PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angel Locsin plays "real human" in her second drama series in ABS-CBN

Star Cinema and ABS-CBN line up star-studded movies and TV shows this year.
by Trish Alvarez
Published Apr 12, 2009
Angel Locsin with leading man Sam Milby while shooting some scenes for their new drama series Only You in Korea.

Nakatakdang dumating si Angel Locsin bukas, April 13, mula Korea. Mahigit dalawang linggo rin doon namalagi si Angel para sa taping ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Pinoy version ng Koreanovela na Only You, na magsisimula na sa April 27. Kasama ni Angel sa Korea ang dalawang leading men niya na sina Sam Milby at Diether Ocampo.

Unang bumalik ng Manila si Sam para umalis naman patungong U.S. para sa Heartthrobs concert with Piolo Pascual, Bea Alonzo, Pokwang, and John Lloyd Cruz.

Ibang-iba naman ang role ni Sam sa Only You. Malayo sa dalawang naunang teleserye niya sa ABS-CBN, ang Maging Sino Ka Man at Dyosa. Ibabalik ni Sam ang mala-boy-next-door na unang nakita sa kanya sa Pinoy Big Brother at leading-man appeal sa mga box-office hit movies nila ni Toni Gonzaga.

Lalabas naman si Angel sa bagong teleserye na taong-tao ang dating at malayo sa role na ginampanan niya sa fantaserye at unang drama series niya sa ABS-CBN, ang Lobo. Isang chef ang role ni Angel sa Only You at ipatitikim niya sa mga manonood ang masarap na timpla ng bago niyang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Only You naman ang unang soap opera ni Diether na makakasama niya sina Angel at Sam. Nag-bonding daw nang husto ang tatlo sa Korea kung saan inabot pa nila ang malimig na klima roon.

Only You is produced by Star Cinema Productions para sa ABS-CBN.

Bukod sa Only You, tinatapos na rin ng Star Cinema ang remake ng isa pang Koreanovela. Ito ang Lovers in Paris na unang pagsasamahan nina Piolo Pascual at KC Concepcion.

Next month, uumpisahan na rin ng Star Cinema ang pagbabalik ng Grandslam Queen na si Lorna Tolentino sa paggawa ng teleserye sa bakuran ng ABS-CBN.

At the same time, magsu-shoot na rin si Lorna ng movie sa Star Cinema, kung saan makakasama niya sina Gabby Concepcion at John Estrada. Kasama rin nila ang child sensation ngayon na si Zaijan Jaramilla, na mas kilala bilang si Santino sa top-rating drama series na May Bukas Pa. Mala-Tanging Yaman ang konsepto ng pelikulang gagawin ni LT sa Star Cinema na pinamagatang Sa 'Yo Lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

T2. Kasalukuyan namang palabas sa mga sinhena ang T2 (Tenement #2) ng Star Cinema na pinagbibidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa direksiyon ni Chito Roño.

Naging masusi raw talaga si Direk Chito sa technical aspects ng T2. Isa ito sa mga dahilan kung bakit sa dami ng mga director ng Star Cinema, siya lang ang hindi agad binibigyan ng playdate. Ayaw raw kasing ma-pressure ni Direk Chito habang nagsu-shooting dahil may hinahabol na playdate.

Si Direk Chito rin daw mismo ang namili sa buong cast ng movie, maging sa special appearance ng Box-Office King na si John Lloyd Cruz at Malaysian actress na si Carmen Soo. Gusto raw talaga ni Direk Chito sina John Lloyd and Carmen.

Nang malaman ni John Lloyd na kinukuha siya for a special appearance sa T2, agad daw siyang pumayag mereseng wala nang free time dahil sabay noon ang shooting niya ng You Changed My Life at taping ng I Love Betty La Fea. Gustung-gusto kasi ni John Lloyd na maidirek siya ni Chito kahit four days lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

After ng showing nito sa Pilipinas, iikot naman ang T2 para sa worldwide screening nito simula sa April 17 sa Guam, San Francisco, Las Vegas, Seattle, Los Angeles, at San Diego. Sa April 30 naman ay sa Dubai at Sharjah; May 7 sa Abu Dhabi; May 8 sa Canada; at May 14 sa Qatar at Bahrain.


