PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bangs Garcia plays her first contravida role in Kambal sa Uma

Bangs idolizes Cherie Gil in portraying villain roles.
by Kate Borbon
Published Apr 17, 2009
"Alam ko naman mas open-minded na yung mga fans nowadays. Tanggap na nila na role lang yung ginagampanan ko. Pero kung may maiinis pa rin sa iyo, it means you're a good actress. It means effective yung pagiging kontrabida ko, di ba?" says Bangs Garcia about accepting a kontrabida role.

Aminado si Bangs Garcia na kinabahan siya noong i-offer sa kanya ang kontrabida role sa bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang Kambal sa Uma, na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks. Palabas na ang Kambal sa Uma sa Lunes, April 20, sa Hapontastic block ng ABS-CBN.

"Nakaka-tense... nakakatakot noong una kasi mahirap maging kontrabida. You have to be effective para umangat ka pa rin sa story. Ikaw yung mas nagpapa-spice up sa story ng teleserye. So, kailangan galingan ko pa. Ang ginagawa ko ngayon, I'm watching DVDs na may magagaling na kontrabida, kung paano sila mag-deliver ng lines nila, yung facial expressions nila, pinag-aaralan ko," pahayag ni Bangs nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

FIRST KONTRABIDA ROLE. Ayon kay Bangs, ito talaga ang unang kontrabida role niya.

"First ko ito, kasi yung sa Palos dati, playful yung character ko e, hindi naman talaga kontrabida. 'Eto, this time, yung pagiging kontrabida ko, with cruel intentions. Talagang masama yung budhi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanino ba siya magiging kontrabida rito?

"Kay Shaina," sagot ni Bangs. "Ako ang magiging kontrabida sa buhay ni Shaina dito. Ako si Inez dito, half-sister ni Shaina. Ako yung tunay na anak nina Lotlot de Leon at Allan Paule. Pero sobra akong nai-insecure kay Shaina na ampon nila. Bata pa lang kami ni Shaina, galit na ako sa kanya. Hanggang sa maging dalaga na nga kami, naiinggit ako sa ibinibigay na atensyon sa kanya ng mga magulang ko."

Anong pagpapahirap ang gagawin niya kay Shaina rito?

"Marami. May mga conspiracy ako, minsan gumagawa ako ng mga plans para mapagalitan siya ng daddy ko. Actually, wala pa kaming kinukunan na confrontation scenes, na may sampalan at pananakit. Pero ako, nasampal na ako ng daddy namin kasi nga talagang nananakit yung daddy namin kapag may ginawa kaming mali.

"So far, between Shaina and I, wala pa namang pisikalan. Puro ano, yung pinapahamak ko lang siya lagi. Kasi nga, ako yung biological daughter, pero ang focus ng daddy ko na kay Shaina. Siyempre, sino ba naman ang hindi maiinggit? Actually, may malaking twist pa sa story na lalo akong magagalit kay Shaina. Yun ang dapat pang abangan ng mga tao," lahad ni Bangs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nagwo-worry na baka magalit sa kanya ang fans ni Shaina?

"Noong una, inisip ko rin yun, pati nga fans ni Melissa, e. Kasi nga, magkakaroon ako ng interes kay Matt Evans dito, so baka mamaya magalit din ang Matt-Mel fans, di ba? Pero sabi ko, kaya ko naman ito, kasi alam ko naman mas open-minded na yung mga fans nowadays. Tanggap na nila na role lang yung ginagampanan ko. Pero kung may maiinis pa rin sa iyo, it means you're a good actress. It means effective yung pagiging kontrabida ko, di ba?"

Parang ang nagiging direksyon ng career niya ngayon ay ang pagiging kontrabida?

"Hindi ko pa naman masasabi kung in the future magkokontrabida roles pa rin ako. Pero this is a good start naman, para ma-try ko yung iba't ibang klase ng acting."

Hindi ba siya natatakot na ma-typecast ka as kontrabida?

"Well, mabuti na yung ganun kesa walang trabaho, di ba? Sa dami ng artista ngayon, mas okay na yung may trabaho kahit hindi bida. At saka malaking challenge din naman in terms of acting ang pagiging kontrabida, di ba?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mga lokal na artista sa showbiz, hinahangaan ni Bangs ang pagganap ni Cherie Gil bilang kontrabida.

"Si Ms. Cherie Gil, magaling talaga yun. Siya yung puwede kong gawing idol. Wala akong masasabi kundi ang galing niya talagang umarte, hindi lang bilang kontrabida kundi sa ibang roles din," sabi niya.

NEW PROJECTS. Dapat ay kasama si Bangs sa matagal nang nade-delay maipalabas na soap na Habang May Buhay, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos. Kapatid ni Judy Ann ang role ni Bangs dito, pero bigla nga siyang nawala sa cast kahit na nakapag-taping na siya. Ano ang nangyari?

