PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Valerie Concepcion taken out of Banana Split overtalent-fee issue

Valerie reacts to "plastikan" issue among female co-hosts of Wowowee.
Published Apr 4, 2009
"Alam ko na wala akong masamang ginagawa, wala akong iniisip na masama sa kapwa ko. So whenever na ganun, na ang dami-daming nagsasabi sa akin na mayabang ako, na may mga naninira sa akin, napu-frustrate ako. Parang, ano ba ang gusto nilang gawin ko?" says Valerie Concepcion about negative impressions towards her.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie Concepcion kahapon, April 3, sa story conference ng Precious Hearts Romances na mapapanood na sa ABS-CBN simula sa Mayo. Kasama si Valerie sa pilot episode nito na "Buds Brothers."

Ipinaliwanag ni Valerie sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang dahilan at tinanggal siya sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split.

"It was just because of my talent fee na parang nakikipag-negotiate sila [ABS-CBN] sa manager ko [Becky Aguila] na babaan yung talent fee ko, pero hindi sila nagkasundo. So, ayun, nag-decide na yung manager ko na umalis na lang ako sa Banana Split,"sabi ni Valerie

Is it true na willing naman siyang ibaba ang talent fee niya manatili lang sa Banana Split, pero hindi naman daw pumayag ang kanyang manager?

"Ay, hindi, wala namang ganoon," tanggi ni Valerie. "Kasi, siyempre, my manager knows naman what is best for me, di ba? Siya yung nagha-handle ng career ko, so kung ano yung sabihin niya, e, di okey. Hindi naman ako yung parang nagagalit sa kanya dahil natanggal ako sa Banana Split. Kung ganoon yung tingin niya na huwag na lang tanggapin yung show, I believe her, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero aminado naman si Valerie na nanghihinayang siya na nawala na siya sa Banana Split.

"May panghihinayag kahit papano, kasi siyempre ilang buwan na rin naman ako sa Banana Split. Yung mga kasama ko diyan, mga close ko na rin. Tapos, it's different, kasi comedy, di ba? At least, iba sa Wowowee na, you know, hosting. Maganda nga sana kung iba-iba, e. Kasi nga, comedy, hosting tapos ngayon, may drama. Kaso kung hindi talaga meant na magkasabay-sabay na ganoon, okey lang."

Isa raw sa mga dahilan kung bakit binababaan ang talent fee ni Valerie sa Banana Split ay dahil idinagdag na rito bilang mainstays ang cast ng Parekoy na sina Jayson Gainza, Zanjoe Marudo, at John Prats. Dagdag budget kasi ang talent fee ng tatlo sa show.

Hindi ba inisip ni Valerie na sana ay hindi na lang idinagdag sa show sina John, Zanjoe, at Jayson para hindi ibinaba ang talent fee niya?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ay, hindi naman. Siyempre, alam naman ng management kung ano yung maganda for the show. So, okey lang."

PAST ISSUE WITH POKWANG. Nawala man sa Banana Split si Valerie ay may isa pa naman siyang show sa ABS-CBN, ang noontime variety show na Wowowee kung saan isa siya sa co-hosts ni Willie Revillame.

Co-host din sa nasabing noontime show ang komedyanang si Pokwang.

Kumusta na ba sila ni Pokwang? Okey na ba talaga sila after nilang magkatampuhan dati?

May nakarinig daw kasi kay Valerie nang mag-dialogue siya na dapat daw ay hinahayaan munang umiyak ni Pokwang ang contestant sa segment ng Wowowee na "Willie of Fortune" bago siya magpatawa. Ipinarating kay Pokwang ng nakarinig ang side comment na ito ni Valerie na naging dahilan para magtampo ang komedyana.

"Tapos na 'yan! " bulalas niya. "Ayoko nang magsalita tungkol diyan. Ang tagal na niyan. Nagkaayos na naman talaga kami. Na-explain ko namang mabuti na wala naman akong mini-mean na masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit kaya marami ang nakaka-misinterpret sa kanya?

"Hindi ko nga alam, e. Pero siguro...hindi ko talaga alam, e. Ako kasi, basta alam ko wala naman akong ginagawang masama. Pero siyempre, hindi natin alam ang takbo ng utak ng ibang tao, e. So, kung iba yung naging dating sa kanila, e, di masama na yung tingin nila, di ba? Siguro ganun lang. Ganun lang lagi yung nangyayari na parang... Yun nga, nami-misinterpret talaga ako."

EXPENSIVE BAG. Nami-misinterpet din ba yung pagmamayabang daw niya sa mga bag na sinasabi niyang binili niya raw ito nang mahal?

"Wala akong matandaan na ganung incident," paglilinaw niya. "Actually, yun nga ang ipinagtataka ko kasi parang kailan? Kailan ako nagmayabang na parang, 'Ay, ganito yung bag ko. Ay, ganito ito, mahal ito, ganyan-ganyan.' Wala akong matandaang incident. Kasi ako naman, kung tatanungin lang ako, 'Uy, bago yung bag mo? ' 'Ay, oo, bigay lang ito.' Ganoon pa nga ako, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano ko sasabihing mahal ito, e, usually binibigay ng tito ko. Alam mo yun? Aminado ako pag bigay sa akin. Paano akong magiging mayabang?

Nagagalit ba siya o naiimbiyerna kapag sinasabihan siyang mayabang?

"Hindi ako nagagalit, pero nasasaktan ako. Kasi parang feeling ko, I'm nothing but nice. Alam ninyo yun? I mean, alam ko na wala akong masamang ginagawa, wala akong iniisip na masama sa kapwa ko. So whenever na ganun, na ang dami-daming nagsasabi sa akin na mayabang ako, na may mga naninira sa akin, napu-frustrate ako. Parang, ano ba ang gusto nilang gawin ko?"

How true na ang mga kasamahan daw niya sa Wowowee ang mismong naninira sa kanya? Totoo bang aware si Valerie dito kaya pinaplastik niya na lang ang mga ito?

"Basta ako, genuine ako kung ano man ako sa kanila. Kung ano man ang ipinapakita ko sa kanila, totoo ako. Ako, I'm hoping na totoo din naman sila sa akin. Kasi napi-feel ko naman sa kanila na enjoy naman silang kasama ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, hindi ko alam kung naninira lang ba talaga yung mga nagsasabi na sa kanila nanggagaling o ano. Pero ayokong... Kumbaga, araw-araw kaming nagsasama. I'd rather believe na yung ipinapakita nila sa akin ay totoo. Kesa makinig dun sa mga taong hindi ko alam kung naninira lang o nagsasabi ng totoo," pahayag ni Valerie.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko na wala akong masamang ginagawa, wala akong iniisip na masama sa kapwa ko. So whenever na ganun, na ang dami-daming nagsasabi sa akin na mayabang ako, na may mga naninira sa akin, napu-frustrate ako. Parang, ano ba ang gusto nilang gawin ko?" says Valerie Concepcion about negative impressions towards her.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results