Aubrey Miles finally admits having son with former boyfriend JP Obligacion

Boy Abunda about the revelation of former sexy star Aubrey Miles (in photo) that she has a son with former boyfriend JP Obligacion: "Sabi niya, 'Pasensiya na kayo... Sorry, kasi pinapaniwala ako at naniniwala ako. Wala akong sinisisi na sexy star ako.' Hindi man niya sinabing pinagnanasaan, 'but I was supposed to represent sexy star, sex goddess, tapos may anak.' So, ina-advise nga naman siya ng mga producer at ng lahat na 'masisira ka at naniniwala ako.' Sabi niya, 'Wala akong


Pag-uwi mula sa Boracay ng TV host na si Boy Abunda ay dumiretso siya sa Astoria Hotel, kung saan nagbigay ng exclusive interview ang dating sexy star na si Aubrey Miles.

Ayon kay Boy, si Aubrey raw mismo ang nag-text sa kanya upang makausap at ilantad ang pag-amin. Ito ay ang tungkol sa matagal nang usap-usapan na may anak na siya sa ex-boyfriend niyang si JP Obligacion.

Kuwento ni Boy sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Nag-text lang siya sa akin, na ano lang, 'May gusto akong sabihin. May istorya ako ba-ba-blah-blah. It's about time na I talk.' Nung iniinterbyu, sinabi ko sa kanya, 'Gaano mo katagal itong pinag-isipan?' Sabi niya, 'Matagal na.'

"Sabi niya, 'Darating at darating ang oras. Pero gusto ko lang manggaling sa akin.' Kasi sinabi ko sa kanya, 'Are you guilty? How do you feel? Baka sabihin ng mga fans mo na...' The words came actually from her, e. 'Yung mga guilty, nagsinungaling...eight years old na yung bata.' Pero ganda ng interbyu. Hindi pala talaga niya itinago. They go to the malls together. He calls her 'Ma.'

"Doon ako na-touch sa kanya nung ikinuwento niya na pagkagaling niya sa Amerika, 2001, two years siya doon... Interesante yung mga pinagdaanan niya. Umuwi siya rito [sa Pilipinas], may anak siyang dala. Hindi niya alam kung ano ang kakainin.

"Ayaw niyang matulog dahil ayaw niyang magising. Minsan, hindi siya natutulog ng tatlong araw. Gusto niya pagkagising niya, bago na ang buhay."

Kung matatandaan, naging malaking isyu at hindi mamatay-matay ang balita tungkol sa pagkakaroon ni Aubrey ng anak, hindi pa man dumarating sa buhay niya ang partner niya ngayon na si Troy Montero, kung saan meron na rin siyang anak.

But this time, umamin na si Aubrey tungkol sa isang mahalagang bagay sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging bahagi si Aubrey noon ng isang youth-oriented show sa GMA-7 pagkatapos mawala sa ere ang That's Entertainment—ang Best Friends. Habang nasa programang ito ng Kapuso network si Aubrey nagkaroon siya ng relasyon sa dating GMA-7 talent na si JP Obligacion, na apo ng dating komedyante na si Oscar Obligacion.

Hindi nagtagal ay nawala rin ang nabanggit na programa. Kalaunan ay inilunsad naman si Aubrey bilang bagong major sexy star ng Regal Films sa pangangalaga ng manager niya na si Dondon Monteverde. Dito umusok ang tsismis na may anak na ang dating sexy star.

"The boy is ready," sabi ni Boy. "Parang sinasabi niya—although hindi nanonood yung bata, hindi nagtatanong—'It's about time that I say it now. Para sa akin, gusto ko nang malaman niya.' Although, wala naman silang problema kasi hindi naman talaga niya itinago.

"She [Aubrey] attends school program. She attends, you know, lahat. 'Tsaka maganda ang relasyon nila ni JP, kasi may baby na yung asawa ni JP. Okay na sila. Yung tama yung timing, because she's happy with Troy. JP is happy with the wife. They have become good friends. JP supports the kid. So, wala nang ano, and tama yung edad, walong taon, e.

"Lagi namang kasama ni Aubrey ang kanyang anak. Pero maganda nung tanong ko sa kanya, 'Paano mo sinabi kay Troy?' Sinabi raw niya. Na-appreciate daw ni Troy na sinabi niya ang totoo. From the very start, sinabi niya. At saka nagpasalamat siya sa lahat ng mga kaibigan niya sa showbiz. 'Na iginalang yung anak ko at ako,' sabi ni Aubrey. Kasi ang dami namang may alam."

Nagpaliwanag din daw si Aubrey kay Boy kung bakit kinailangan niyang itago sa publiko na meron na siyang anak.

"Sabi niya, 'Pasensiya na kayo... Sorry, kasi pinapaniwala ako at naniniwala ako. Wala akong sinisisi na sexy star ako.' Hindi man niya sinabing pinagnanasaan, 'but I was supposed to represent sexy star, sex goddess, tapos may anak.' So, ina-advise nga naman siya ng mga producer at ng lahat na 'masisira ka at naniniwala ako.' Sabi niya, 'Wala akong sinisisi. Naniwala ako.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paano kami nagtapos ng pag-uusap? Hindi siya makahinga. Sabi ko, 'Anong dasal mo?' Doon ako nagtapos. 'Anong dasal mo sa Diyos?' Of course, sinabi ko, 'Kausapin mo nga ang anak mo.' Kasi si Aubrey kapag umiiyak, hindi yung iyak na tuluy-tuloy. Siya, yung iyak niya pigil. 'Sorry,' sabi niya sa kamera, 'hindi ako makahinga.'

"Ganun, liberating. Yung parang, 'How do you feel now?' 'I feel very good. Yung parang siguro nabunutan ng...' Tsaka alam mo ang gusto ko kay Aubrey, yung tiwala talaga na ibinibigay niya sa akin, sa The Buzz. Yung buo. She came to the interview alone.

"Umiral kay Aubrey ang pagiging isang ina. At saka walong taon na, e. Pero sinabi niya yung message niya, 'Kahit kailan hindi ko itinatwa sa 'yo. You call me Mom, I call you anak. Anywhere, everywhere, hindi kita itinago. Idinenay kita publicly dahil sabi nila tama at naniwala ako. At wala akong sinisisi.' Pero totoo naman talaga na kung sexy star ka naman, paano ka namang aamin?" lahad ni Boy.

Mapapanood sa SNN ngayong gabi, April 13, ang naturang interview ni Boy kay Aubrey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN