Guwapo at may maayos na pangangatawan si Bodie Cruz kaya naitanong namin siya kung willing siyang sumabak sa pagpapa-seksi bilang isang artista.
"Sa ngayon focus muna ako sa acting, saka na muna 'yang mga ganyan," umpisang pahayag niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). Okay lang ba sa kanya ang maghubad sa harap ng kamera?
"Siguro kailangan munang paghandaan," muli niyang sinabi. Pero kinuwento ng dating Pinoy Big Brother housemate na nagwowork-out naman siya.
"Oo sa ngayon, one year na akong nagwo-work-out."
Kapag may offer for him to go sexy, how far is he willing to go?
"We'll see na lang siguro, depende dun sa material."
Papayagan naman kaya siya ng parents niya, partikular na ang ama niyang si Tirso Cruz III? "Siguro naman kung maganda yung material."
So, hindi niya totally isinasara ang isipan niya sa option na yun lalo pa at uso ito lalo na sa mga indie films. "Hindi naman po ako nagsasara ng doors pero sa ngayon po kung may iba, dun muna ako."
Bilang isang lalaking single, natural lamang na may celebrity crushes si Bodie at sinabi naman ng binata kung sino ang mga ito. "Si Marian Rivera, si Iza Calzado, she's very pretty and si Rhian Ramos, she's also very pretty."
Ano naman ang nagustuhan niya sa mga babaeng ito? "Si Marian maganda talaga yung mukha niya pero hindi ko pa siya nami-meet in person. Si Iza she's very pretty and she's very smart, I got to meet her na. Si Rhian she's also very nice, we actually go to the same church."
May balak ba siyang ligawan si Rhian na kasama niya sa Zorro ng GMA-7?
"Wala pa siguro sa ngayon, hindi natin alam, hindi pa natin masasabi sa ngayon," tila nahihiya pang sagot ni Bodie.
