PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SexBomb girls Aifha Medina and Rochelle Pangilinan air their side on Boracay incident

Non-showbiz friend of Aifha and Rochelle clear the names of the two SexBomb girls.
Published Apr 30, 2009
Aifha Medina (fourth from left) and Rochelle Pangilinan (second from left) told their side of the story to PEP, through their manager Joy Cancio, about an incident that happened earlier today in Boracay. The two are still in Bora with their non-showbiz friends.

Isang email mula kay Joy Cancio ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, April 9. Si Joy ang manager ng SexBomb Dancers at minabuti niya na ikuwento ang panig ng kanyang mga alagang sina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina tungkol sa gulo na nangyari kaninang hapon sa Crystal Sand Resort sa Boracay Island. (Click here to read related article.)

Ito ang panig nina Aifha at Rochelle sa pamamagitan ni Joy:

"April 8, 2009, Wednesday, nang dumating sina SexBomb Aifha at Sexbomb Rochelle sa Boracay. Nandoon na naghihintay ang ilang non-showbiz friends ng dalawa.

"Kinabukasan, April 9, bandang alas-dos ng hapon, an incident happened na muntik nang ikasira ng bakasyon ng dalawa.

"While on the shore, nagpapatugtog ng music sina Aifha at Rochelle using an iPod speaker. A moment later, may isang lalakeng sarcastic na nagsabing patayin daw nila ang music nila or else umalis sila.

"Sabi ni Aifha, 'Hindi ba pwedeng hinaan lang?' to which the guy answered 'No.' Umalis daw sila kung ayaw nilang patayin yung music. Sinabi pa ng guy na he is the owner of the resort Crystal Sand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dahil ayaw masira ang kanilang kakasimula pa lang na bakasyon, the two (Rochelle and Aifha) decided na patayin na lang ang music. Tinanong nina Aifha sa isang girl na nagtatrabaho sa Crystal Sand kung totoong may-ari yung lalake at sinabi ng babae na hindi raw.

"So Aifha said hindi naman pala siya ang may-ari, e. Tuloy ang pagsasalita ng lalake at nagmumura pa siya saying things like, 'F**k that music!' Napikon ang kaibigan nina Rochelle at Aifha na si Mitch (Michelle Villanueva) at sinabi niyang, 'Bakla ka ba?'

"Akala ng guy, si Aifha ang nagsalita at sumugod na siya't nagsisigaw ng 'What did you say? What did you say?' Hawak ang isang mineral water bottle, pahampas na ang lalake kay Aifha nang biglang nagsalita si Mitch na siya nga ang narinig ng lalakeng nagtanong kung bakla siya at hindi si Aifha.

"Si Mitch ngayon ang sinugod ng lalake, pero naunahan siya ni Mitch at hinampas naman ng hawak nitong baso. Nagkagulo hanggang sa naawat naman. The sad thing about what happened is that komo sina SexBomb Rochelle at Aifha ang celebrity na naroroon, sila ang napansin. Maraming tao ang hindi na pinansin ang away nina Mitch at ng lalake at kung anu-ano nang espekulasyon ang lumabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"A simple misunderstanding na kung hindi daw sana nagmura ang lalake ay hindi humantong sa pagkapikon ni Mitch. Dahil nga nagkagulo, dinala sila sa presinto. Sinabi ni Mitch na huwag nang sumama sina Aifha at Rochelle, pero sumama ang dalawa dahil hindi naman nila kaya na pabayaan ang kaibigan pagkatapos nitong depensahan si Aifha. But Mitch cleared out na labas sina Aifha at Rochelle sa nangyari dahil away nila ito ng lalake. And Mitch is very much willing to clear the names of the two SexBomb Girls.

"Rochelle and Aifha want to clarify their names also dahil hindi sila basagulera na gaya ng iniisip ng iba. At hindi nila ugaling makipag-away. Ang pinunta nila sa Boracay ay bakasyon at pahinga mula sa busy schedule nila kaya sana daw 'wag natin silang pag-isipan ng kung ano. Dahil kaibigan naman nina Rochelle at Aifha si Mitch, natural lang na hindi nila ito maiwan na lang basta basta."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito naman ang pahayag ni Aifha nang tawagan siya ng staff ni Joy to know what happened:

"Kilala mo ako, 'Ma, hangga't kaya ko, nagtitimpi ako. Pero sobra naman ang ginawa ng lalake. Sinabi pa niya na sorry daw kami dahil hindi namin kilala ang binangga namin. E, hindi naman namin sila binabangga, e. Dahil lang sa music? Hindi naman niya kailangang magmura at sabihing may-ari siya ng resort dun. Pero kahit ganoon, hindi ako ang nanakit sa kanya, nahampas siya ng kaibigan ko, oo, pero para naman yun depensahan ako dahil talagang hahampasin niya ako ng bote ng mineral water. Nagkataon lang na naunahan siya ni Mitch."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aifha Medina (fourth from left) and Rochelle Pangilinan (second from left) told their side of the story to PEP, through their manager Joy Cancio, about an incident that happened earlier today in Boracay. The two are still in Bora with their non-showbiz friends.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results