Watch Now

Gretchen Barretto admits having lips made pouty

by Trish Alvarez
Apr 2, 2009
"I just want them to have it done. Parang, di ba, it's like... It was like too thin for me, so I felt better. I just wanted to have like pouty lips, kissable lips. They say it's sexy, di ba, when you have pouty lips? That's why I pout a lot," says Gretchen Barretto about her lip enhancement.

Sinagot ni Gretchen Barretto ang isyu tungkol sa pagpaparetoke niya ng kanyang mga labi at ang pagkawala diumano ng kanyang bodyguards. Ang bodyguards daw kasi ni Gretchen ang sign kung sila pa rin o hindi nang kanyang live-in partner na si Tonyboy Cojuangco.

"I'm not denying it. Yes, I had my lips done. Or I have my lips done every now and then. It's fillers only," pag-amin ni Gretchen sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng album niyang Complicated last Tuesday, March 31.

Tulad din ba ito ng ginawang procedure sa lips ng Concert Queen na si Pops Fernandez?

"They're nice, right? Can I have lipstick?" biro niya.

Mukhang mahal daw ang kanyang mga labi?

"My lips? Yeah," pa-cute na sagot ni La Greta.

Bakit siya nagpa-enhance ng kanyang lips?

"I just want them to have it done. Parang, di ba, it's like... It was like too thin for me, so I felt better. I just wanted to have like pouty lips, kissable lips. They say it's sexy, di ba, when you have pouty lips? That's why I pout a lot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay ba sila ni Pops nagpa-enhance eng lips?

"No," diin ni Gretchen.

Mas nauna si Pops sa kanya?

"I'm not saying. Gosh!"

In dollars or in pesos ang kanyang pagpapa-enhance ng lips?

"Pounds!" tawa niya.

Is she happy with the result?

"Yeah, I'm very happy...with my lips, ha."

Sa nakaraang launching ng album ni Gretchen sa ASAP '09, may mga nakapansin na hindi raw siya masyadong kagandahan that time and she looked haggard. Ano ang masasabi niya rito?

"Really? I was sad, e. And sick. Actually, I was... Yeah. See, now I told you," sabi niya sa taga-Star Records na si Nixon Sy. "Sabi ko kay Nixon kasi, 'Nixon, paano yun, di ba, I was not really well? Sabi niya, 'Kaya mo yun.' Sabi ko, hindi sa ano, gusto ko, pero hindi kaya. Kasi, di ba, I'm not feeling well? Alam mo naman ako, e. I'm sick because I'm sick and tired. No, loko lang... Kasi ano, I lost my voice."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aside from her lips, meron pa ba siyang ibang ipina-enhance sa kanyang mukha?

"No, I still look the same if you look at me."

May plano ba siya na magpaayos din ng iba pang parte sa mukha niya?

"No," mabilis na sagot ni Gretchen.

Ilang oras ginawa ang kanyang lip enhancement?

"I don't know. I'm not like, look at your watch, and then... Siyempre hindi ko alam."

THE BODYGUARDS. May mga bodyguards pa rin ba siya?

"Yes, alam mo, guwapo sila, huh! Hindi ko binibilang. Nasaan na ba sila? Ayun sila," sabay turo sa kinaroroonan ng kanyang bodyguards.

Nakasuot pa rin ba sila ng barong?

"E, kapag naka-barong kapag pinapunta ko sila dito? Bakit mo ba hinahanap?" nagtataka niyang sabi.

Yun daw kasi ang sign na sila pa rin ni Tonyboy. Sa pagkakaalam kasi ng marami, si Tonyboy ang nagbigay sa kanya ng bodyguards to protect her dahil she's "very precious" sa kilalang negosyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Owww! I've got more guards than him!" tawa niya. "I'm sorry... Than he does. Mali, mali ang pagkasabi ko."

Siya ba ang nagbabayad ng bodyguards niya?

"No, I don't. Bakit mo ba tinatanong lahat 'yan? May balak ka bang bayaran ang guards ko?" tawa niya.

"Oh, yeah. It's a sign!" pahabol niya.

Kung sakali ba na dumating ang panahon na maghiwalay sila ni Tonyboy, handa na ba siya?

"Oo, dahil magkakaro'n ako ng close-in guards. Very close-in guards!" tawa ulit niya.

Saan ba siya humuhugot ng lakas?

"Kasi your life is very complicated. Pero you still manage to laugh. E, kasi kailangan positibo, di ba? Pero hindi naman ano, kailangan yung isip mo, whatever you do when you think, kailangan positibo, di ba? Kung hindi, babagsak ka talaga. I'm sad, but I'm not dying. You know what I mean?

"Siyempre, hindi naman, may mga... Let's say today, may mga things are not going right or maybe mas sensitive ako because I'm not feeling well. I don't know. You know, it's not as good as I wanted to be, but I'm happy to be alive," pahayag ni La Greta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Gretchen na meron siyang pinagdadaanan ngayon. But is it something serious?

"Hindi naman. Hindi naman siguro. Hindi naman sana serious, di ba? Kasi kung serious, I swear wala ako dito!" sabay tawa ulit ni Gretchen.

(click here for videos of Gretchen's press conference)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I just want them to have it done. Parang, di ba, it's like... It was like too thin for me, so I felt better. I just wanted to have like pouty lips, kissable lips. They say it's sexy, di ba, when you have pouty lips? That's why I pout a lot," says Gretchen Barretto about her lip enhancement.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results