PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes nixes lead role in action series Bandida

Cristine says she wants to do drama instead.
by Rommel R. Llanes
Published Mar 29, 2009
"Kasi yung role ko doon is magnanakaw na parang si Robin Hood. Okey din sana yun, kaya lang mas gusto ko yung drama. Yun lang yung sa akin. Pero kung ipipilit naman nila, wala naman akong magagawa, di ba? Since hindi naman nila ipinilit, e, di mas okey," says Cristine Reyes.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Cristine Reyes sa taping ng comedy show na Banana Split kung saan isa siya sa mainstays nito. Ipinaliwanag niya sa PEP kung bakit niya tinanggihan ang magbida sa Bandida, ang bagong show ng ABS-CBN, na isang action series.

"Kasi yung role ko doon is magnanakaw na parang si Robin Hood. Okey din sana yun, kaya lang mas gusto ko yung drama. Yun lang yung sa akin," sabi ni Cristine.

"Pero kung ipipilit naman nila, wala naman akong magagawa, di ba? Since hindi naman nila ipinilit, e, di mas okey."

Wala raw idea si Cristine kung sino ang kinuhang kapalit niya sa Bandida.

Talagang drama ang gusto ni Cristine kaya naman nang kunin siya para mapabilang sa top-rating drama series na May Bukas Pa ay tinanggap niya agad ito.

"Pero guest role lang ako doon. Ako doon si Cheska na isang ampon, looking for my real mom. Si Claudine [Barretto] ang unang nag-guest doon 'tapos si Gabby [Concepcion]. Then ako naman yung sumunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala pa bang regular show na binibigay sa kanya ang ABS-CBN?

"Meron, yung Precious Heart. Ka-partner ko si Jake Cuenca. One week tatakbo yung istorya. Para siyang yung FLAMES dati. 'Tapos may ino-offer din sa akin si Direk Lauren Dyogi."

ROXANNE GUINOO. Tinanong naman ng PEP kay Cristine kung may katotohanan ang balitang tatanggalin na sa Banana Split ang isa sa mga regulars nito na si Roxanne Guinoo.

"Ang pagkakaalam ko nga ay tatanggalin na siya. Hindi ko lang alam kung anong reason... kung bakit," sagot ni Cristine.

Kumusta bang katrabaho si Roxanne? May mga nagsasabi kasing may "sariling mundo" raw at tila hindi nakikihalubilo sa kanila ang dating lead star ng Ligaw na Bulaklak.

"Si Roxanne, tahimik lang siya," nasambit ni Cristine. "Ayun, hindi siya gumagala, di ba? Unless puntahan mo siya sa dressing room niya. Kinukulit ko siya. Okey naman siya. Pero hindi naman siya yung tipong siya ang unang lalapit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba snob si Roxanne?

"Hindi siya snob. Mabait naman siya. Tahimik lang."

Laging sa TV na lang napapanood si Cristine. Wala pa bang offer ulit sa kanya sa pelikula?

"Meron pong offer sa akin ang Viva, horror yun. Working title po niya, Tumbok."

Dapat sana ay next month na raw magsisimula si Cristine ng shooting para sa Tumbok. Kaya lang ay hindi pa available ang director nilang si Neil Daza.

"Ang pagkakaalam ko kasi, si Direk Neil ay nasa ibang bansa pa yata or may ginagawa pa. May gagawin kasi siya sa Discovery Channel."

CRISTINE'S LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife ngayon ni Cristine? May bago na bang nagpapatibok ng puso niya?

"Wala pa," sagot niya.

Na-trauma na ba siya sa pag-ibig?

"Hindi naman na-trauma. Hello! Basta ayoko lang muna ngayong magka-lovelife."

Kumusta na si Kian Kazemi na balitang nanliligaw sa kanya?

"Ayokong magsalita tungkol sa kanya. Puwedeng tigilan na 'yan?" pakiusap ni Cristine sa PEP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit? Hindi ba niya type si Kian?

"Hindi!" nagpakatotoong sagot ni Cristine.

Pero kilala ba niya si Kian?

"Oo, kilala ko siya kasi naka-work ko siya sa Eva Fonda."

Para kay Cristine ay wala raw talagang dating sa kanya si Kian kaya hindi raw niya ito type.

Read Next
Read More Stories About
Cristine Reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kasi yung role ko doon is magnanakaw na parang si Robin Hood. Okey din sana yun, kaya lang mas gusto ko yung drama. Yun lang yung sa akin. Pero kung ipipilit naman nila, wala naman akong magagawa, di ba? Since hindi naman nila ipinilit, e, di mas okey," says Cristine Reyes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results