PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Edu Manzano confirms multi-million set of reformatted Pilipinas, Game KNB?

Edu comments on the comeback of "Who Wants To Be A Millionaire?"
by Trish Alvarez
Published Apr 13, 2009
"You know, sabi nila, suwerte pa nga ako at the age of 53, nabibigyan pa ako ng show na ganito. Nakakatuwa kasi at a certain degree, you have a place in the sun. You have a value. Yun ang pinakaimportante. You have to feel wanted, di ba? And you are able to feel na meron tayong nako-contribute," says Edu Manzano about hosting a game show.

Nagbigay ng reaksiyon ang host ng Pilipinas, Game KNB? na si Edu Manzano sa pagbabalik ng international game show na Who Wants To Be A Millionaire (WWTBAM), na mapapanood na this time sa TV5. Iniintriga kasi na ang pagbabalik ng WWTBAM ang magiging mahigpit na kakumpitensiya ng game show ni Edu sa ABS-CBN.

"It's good," sabi ni Edu sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I guess kaya nila ibinalik 'yan dahil nagkaroon ng awakening sa Slumdog Millionaire [Oscar Best Picture]. You know, anytime may programa kung saan may masasagap ka na impormasyon, I mean, kaagad-agad panalo sa magulang 'yan, e. I like the fact na may mga game shows na pumapasok kung saan very informative, not just entertaining.

"So, it was a big hit nung unang lumabas 'yon [WWTBAM] at alam ko kung bakit natigil 'yan, e—dahil nasunog yung buong set. Remember nasunog yun, e. Pati yung set ng The Weakest Link, nasunog, e. So, hopefully, if it is produced right and nakita naman natin malaking trabaho yung Who Wants To Be A Millionaire, bagamat hindi ganun kadali."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Edu ang host noon ng The Weakest Link, na isang ring international franchise; samantalang si Christopher de Leon naman ang naging host ng Philippine version ng WWTBAM. Parehong iprinodyus ng Viva Television at ipinalabas sa IBC-13 ang dalawang game shows na ito.

THE WEAKEST LINK. Paano kung ibalik din ang The Weakest Link? Magtatampo ba siya kapag may kinuhang ibang host?

"No," sagot ni Edu. "Unang-una, hindi naman atin yun, e. Hindi sa atin ang original. It's a franchise. But at the same time, it is also ibang klaseng show. Kasi sa halip na... Kumbaga, e, kini-cradle mo yung contestant dito, pinapahirapan mo pa, e. Pini-pressure mo. So, for me, one of the most exciting game shows para sa akin was The Weakest Link. Para akin, kasi yung laro ng ilaw, kinu-confuse mo yung tao."

What if alukin siya na i-host ulit ang The Weakest Link?

"I don't think kakayanin ko pa. Gusto ko sana magkaroon pa ng isang Jeopardy [quiz show] dito. Yun, maganda rin. Kasi yun talaga, best of the best, e. Makikita mo talaga," sabi ni Edu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bakit Jeopardy ang gusto niyang i-host?

"Kasi kapag tumagal ka na sa mga game shows at nadadagdagan ka ng impormasyon, gusto mo i-challenge ang sarili mo. So, kapag nanood ako ng Jeopardy, talagang ayoko ng may nanggugulo sa akin. Talagang nag-e-enjoy ako, e."

VIC SOTTO AS HOST OF WWTBAM. Ano naman ang masasabi niya na si Vic Sotto raw ang maghu-host ng pagbabalik ng WWTBAM?

"I think he's one of the best hosts in the Philippines talaga, di ba?" sagot ni Edu. "Magaling si Vic and, well, I hope na magustuhan niya talaga yung Who Wants To Be A Millionaire because I'm sure maraming manonood niyan. Although, I'm sure maninibago 'yan in the beginning.

"Ako naman, kahit nga dito [Game KNB?], medyo nangangapa pa ako. Hanggang makuha mo yung smooth flow nung show."

May drama kasi ang pagho-host ng WWTBAM, di ba?

"That's why kailangan very well-produced yung show 'tsaka hosting. 'Tsaka ngayon, iba ang demand. Pati musical cue, kailangan alam din ng host yung pang-segue to a different segment. Marami kang dapat isipin. It's very demanding kasi," pahayag ni Edu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PILIPINAS, GAME KNB?. Kasabay ng balitang magbabalik ang WWTBAM ang pagre-reformat naman ng mismong programa niya na Pilipinas, Game KNB?. Bakit ni-reformat ang game show niya?

