag modelling, hindi napapalaki ng ganyan yung mga sinasabi lang.

"Kasama kasi ang Star Magic contract sa pagkakapanalo ko. Happy naman ako at nasusunod yung contract. Sinubukan ko lang ang pag-aartista hanggang ma-enjoy ko na," banggit pa ng binata.

Kakaibang experience pa rin ito para kay Carlo. Lalo na ang pakikipagtrabaho with Melissa Ricks na nababaitan daw siya. Aniya pa, "Friendly siya at maganda ang bonding namin."

KISSING OGIE. Dahil sa pakikipaghalikan niya kay Ogie Alcasid sa Desperadas 2, nagmarka rin si Carlo.

"Wala naman akong inhibitions, basta para sa akin, trabaho lang yun," sabi pa ni Carlo. "Pumayag ako roon, kasi, sex comedy ang tipo ng pelikula. Dapat na maintindihan kong kailangan yun sa istorya.

"Si Kuya Ogie pa ang kapareha ko. Sa kanya nga, walang problema. Ako pa kaya? Sino ba ako? Trabaho lang naman 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat kasi yun, dadayain na lang. Sabi ni Kuya Ogie, alangang tingnan. Mas maganda yung mag-kiss na lang kami. Totoong-totoo, mas okey. Kinilig nga yung mga tao," natatawang sabi ni Carlo.

NO PROBLEM WITH GAY ROLES. First time na magkaroon siya ng kissing scene, kay Ogie Alcasid pa. Kaya naman natatawa rin siya nang mapanood niya ang pelikula at makita mismo ang reaction ng mga tao.

"Kung gay roles, walang problema sa akin. Sa Lipgloss ng TV 5, I play the role of a gay, yung hindi pabuking.

"Maingat ang handler ko sa Star Magic sa pagpili ng roles. Sila naman ang nagde-decide diyan. Basta ako, kung okey sa Star Magic, walang problema sa akin. I trust them. Basta decision nila, ikabubuti ko.

"Challenging gumanap na gay. Sa Lipgloss nga, ini-enjoy ko na lang," natatawang sabi pa ni Carlo.

Gusto niyang sumubok ng iba't ibang klaseng roles. Nahirapan daw siya noong unang mag-gay, pero sa pagga-guide ng director nila sa nabanggit na TV series, nakakampante siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ginagawa naman nila yung dapat gawin at ginagaya ko na lang. Wala akong idea kung paano maging bading, pero ipapaliwanag naman sa 'yo 'yan," sabi na lang niya habang nangingiti.

Read Next
Read More Stories About
Lipgloss, Ogie Alcasid
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlo Guevara says he has no inhibitions playing off-beat roles. In Desperadas 2, he even had a kissing scene with Ogie Alcasid, and in TV5's Lipgloss he plays a closet gay. "Challenging gumanap na gay. Sa Lipgloss nga, ini-enjoy ko na lang," says Carlo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results