Carla Abellana on supporters of different candidates: "Hindi niyo naman kailangan siraan yung isa't isa."

May 2, 2016
<p>Aminado si Carla Abellana na ang eleksyon 2016 ay kinasasaklawan ng maraming millennials, o mga taong mulat sa init ng social media. Kaya naman tanggap niya ang bashing na bahagi ng kampanya sa halalan. Pero umaasa siyang sana ay huwag nang magsiraan a

Hindi na masyadong pinapansin ni Carla Abellana ang bashers dahil sa kanyang pagsuporta kay Liberal Party standard-bearer Mar Roxas at sa ka-tandem nitong si Leni Robredo.

Pahayag ng Because of You star, “Lalo na ngayon kasi… did you know that more than 50 percent of the Filipino population is below the age of 30?

“And number two, hindi natin maipagkakaila na this is the social media age, yung generation.

“So, talagang napaka-vocal ng mga tao ngayon. Kaliwa’t kanan yung mga opinyon nila, di ba?

“So, minsan nga iniisip ko na lang na itong mga candidates na ito, kawawa, e.

“Kasi nasa panahon sila ngayon ng generation na ‘to na, you know, everybody is very opinionated.

“Na ang dali-daling mag-post ng whether opinion man ‘yan or meme or joke or kunyare viral video.

“Ang dali-daling mag-circulate ng information ngayon na hindi naman natin alam kung totoo o hindi.”

RESPECT. Ayon pa kay Carla, dapat magrespetuhan na lang ang lahat kung sino ang kanilang susuportahan at iboboto sa May 9 elections.

Continue reading below ↓

“So, hindi maiiwasan yun, kanya-kanya tayong candidate, e. Kanya-kanya tayong paniniwala sa kanila.

“Yung iba nga, hindi naman nila personally kilala itong mga candidates, pero parang pamilya nila, e.

“Kumbaga, parang tinataya nila yung buhay nila for this candidate.

“Okay lang naman yun, kung sino yung candidate mo, ipaglalaban mo.

“Ang sa akin lang, hindi niyo naman kailangan siraan yung isa’t isa.

“Sana mag-concentrate na lang kayo kung ano ang kailangang gawin kaysa yung mga problema na lalo pang hinahalungkat yung mga ugly side nila or yung mga past mistakes nila.

“Puwede bang mag-focus na lang tayo kung ano yung kailangang gawin? Yun bang strength mo.

“Hindi mo naman kailangang siraan, di ba?"

Ang latest Mar-Leni supporter na na-bash nang husto sa ngayon ay ang Kapamilya comedienne-TV host na si Melai Cantiveros.

Read: Melai Cantiveros plans to sue netizen for malicious post

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla nitong nakaraang Sabado ng gabi, April 30, sa isang hotel sa Dagupan City, Pangasinan.

Continue reading below ↓

Kasama ni Carla ang iba pang Kapuso stars para sa #KapusoBangusFestival show kaugnay ng pagdiriwang ng Bangus Festival sa naturang lungsod.

VOTE ON MAY 9. Paalala naman ng Kapuso actress sa lahat ng registered voters na bumoto sila sa darating na eleksyon.

Saad ni Carla, “Basta make sure that you vote, number one.

"Exercise your right to vote. Huwag mong bitawan yun.

“And then, number two, walang problema kung sino ang iboto mo, basta alam mong galing sa puso.

“Hindi ‘yan yung tipong dahil binayaran ka or dahil 'yan yung iboboto ng kaibigan mo.

"Dapat kilalanin kung bakit siya yung iboboto mo.”

Read Next
Read More Stories About
Carla Abellana
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Aminado si Carla Abellana na ang eleksyon 2016 ay kinasasaklawan ng maraming millennials, o mga taong mulat sa init ng social media. Kaya naman tanggap niya ang bashing na bahagi ng kampanya sa halalan. Pero umaasa siyang sana ay huwag nang magsiraan a
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results