"Hindi ko alam," sagot niya. "Actually, nakapag-tape na ako before, pero wala na muna ako doon. Marami po kaming nawala sa cast, pati yung directors namin napalitan. Totally, parang marami nang naiba sa story. So, ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa soap."

Nalungkot ba siya?

"Siyempre, nalungkot. Sayang, kasi si Ms. Judy Ann yun, e. Sobrang honored ako to work with her. Malungkot din kahit papaano. Pero at the time na na-pullout ako doon, nagte-taping naman ako sa TV5 ng Midnight DJ. So, at least, meron pa rin akong ginagawa, kaya hindi naman ako talaga nawalan ng trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi ba sa bagong season ng Midnight DJ ay nawala rin siya sa cast?

"Oo, pero nandito naman ako sa Kambal sa Uma. Siguro meant to be yung nangyari."

Ano ang feeling niya na isa-isang nawawala yung projects niya?

"Yun nga, e, siyempre malungkot at first. Pero sumasaya naman ako ulit kapag biglang may dumarating na kapalit. Talagang mabait ang Diyos. At saka malapit na ring lumabas yung commercial ko sa Tanduay. Busy rin ako sa mga mall shows and cover shoots for magazine."

Bukod sa TV, commercials at magazine covers, abala rin si Bangs sa paggawa ng pelikula ngayon.

"I'm doing two independent films now. Yung isa is with Ms. Ara Mina, ang title is Marino. Bago ito, may in-offer na sa akin na isa pang indie film na super sexy ang role. Hindi ko tinanggap yun at tinanggap ko yung offer sa Marino na conservative yung role ko. Gusto ko kasi sa first movie ko, wala muna akong sexy. Sobrang kabaligtaran, deglamorized ako, probinsiyana, simple, mabait, very sensitive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako rito yung ex-girlfriend ng husband ni Ms. Ara. Tatlo kaming leading ladies ng bidang lalaki na si Allen Dizon—si Ara Mina, Krista Ranillo, at ako. Si Allen din yung producer ng film."

So, hindi pala siya makikipagtalbugan sa paseksihan dito?

"Hindi, kasi nga conservative yung role ko."

Pero bakit ganun, alam naman ng mga tao na nagse-sexy siya, especially Tanduay model siya tapos may sexy magazine pictorials pa siya?

"Yun na nga, kasi ayokong mailagay sa puro sexy lang, kaya bina-balance ko. Mabuti naman dito sa first film ko, hindi ako sexy, kasi nandiyan naman yung Tanduay. So, naba-balance ko. Kasi lagi na lang akong nakikita sa posters na sexy, e. Para maiba naman."

Ano pa yung isa niyang ginagawang indie film?

"Yung pangalawa is yung Rock 'n Roll. Medyo sexy ako rito. It's a new indie film na puro GMA artists ang kasama ko. Ka-partner ko rito si Mark Herras, tapos kasama rin namin sina Iwa Moto, Rainier Castillo, at Ryza Cenon, puro StarStruck. Ipapalabas din po ito soon, pero mauuna yung Marino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT TRANSFERING TO GMA. Speaking of GMA-7, naging isyu noon na lilipat siya raw ng istasyon, especially noong napanood siya noon sa SOP Ano ba ang totoo rito?

"Ay, hindi, hindi ako lilipat. Nasa SOP ako noong New Year countdown nila dahil lang sa Tanduay. Kasi major sponsor ng SOP ang Tanduay, madalas GMA lagi ang Tanduay. I have to be there sa countdown nila, kasi ako yung new Tanduay endorser. Parang soft launch ko yun as the new Tanduay endorser."

Anong pakiramdam na nasa kalabang istasyon siya kahit na Kapamilya siya? Anong klaseng pag-welcome ang ibinigay nila sa kanya ng mga Kapuso?

"Well, noong hindi ko pa sila nami-meet, nate-tense ako, kasi feeling ko outcast ako. Pero noong nandun na ako, maganda naman yung treatment nila. Okay naman."

Satisfied ba siya sa nangyayari sa career niya?

"Well, okay naman. Yeah, satisfied. Pero syempre, kahit papaano I'm looking for more projects."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, ano pa yung wish niyang ma-achieve sa showbiz?

"Wish ko rin na magkaroon ng dramatic role someday. Kasi iyakin din ako, e. So tingin ko, baka yun ang maging edge ko, baka yun ang mas maging madali for me. Pero actually noong nag-Palos ako, I realized na masarap din palang mag-action. So, sana I'm hoping na mabigyan ako ng project na parehong may action at drama."

Ayon kay Bangs, kaabang-abang din daw ang May issue ng FHM dahil siya ang cover nito.

Read Next
Read More Stories About
Bangs Garcia, Kambal sa Uma
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam ko naman mas open-minded na yung mga fans nowadays. Tanggap na nila na role lang yung ginagampanan ko. Pero kung may maiinis pa rin sa iyo, it means you're a good actress. It means effective yung pagiging kontrabida ko, di ba?" says Bangs Garcia about accepting a kontrabida role.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results