PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Banana Split mainstay Princess Ryan has special crush on Sam Milby

The young actress is open to torrid kissing scenes if Sam will be her kissing partner.
by Alex Datu
Published Apr 6, 2009
Princess Ryan may be vocal about her crush on Sam Milby, but the lady is already taken. Her relationship of two years and four months with budding actor Alwyn Uytingco is going stronger.

Napatili si Princess Ryan sa pag-amin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Sam Milby talaga ang kanyang ultimate idol, at pangarap niya itong makasama sa isang project.

Kung bibigyan nga raw siya ng launching project ay hihilingin nitong makapareha ang Fil-Am singer-actor.

Magandang mestiza si Princess, flawless ang pormang gitara nitong pangangatawan, or in short, malakas ang kanyang sex appeal kaya bagay sa kanya ang imaheng sexy. Tinanong agad ng PEP kung papayag ba siyang magpaseksi at papayag sa eksenang may torrid kissing.

Aniya, "I can wear sexy attire sa aking pagsasayaw at nagtu-two-piece naman pero yung tanga, hindi puwede 'yon. Sobra na yun para sa akin. Laki kasi akong probinsya at lumaki sa lola kaya may limitasyon din ako pagdating sa ganyan. Nakakatawa pero noong very young pa ako, wala talaga akong hilig sumayaw, ngayon lang po.

"Pagdating sa pakikipaghalikan, like torrid kissing ba 'yon? Naku, hindi po puwede. Bawal po sa akin 'yon, tiyak magagalit sa akin ang parents ko. Hindi talaga puwede."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala bang puwedeng makapagbago ng desisyon mo para pumayag kang makipaghalikan sa eksena? Paano kung si Sam ang magiging kissing partner mo?

"Ayyyyy, talaga?!" ang balik-tanong niyang nakangiti. "Si Sam, ehhhhhhh! Puwede siguro, sige puwede akong makipaghalikan pero sa kanya lang, ha. Hindi ko lang kasi siya ultimate idol, crush ko pa rin siya."

Si Princess ang kontrabida ni Cristine Reyes sa Eva Fonda at isa rin siyang mainstay ng Banana Split, na inaabangan ng mga male viewers tuwing Sabado.

Kumusta naman ang set ng nasabing comedy show? Aware ba siya sa rumor na may kasamahan daw siya na nai-insecure daw sa kanya?

"Naku, wala po," ang mabilis niyang sagot. "Walang ganun sa amin, lahat kami kampi-kampi at nagtutulungan. Wala talaga dahil kung magkakaroon man ay tiyak masisira ang aming samahan."

Sobra siyang abala sa pagpapa-picture noong gabing nakapanayam siya ng PEP. Si Princess ang pinaka-star nung gabing yun ng National Press Club o NPC Celebrity Night, at talagang humanga ang kalalakihang dumalo sa nasabing event dahil nagpakita ito ng gilas sa pagsayaw ng belly dancing. At dahil din sa kanyang paggiling-giling at pagkembot-kembot ay nabigyan siya bagong titulo, ang "Giling-Giling Queen."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa kaseksihan mong 'yan at kagandahang pang-beauty queen, nagkaroon na ba siya ng indecent proposal from a DOM (dirty old man)?

"Naku, nakakahiya naman pero oo, mayroon po. May nag-offer po ng kotse, condo unit at pera, pero ayaw ko. Hindi ko kayang tanggapin ang ganun. Siguro, kaya ko naman kitain yun. Ayaw po ng mga parents ng ganun, papagalitan nila ako. Saka talagang ayaw ko at totoo niyan ay isinusumbong ko 'yan sa kanila. Alam nila po ang lahat ng mga pumuporma sa akin," pagtatapos ni Princess.

Read Next
Read More Stories About
Banana Split, Sam Milby
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Ryan may be vocal about her crush on Sam Milby, but the lady is already taken. Her relationship of two years and four months with budding actor Alwyn Uytingco is going stronger.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results