"Every year 'yan. Eto yung pangalawang change na. So, every April, after one year, binabago ang set. Ayaw kasi nila na magkaroon ng sawa factor, para maintained ang audience. And for the past two years, we've been very successful. We're very grateful."

Pumirma na rin ba siya ng bagong kontrata with ABS-CBN para sa bagong season ng PGKNB?

"Kami naman kasi ng ABS-CBN, hindi mo naman kailangang pumirma dito. Nung bumalik sila [ABS-CBN], I was the first one na bumalik dito. Kasa-kasama ko si Mr. Freddie Garcia. And mula nung 1986 until today, ABS-CBN has been very good to me."

How true na inabot ng ilang milyon ang bagong set ng PGKNB?

"Oo, 'no," pagkumpirma ni Edu. "Hindi ko lang alam kung ilan. Pero sa nakikita ko, if you understand the production design at yung mechanical requirement na ganito, puro hydraulics na ngayon. And then, pati mga ilaw, dinagdagan. And the music. All of this has been done for the audience, para sa mga manonod. Eto yung sinasabi na ibinabalik sa kanila yung loyalty na kanilang ipinakita today."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang milyon daw ang premyo ngayon sa kanyang game show.

"Kung puwede nga akong magbigay ng P5 million sana, kung sa akin lang pera, e."

Bumongga ang set, bumongga ang premyo. So, bumongga rin ba lalo ang kanyang talent fee sa bagong kontrata niya sa PGKNB?

"Hindi, never akong humingi ng raise pagdating diyan. Ibinibigay nila," sabi ni Edu.

Ibinigay na ba?

"Hindi pa," nakangiti niyang sabi. "You know, sabi nila, suwerte pa nga ako at the age of 53, nabibigyan pa ako ng show na ganito. Nakakatuwa kasi at a certain degree, you have a place in the sun. You have a value. Yun ang pinakaimportante. You have to feel wanted, di ba? And you are able to feel na meron tayong nako-contribute.

"Kasi, the moment you stop contributing or participating in life, then it becomes meaningless, e. Dito kasi sa show, maraming naapektuhan. You affect [people] mentally, even emotionally. So, kapag umiikot ka, people tell you, 'Kung alam mo lang, minsan napapag-uusapan ka.' Kung minsan, nakakausap mo yung tao tungkol sa nanay nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

2010 ELECTIONS. Sa ibang aspeto naman ng karera ni Edu, tinanong ng PEP kung ano na ang plano niya sa nalalapit na 2010 elections.

"We have an advocacy we will be launching very soon. It's a nationwide advocacy of people in and out of the entertainment industry. Para sa mga business sector, sa mga estudyante. Ito yung klase ng advocacy na I think it's long overdue. Malapit nang mag-launch. Nandun na kami sa finishing touches," saad niya.

Paghahanda na ba ito sa pagtakbo niya bilang senador sa 2010?

"I will invite you sa launching and you will see what path we have chosen to take. We will explain what it's all about," ani Edu.

MARICEL SORIANO. On a personal note, kamakailan ay nagsalita ang ex-wife ni Edu na si Maricel Soriano sa The Buzz na hindi na siya mag-aasawang muli. Ano ang comment ni Edu rito?

"Ah, talaga? Mahirap sabihin yun. You know, sometimes, especially these days, you just have to find the right partner. Many people, hindi na nga naniniwala sa ano [kasal], di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi rin ni Maricel na "expired" na ang kanilang kasal. Totoo ba ito?

"Expired? Pero expired nga. Expired lang, ha. Walang salmonella! Iba yung expired," biro ni Edu.

Patuloy niya, "I think for those who embrace some concept on the institution of marriage, they always like to have a wedding, di ba?"

Totoo rin ba na inaayos na ang annulment ng church wedding nila ni Maricel?

"Oo, inaayos na yun. Hindi pa tapos," pagkumpirma ni Edu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know, sabi nila, suwerte pa nga ako at the age of 53, nabibigyan pa ako ng show na ganito. Nakakatuwa kasi at a certain degree, you have a place in the sun. You have a value. Yun ang pinakaimportante. You have to feel wanted, di ba? And you are able to feel na meron tayong nako-contribute," says Edu Manzano about hosting a game show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results