UPCOMING MOVIES. Ipinakita rin ng Star Cinema sa isinagawang press briefing, headed by Star Adprom Director na si Roxy Liquigan, ang ilan sa rushes ng mga pelikulang sinu-shoot nila ngayon.

Una na ang comeback directorial movie ni Lauren Dyogi, ang And I Love You So, starring Bea Alonzo, Derek Ramsay, and Sam Milby.

Kasunod nito ang mga eksenang nakunan na ng Star For All Seasons na si Batangas Governor Vilma Santos sa kanyang first shooting day para sa In My Life, na may working title dati na A Mother's Story.

Nakatakdang umalis si Governor Vi on April 19 sa New York para sa shoot ng In My Life. Nauna nang umalis ng bansa si John Lloyd noong April 7 para sa Heartthrobs concert at mula roon ay didiretso na si John Lloyd sa New York at magsu-shoot sila for three weeks. Babalik siya ng Pilipinas on May 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang si Luis Manzano naman ay nag-request sa Star Cinema na iurong ng ilang araw ang pag-alis niya ng bansa para naman makapiling kahit sandali ang girlfriend niyang si Angel Locsin sa birthday nito on April 24. Gusto ni Luis na nandito siya sa asalto ni Angel on April 23 at siya ang unang babati sa aktres pagpatak ng 12 midnight kinabukasan.

Tuluy-tuloy naman ang shooting ni Megastar Sharon Cuneta para sa first movie nila together ng Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na pinamagatang Best Friends Forever (BFF) sa direksiyon ni Wenn Deramas. Nakatakdang ipalabas ang BFF sa May 13 bilang Mother's day presentation ng Star Cinema.

Pasok pa rin daw si Gabby Concepcion sa isang cameo role for BFF. Pero hindi sila magkikita ni Sharon sa eksena. Lalabas lang daw si Gabby in a dream sequence.

Nakapanghihinayang naman daw kung mapapanood agad sina Sharon at Gabby in one movie na sandali lang. Much better daw kung sa isang full-length movie ulit sila mapanood ng kanilang mga fans and possibly with their daughter na si KC Concepcion. Join din sa cast ng BFF sina John Estrada, Rubi-Rubi, at Chokoleit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-request naman ang mga Pinoy sa U.S na maunang mag-premiere night doon ang movie nina Sharon at Ai-Ai bago dito sa Pilipinas. This is the second time na mas mauunang ipalabas abroad ang movie ng Star Cinema. Ang una ay ang first movie nina Piolo at Angel na Love Me Again.

Nakatakda namang humarap si ex-president Joseph Estrada sa managing director ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos para sa movie na gusto niyang gawin with Ai-Ai. After Holy Week makikipag-meeting si Erap kay Ms. Malou at ipre-present daw niya ang kanyang nabuong script para sa pelikula.

Magsisimula na rin next month ang shooting ng first movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin sa direksiyon ni Cathy Garcia Molina.

Pagbalik ni Sarah Geronimo, sisimulan ang movie na pagtatambalan nila ni Rayver Cruz with Toni Gonzaga and Vhong Navarro. Hindi man natuloy ang unang project na pagsasamahan dapat nina Sarah at Gerald Anderson this year, matutuloy pa rin daw ito next year. Pero mauuna muna ang third installment ng A Very Special Love nila ni John Lloyd Cruz sa 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

And last but not the least, tinatapos na rin nina Jake Cuenca, Geoff Eigenmann, at Maja Salvador ang horror-suspense movie na Estrella sa direksyon ni Rico Ilarde. Kinumpirma naman ni Roxy na anytime, willing and able si Geoff na mag-promote ng Estrella kahit nasa GMA-7 na ang aktor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin with leading man Sam Milby while shooting some scenes for their new drama series Only You in Korea.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results